Nang makarating sila sa Munisipyo ay pinapasok na agad sila ng sekretarya ni Mayor. Grabe ang kaba niya ng mga sandaling iyon pero linalakasan na lamang niya ang kanyang loob.
Kahit na parang nais sana niyang lumabas sa silid na iyon at iwan ang mga ito doon. Lalo na ang kanyang Papa na masama ang tingin sa kanya.
Parang nais tuloy niyang magtanim ng sama ng loob sa kanyang Papa dahil ito ang unang beses na nagdesisyon nito para sa kanya. Hindi man lamang siya nito tinatanong kung ano ba talaga ang nais niya.
Kaya lang alam naman niya na ginagawa lamang iyon ng ama dahil sa pag-aalala sa kanya. Ginagawa lamang nito iyon para hindi siya maagrabyado sa sitwasyon na iyon.
Kaya lang dapat tinanong man lamang siya nito kung nais ba talaga niya ay maikasal sa lalaking ito. Papaano na lamang kung hindi pala mabuting tao ito?
Papaano na lamang kung imbis na mapaayos ay maging kapahamakan ang hatid ng kasalang ito sa kanya.
Di man lamang ba naisip ng kanyang mga magulang iyon na maaaring gano'n ang mangyari lalo na at hindi naman sila nagmamahalan na dalawa.
Pero ang tanong may magagawa pa ba siya na samantalang nandito na sila, at wala na siyang magagawa dahil nandito na sila mismo sa opisina ng Mayor. Ilang minuto na lamang ay siguradong ikakasal na silang dalawa, gustuhin naman niyang tumakas hindi niya magagawa.
O kaya magmaka-awa, mag lumuhod sa mga ito. Alam niyang hindi mapapahintulutan iyon ng kanyang ama kaya wala na siyang magagawa kundi tanggapin na lamang ang lahat.
Maya-maya ay dumating na ang mayor at pumwesto na sila sa mismong harapan ng mesa nito.
"Naku inaanak, ano ba ang nangyari dito sa apo ko at bakit bigla-bigla ay ikinasal? Tapos ganitong oras pa, madaling araw na. Mabuti na lamang at gising pa ako kanina pag tawag mo. Kung hindi, baka hindi ko kayo mahaharap baka abutin na tayo ng kinabukasan. Bakit parang masyado ka yatang nagmamadali? Ano ba ang nangyari?" tanong ni Mayor sa kanyang Papa. Nagtataka ito at nais niyang nalaman kung ano ba talaga ang nangyari.
Apo ang tawag nito sa kanya dahil Ninong ito sa kasal ng kanyang mga magulang, kaya parang pangalawang lolo na rin niya ang ito.
"Naagrabyado kasi itong apo mo Ninong eh. Itong taga Maynila na ito na naging bisita namin eh nilapastangan itong apo mo. Ay syempre hindi naman ako makakapayag na makatakas pa ang damuhong ito. Kaya nagmamadali ako na ipakasal sila Ninong kasi hindi naman maaaring pabayaan ko na lamang po." wika ng kanyang Papa na nais na niyang almahan, bakit naman kasi kailangan pang sabihin nito iyon sa mayor.
Napansin niya ang pag-tiim nang anyo ng kanyang Tito Conran tila hindi nito nagustuhan ng sinabi ng kanyang Papa.
Si Tita Emma naman ay hindi na pinapasok ng kanyang Mama sa mismong loob ng silid ng mayor dahil masakit nga naman dito na makita pa nito na ikinakasal silang dalawa. Pero dinig na dinig pa niya ang hagulhol nito sa labas ng pinto.
Siye naman ay nanlalamig na ewan, hindi na niya maintindihan ang kanyang sarili pero malalamig ang kanyang pawis.
Marahil dahil iyon sa matinding kaba, ilang minuto na lamang kasi ay ikakasal na silang dalawa siya ay magiging ganap ng asawa nito. Na kailanman ay hindi niya pinangarap, lalo na at sobrang layo ng agwat ng edad nilang dalawa.
Pakiramdam tuloy niya ay nanlalamig na naman ang buong katawan at ngayon, maging ang pawis niya ay nanlalamig na talaga. Butil-butil pa iyon at parana siyang natatae na ewan dahil siguro sa matinding kaba.
"Ahh gano'n ba, mukhang willing naman ikasal itong groom ng anak mo Mateo. Mabuti pa start na tayo at malapit ng mag 3:00am. " natatawang wika ng mayor.
At saka nagsimula na nga ito may mga sinasalit ito na hindi na nga niya maunawaan dahil ang kanyang isipan ay abala sa pag-iisip kung ano na ang mangyayari sa kanya kapag nakasal sa lalaking ito.
Pano na lang kung saktan siya nito kapag magkasama na silang dalawa. Sa isiping iyon kaya naman lalong tumindi ang kaba niyang nararamdaman at yung panlalamig ng pawis niya at panlalamig ng katawan niya ay hindi na talaga biro.
Para ba ang pakiramdam niya ng mga sandaling iyon habang ginagawa ang seremonya ng kasal ay nakalubog siya sa kumunoy at paunti-unti siyang hinihila pababa.
Tila wala na siya sa kanyang sarili pero patuloy pa rin naman siyang nakikinig kahit na hindi naman niya maintindihan ang mga pinagsasabi ng Mayor. Para bang nagiging echo ang boses nito pero palayo ng palayo.
Sa sobrang kalutangan niya sa seremonya ng kasal ay hindi na niya namalayan na tinatanong na pala siya ng Mayor. Napansin na lamang niya iyon dahil siniko siya ni Conran sa tagiliran.
Hindi pa nga niya na gets kung ano ang ibig sabihin nito kaya napatingin pa siya sa mukha nito. Napansin niya ng ngumuso ito patungo sa Mayor at napatingin naman siya doon, doon na niya napagtanto na tinatanong nga pala siya nito kung tinatanggap niya bilang asawa si Conran.
Nakailang tanong ang Mayor pero hindi pa rin siya makasagot maya-maya ay biglang napahawak siya sa kanyang tiyan dahil bigla yung sumakit.
Hindi na maipinta ang kanyang mukha dahil ang pakiramdam niya ng mga sandali iyon, kapag hindi pa siya nakatakbo sa CR siguradong magkakalat siya sa opisina ni Mayor.
"Naku mukhang napipilitan lang yata ang ating bride. Bakit yata hindi siya makasagot Mateo?" Biglang wika ng Mayor sabay tanong sa kanyang papa.
Siya naman ay tagaktak ang pawis at talagang hindi na siya pwedeng kumilos dahil baka kapag siya'y nagkamali ay magkalat talaga siya sa opisina ng Mayor.
Napansin niya na may kumurot sa tagiliran niya at ng tingnan niya iyon, ang kanyang Mama tila sinasabi na sagutin niya ang tinatanong ng Mayor.
Hindi talaga siya makasalita ang concern niya ay nasa kanyang tiyan na masakit at ang pamumutla niya at panlalamig ay siguradong hindi maganda ang kanyang kalagayan kaunting-kaunti na lang kapag hindi pa siya nakapunta sa cr, sure na kahiya-hiya ang mangyayari.
Bigla siyang napahawak sa laylayan ng polo shirt ni Conran ng mahigpit na mahigpit at tila doon siya kumukuha ng lakas. Nang mapatingin naman siya sa mukha nito ay hindi maipinta iyon.
Ang sama ng tingin sa kanya kung nakakamatay lamang ang tingin ay kanina pa siya tumimbwang. Parang inis na inis ito sa ginagawa niyang paghawak sa laylayan ng polo shirt nito.
Hindi na talaga siya makatiis sa kaniyang nararamdaman kaya naman, napatingin siya sa Mayor na hindi pa rin nakakahalata kung ano ang pinagdadaanan niya.
"M-Mayor, maaaring bang.... Ay sh***ttt!" Wika niya pero naudlot dahil biglang napautot siya ng malakas.
"Ay ano ba yan."
"Grabe naman apo, ang baho!"
"Marikit, ilabas mo muna yan nakakahiya!"
Sabay-sabay na wika ng mga nasa loob. Halos nahiling na lamang niya na bumuka ang sahig at lamunin na lamang siya non. Hiyang-hiya talaga siya sa nangyari.
"Grabe, parang ilang linggong hindi nailabas yan ah. Bakit naman dito pa pamangkin? Nakakahiya kay Mayor!" Wika pa ng isa sa kanyang Tita.
Lalo na ng mapatingin siya sa mukha ni Conran ja noon ay nakatakip ang kamay sa ilong tapos di maipinta ang mukha.
"S-Sorry po! Mayor, saan po ang CR?!" Tanong niya sa Mayor na noon ay di rin maipinta ang mukha.
Ang baho naman kasi talaga ng utot niya, aircon pa naman ang opisina ni Mayor.
Itinuro nito ang cr na nas aloobblang pala ng opisina. Agad siyang tumakbo doon, pero bago iyon nilingon muna niya ang mga kasama niyang nas aloob ng opisina. Pero kanya-kanya na palang pulasan ang mga iyon palabas ng silid.
"Hayysss.... Ano ba to! Nakakahiyaaa!" Reklamo niya sa kanyang sarili.
Mabilis siyang umupo sa bowl at agad na lumabas ang dapat niyang ilabas. Nakahinga na siya ng maluwag dahil finally, okey na. Kalmado na ang tiyan niya.
ITUTULOY