Tagaktak ang pawis ni Marikit habang nakaupo siya sa bowl dahil akala niya sa unang paglabas ng sama ng loob niya ay okay na, pero hindi pa pala kasi sumasakit pa rin ang kanyang tiyan. Kaya mukhang kailangan talaga niya ang uminom ng diatabs para matigil ang pagdudumi niya.
At saka para kumalma na rin ang kanyang tiyan, naku baka hindi pa matuloy ang kasal na nais ng kanyang mga magulang dahil sa pag-aalboroto ng kanyang tiyan na kung bakit naman bigla bigla ay naramdaman niya.
Sabagay pabor naman sana iyon sa kanya, kaya lang alam naman niyang kahit hindi matuloy ngayon ay matutuloy at matutuloy pa rin dahil iyon ang pasya ng kanyang mga magulang.
Sobrang nakakahiya kasi naturingan pa na kasal niya tapos doon pa siya inatake ng pagtatae siguro dahil nga lang sa matinding kaba dahil wala naman siyang kinain na kung ano kagabi.
Uminom lang siya ng isang basong redhorse na pinainom sa kanya ng mga pinsan niya at dahil nga hindi naman siya umiinom. Agad na tinamaan siya kaya nga nagtungo na agad siya sa kwarto niya pero dahil si sinabi ng Tita Emma niya na doon na matulog sa kwarto nito dahil walang kasama si Baby Iggy Boy. Sa silid nito siya dumeritso, na isang pagkakamali pala dahil doon nangyari ang hindi dapat mangyari.
Pero kasi naman, bakit naman kailangang magkaganon sa araw ng kasal niya tapos napautot pa siya na sonrang nakakahiya talaga. Pano ba naman aircon pa naman yung opisina ni Mayor. Eh di talaga amoy na amoy nilang lahat ang utot niya.
Amoy na amoy kung gaano kabaho ang utot niya, kahit nga siya eh hindi talaga kinaya ang amoy. Sa sobrang baho niyon kahit aso ay maduduwal. Kaya gusto na sana niyang tumawag sa kanyang Mommy, gusto niyang tawagin na ito para sana makisuyo na bumili ng diatabs o kung kahit na anumang inumin na maaaring magpakalma sa kanyang tiyan.
Pero wala na kasi ang mga ito sa loob ng opisina dahil lumabas ang mga ito para siguro hindi na malanghap ang amoy ng mabahong utot niya.
Maya-maya ay narinig niya na tila bumukas ang pinto ng opisina at may naramdaman siyang naglalakad sa loob. Napausal tuloy siya ng pasasalamat at hiniling na sana ang Mama at Papa niya ang pumasok.
"Mama, Papa? Kayo po ba yan?" tanong niya habang nasa loob ng CR.
Pero walang nagsasalita, pero naramdaman niya na may tao sa pinakang pinto ng CR na kinaroroonan niya.
"Kung sino po yung nandiyan sa labas, baka naman po pwedeng makisuyo lang. Pabili po sana ako ng diatabs or kahit anong pwedeng pampakalma ng tiyan ko. Hindi pa po kasi kumakalma itong tiyan ko eh, masakit pa rin. Tsaka baka magpabalik-balik ako sa CR, nakakahiya naman sa inyo," pakiusap niya sa taong nasa labas.
Nagbabakasakali siya na sasagot iyon, naisip tuloy niya na baka si Mayor iyon. Sobrang nakakahiya talaga dito o baka iyong kaya sekretarya nito.
Ngunit nagulat siya ng may biglang tumikim sa labas ng pinto ng CR, napagtanto niya na si Tito Conran niya ang nasa labas ng CR. Napapikit tuloy siya at na kutongan ang sariling ulo dahil para ba naman kasing nananadya.
Talaga ba naman na ito pa ang pumasok at dito pa siya humiling ng magpabili ng diatabs? Halos maloka siya sa kahihiyang sunod-sunod na naranasan. Ang sagwa kasi, ang kalat niya masyado ng araw na iyon.
"Ako to, sige saglit lang bibili ako. Wala kasi sina Ate Amanda nagkakape kasama nong Mayor. Tagal mo kasi dyan, patapos na silang magkape dika pa tapos. Diko alam kung ano na bang inilalabas mo dyan, parang gusto mo na yata gawing pugad iyang bowl." Wika nitong halata ang pagkainis sa boses.
Napataas tuloy ang kilay niya, okey na sana eh. Akala niya smooth na iyong pagpayag, akala niya bukal sa loob, iyon pala may pahabol pang insulto.
"Ay sorry naman po ha, hindi ko naman kasi kontrolado tong pwet ko no! Kakaimbyerna tong lalaking ito!" Inis na wika niya, talagang pinarinig niya dito.
Paki ba niya, kainis kasi eh. Bakit naman kasi sumabay pa iyong pwet niya ayon tuloy nainis iyong kumag na 'yon.
Narinig niya ang tila pagbuntunghininga nito tsaka naglakad na palayo hanggang sa makalabas sa opisina. Inis na inis talaga siya, napahiya na nga siya't lahat, nakuha pa talaga siya nitong sermonan?
Nang mararamdaman niya na medyo okay na ang kanyang tiyan at hindi na iyon masakit, minabuti niya na linisan na ang sarili. Tsaka lumabas na siya ng CR. Medyo wala na rin ang amoy sa loob ng opisina, grabe naman kasi iyong utot niya napakabaho talaga.
Tapos parang yung amoy din ng popz niya ay nakalabas din ng CR pero hindi naman na katulad kanina na talagang nakakasuka.
Inaayos pa niya ang kanyang gown ng bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Tito Conran niya. Pero bakit gano'n pagbukas ng pinto ay animo nagkaroon ng liwanag at para bang isa itong poging super hero sa kanyang mga mata habang hawak-hawak ang bottled water, gatorade na blue at may gamot na diatabs sa kamay nito.
Napaawang pa ang kanyang mga labi habang nakatingin dito, animo napakakisig nito na akala mo ay superhero.
Agad niyang naipilig ang kanyang ulo dahil mukhang kailangan niyang magising o mabagok, kasi naman kelan pa naging gano'n kapogi at kakisig para sa kanya si Tito Conran niya?
"O ito na binilhan na rin kita ng gatorade para maging okay na 'yang tiyan mo. Anong oras na eh, inabot na tayo ng kung anong oras dito. Baka abutin pa tayo dito ng umaga! Sobrang puyat na puyat na ako at antok na antok na dahil sa kalokohang 'to!" Inis na naman na wika nito at dahil doon.
Animo parang binuhusan siya ng isang timbang graba para maalog ang kanyang ulo at dahil don bigla-bigla siyang nabagok. At muli nanamang nagmukhang gurang ito sa kanyang paningin na nakakainis.
Pano ba naman mukhang pinaglihi ito sa sama ng loob kung makasimangot sa kanya. Napakatalas ng bibig, masahol sa pa babaeng bungangera eh, kailangan pa talagang pagsalitaan siya ng gano'n.
Nakasimangot na kinuha niya ang inaabot nitong, bottled, gatorade na blue at gamot. Agad niyang ininom ang gamot at sinabayan na niya iyon ng gatorade.
Matapos iyon, bumukas ulit ang pinto at pumasok na sina Mayor kasama ang kanyang mama at papa pati na ang iba pang saksi.
"O mukhang okay naman ang bride, balik na kayo sa pwesto ninyo at ng matapos na natin ang seremonya. Anong oras na baka abutin pa tayo dito ng alas sinko ng umaga. Magagalit na ang misis ko niyan, baka isipin ay kung saan ako natulog tapos kasama ko pa itong sekretarya ko." wika ng Mayor sa kanila.
Hiyang-hiya naman siya dito.
"Pasensya na po Mayor, opo medyo okay na po ako. Hindi na po soguro mauulit iyong kanina kasi nakainom na rin naman po ako ng gamot." nakangiwing hinging paumanhin niya sa Mayor.
"Ay sige halina kayo pumwesto na kayo dito at ng tayo ay makapagsimula na." wika ng Mayor, sumunod naman sila dito at tsaka nagsimula na naman ito sa seremonya.
Pero gaya kanina dahil sa matinding kabay heto na naman siya at nanlalamig na naman ang kanyang katawan hanggang sa marinig niya na tinatanong na siya ng Mayor kung tinatanggap ba niya na maging asawa si Conran.
Tila lutang na naman siya ng sandaling iyon pero nagulat siya ng maramdaman ang paggagap ng palad ni Conran sa palad niya. Awtomatikong napatingin siya dito at nagulat siya dahil tila may kung anong naramdaman siyang kuryenteng nanulay sa kanyang katawan dahil sa pagkakahawak nito sa palad niya.
At maging ang kanyang puso ay mabilis na pumipintig-pintig, at may kung anong kasiyahan doon siyang nadarama na hindi niya maipaliwanag kung bakit? Tsaka ng tumitig siya dito ay tinitigan din siya nito sa mata at bahagya itong tumango tila sinasabi na sumagot siya.
"Opo Mayor, t-tinatanggap ko po." biglang tila kusang lumabas sa kanyang bibig habang nakatitig sa magandang mata ni Conran.
Nagulat naman siya sa kanyang nasabi pero tila ba nahihipnotismo siya sa mga matang iyon na ngayon ay bahagyang nakangiti habang nakatingin sa kanya. Hanggang sa narinig din niya na tinanong din ito ni Mayor.
Sumang-ayon din si Conran at ang sunod ay inanunsyo na rin ni Mayor na mag-asawa na silang dalawa. Kasunod niyon sinabi ni Mayor na maaari na siyang halikan ni Conran.
Syempre hindi naman siya umaasa na hahalikan siya nito lalo na at kaharap ang kanyang mga magulang at saka ayaw din naman niya. Nakakahiya kaya, kaharap niya ang mga kamag-anak niya mabuti nga ito walang kasamang kamag-anak.
Kaya naman tatalikod na sana siya para ayain na ang kanyang mga magulang na umuwi na pero nagulat siya ng bigla siyang kabigin ni Conran.
At nagulat siya ng biglang sakupin ng labi nito ang kanyang labi. Bahagya pang nanlalaki ang kanyang mga mata hanggang sa ilang sandali lang ay napapikit na siya at ninamnam ang napakasarap na halik na iyon. Ang unang halik na pinagsaluhan nila bilang mag-asawa.
ITUTULOY