Kabanata 5

1724 Words
"Anong sinasabi ninyo na pakasalan ko ang anak ninyo? Alam naman ninyo na magkarelasyon kami ng iyong hipag na si Emma matagal na kaming dalawa at marami na kaming mga pangarap sa buhay. At nais naming tuparin iyon na magkasama at balak na nga naming magpakasal pero nais ninyong pakasalan ko ang inyong anak? Hindi maaari iyon Kuya Mateo!" mataas ang boses ng pahayag ni Conran sa ama ni Marikit. Hindi maaari ang nais nito. Marami na siyang pangarap na kasama si Emma at marami na silang planong dalawa. Hindi iyon masisira lamang ng isang pagkakamaling hindi naman nila parehas ginusto ng anak nito. Oo sabihin man na nagawa nga nilang ituloy ang bagay na iyon, pero wala siyang balak na magpwtalo sa anak nito ng dahil lang doon. "Gago ka! Pagkatapos mong baboyin ang anak ko, ngayon sinasabi mong wala kang plano na pakasalan sya? Sa tingin mogano'n kadali lang na ako ay papqyag? Pwes, hindi ako makakapayag sa nais mo! Malaking kahihiyan ito sa pamilya namin kaya hindi ako makakapayag Conran. Pakasalan mo ang aming anak o ipapakulong kita!" Galit na galit na pahayag ng ama ni Marikit. Pero hindi siya patitinag dito, hindi siya basta-basta mapapayag ng kahit na sino lamang sa nais nito. Hinding hindi siya sumusunod kung iyon ay labag sa kanyang kalooban. "Kuya, b-bakit naman ganon? Alam ninyo naman na kasintahan ko si Conran, mahigit dalawang taon na kami na magkarelasyon. Hindi ba at pinaliwanag naman niya sa inyo pati nga si Marikit sinasabi na pagkakamali lamang iyon. Na hindi nila ginusto, napagkamalan lamang ng kasintahan ko na ako iyong nakahiga sa kama. Kaya nangyari ang hindi dapat mangyari! Huwag naman ganito Kuya Mateo, agrabyado naman ako sa nais ninyong mangyari! Nagmamahalan kaming dalawa, kaya wala kayong karapatan na ilayo sa akin ang boyfriend ko para lang pakasalan ang anak ninyo!" Sabat ni Emma sa pag-uusap nila ng ama ni Marikit. At ikinatuwa naman niya iyon dahil kahit papano ay naramdaman niya na mahalaga pa rin siya kay Emma at ayaw nito na tuluyan siyang mawala dito. Napasulyap siya kay Marikit ng oras na iyon, wala itong tigil pa rin sa pag-iyak tila gulong-gulo na ito sa ingay nilang lahat. Napansin din niya na bahagya nanginginig ang katawan nito tila ba sobra sobra itong nai-stress ng mga pangyayari tapos hindi pa ito makakilos dahil hubo't hubad pa rin ito at tanging kumot lamang ang nakabalabal sa hubad nitong katawan. Kahit papano ay nakaramdam siya ng pagka-awa kay Marikit dahil hindi naman talaga nito kasalanan ang lahat. At syempre hindi rin naman niya kasalanan iyon dahil pagkamali lamang talaga ang lahat. Iyon nga lang ang mali lang nilang dalawa ay itinuloy pa nila pero syempre hindi rin naman sila masisisi doon dahil kahit na sabihin pa na maayos ang pag-iisip niya ay talo naman siya ng pangangailangan ng kanyang katawan. Kaya kahit na hindi na dapat ituloy ay nagawa pa rin niyang ituloy ang bagay na iyon. Naawa siya kay Marikit lalo na at mukhang sobra itong naguguluhan sa mga pangyayari hindi na rin ito mapakali siguro dahil sa nagpa-panic na ito sa nakikitang galit ng ama nito. Pero kahit na magalit sa kanya ang lahat, hinding-hindi siya papayag sa mga ito takutin pa siya na ipapakulong o kahit ipakulong siya hindi siya papayag. Kasi hindi siya yung tao na basta na lamang maaaring diktahan ng kung sino. Na maaaring gawin kapag ayaw niya ay ayaw talaga niya. At saka wala naman siyang nararamdaman para kay Marikit, si Marikit ay parang isang pamangkin lang para sa kanya dahil pamangkin ito ng kanyang mahal. Iyong nangyari sa kanila ay isang malaking pagkakamali lamang iyon. Kaya hindi dapat iyon maging dahilan para mapilit siyang pakasalan ito dahil isang babae lamang ang pakakasalan niya. At iyon ay si Emma lang dahil ito ang kanyang mahal. "Mabuti pa po na doon na lamang tayo sa labas mag-usap hayaan po muna natin na makapagbihis si Marikit para makausap ninyo na rin po siya ng matino. Dahil siya ang magpapatunay na hindi po talaga nangyari ang bagay na iyon na sinadya namin, kundi iyon ay isang aksidente lamang." suggest niya sa mga ito para mabigyan ng pagkakataon magbihis si Marikit. Ansama ng tingin ng mga ito sa kanya tila hindi nagugustuhan ng mga ito sa tuwing magbibitaw siya ng salita. Kaya lang kasi para rin iyon kay Marikit kaya naman sumunod na lang ang mga ito dahil nakita ng mga ito na hindi okay ang dalaga. Iyak lang kasi ng iyak si Marikit at talagang hindi nito kayang ikalma ang sarili habang siguro naririnig nito kung paano sila mag-aaway away. Kapagkuwa'y lumabas na nga silang lahat ng silid para makapag-bihis si Marikit. Syempre ng makausap din ito ng mga magulang hindi iyong pinagtutulong-tulungan siya ng mga ito. Sa sala sila nagtungo nando'n ang lahat ng pamilya, ang lola at lolo ni Marikit. Ang mga magulang nito mga tito at tita, maging ang mga pinsan ay nandoon lahat. Kaya wala siyang kawala pero kahit na mag-isa lang siya na sasalungat sa nais ng tatay ni Marikit ay hindi siya magpapatinag sa mga ito kahit na napakarami ng mga ito. Matanda na siya at may paningindigan sa nais niya kaya hindi maaaring diktahan siya ng mga ito. "Katulad ng sinasabi ko sayo kanina Conran, kailangang pakasalan mo ang anak ko sa lalong madaling panahon. Ayoko ng kahihiyan at isa pa alam na alam mo na nag-iisang anak ko yan. Nag-iisang babae pa tapos gaganyanin mo lang parang napaka-normal lang sayo ng ganitong bagay ah. Alam mo naman na pure pa ang aking anak. Ikaw ang unang lalaki sa buhay niya tapos sasabihin mo na thank you na lang, na hindi mo maaaring pakasalan ang aking anak! Panagutan mo ang aking anak at ng tayo'y magkaayos!" Galit na galit na turan ng ama ni Marikit. Hindi man lamang nito pinakinggan ang sinabi ng kapatid ng asawa nito para bang ang concern lamang nito ay tungkol sa anak nito. Pero hindi rin naman niya ito masisisi dahil nag-iisa nga naman nitong anak iyon. Pero kahit na ganoon, hindi niya mapahihintulutan ang ganong bagay. Hindi na niya iyon problema basta ang iniisip lamang niya ay ang kanyang kinabukasan kasama syempre ang babaeng mahal niya at iyon ay si Emma. Hindi ang anak ng mga ito kahit pa sabihing ikulong siya hindi siya natatakot na ikulong pero syempre hindi naman siya papayag dun kahit na maghaharap sila sa husgado. "Hindi mo man lang ba akong naiisip kuya, puro na lang ba ang anak mo? Alam mo naman na matagal na kaming magkarelasyon, isang pagkakamali nga lang ang nangyari sa kanila tapos ang gusto mo anak mo ang pakasalan. Samantalang ako ay hindi na mabilang na katabi ko yan! Paano naman ako? Ako ang girlfriend, ilang taon na kaming magkasintahan at nagbabalak na nga kami magpakasal tapos ganyan ang nais ninyo? Grabe naman kayo!" punong-puno naman ang hinanakit na wika ni Emma sa bayaw. Luhaan ang pisngi nito dahil hindi nito matanggap na ganoon ang desisyon ng kapatid niya at ng asawa nito patungkol sa relasyon nila. Ramdam niya ang sama ng loob ni Emma dahil para sa mga ito ay walamg saysay ang relasyon nila kompara sa anak ng mga ito. Kaya naikuyom niya ang kanyahg palad, hindi talaga siya papayag sa nais ng mga ito. Kaya tumalikod siya at nagtungo sa silid kung saan nila iniwan si Marikit. Sasabihin niya dito na kumbinsihin ang mga magulang dahil aksidente lamang ang lahat. Hindi niya sinasadya kaya dapat patahimikin na nito ang mga magulang nito. Baka kasi hindi siya makapagpigil sa maga ito, masagot niya ng pabalang pero ayaw naman niyang mangyari iyon dahil kahit papano ay pamilya ito ng babaeng mahal niya. Hindi na siya kumatok pagdating niya sa may pinto, pinahit a lamang niya ang seardura ng pinto pero natigilan siya ng may marinig na kausap si Marikit sa messenger. Hinayaan niya muna ito baka kasi maka-istorbo siya, Pero kahit ayaw niyang makinig sa usapan, dinig na dinig pa rin niya. "So paano na ang plano mo? Naiwala mo ang virginity mo sa taog hindi mo naman mahal." wika ng kausap nito sa messenger. Mukhang ang topic ng dalawa ay tungkol sa nangyari sa kanila. "Hindi ko nga rin alam h, galit na galit sina Mama at Papa lalo na si Tita." malungkot na pahayag nito. "Loka! Syempre magagalit silang lahat no! Paano yan, magpapakasal ka sa lalaking nakakuha ng virginity mo?" tanong ulit nito. "Hindi iyon matutupad no, hindi rin nais ni Tito Conran dahil mahal na mahal nito si Tita Emma." wika pa ni Marikit. "Eh paano nga diba? Kapag hindi ka pumayag baka itakwil ka ng nanay mo." wika ulit ng kausap nito. "Hayaan mo na, basta natitiyak ko naman na hindi matutuloy dahil tutol si Tito Conran." Tila walang kabuhay-buhay na wika nito. "Hayyyss nasayang lang ang virginity mo ng dahil sa kung sino lang. Uhhmmm... ano kumusta nasarapan ka naman?" tanong ng kausap nito. Halos isiksik niya ang kanyang tenga sa siwang ng pinto para maayos na marinig ang tugon ni Marikit. Nakarandam din siya ng inis sa kausap nito dahil parang dismayado ito na isang katulad niya ang nakakuha ng virginity ni Marikit. "Yuckk! Kung ano-ano sinasabi mo! Napakataklesa talaga ng bibig mo eh no! Pero oo, masarap naman kaya lang syempre matanda na siya no! Alam mo naman na ayaw ko sa matatanda! Ilang taon na lang uugod-ugod na iyon" natatawang sagot ni Marikit sa kausap. Halos umusok naman ang kanyang ilong sa galit dahil sa narinig na sinabi ni Marikit. Ang inaasahan niya ay pupurihin nito ang performance niya pero kabaliktaran pa pala ang maririnig niya mula dito. At ano daw ayaw sa matatandang katulad niya?! "Ayaw pala sa matanda ha!" Inis na bulong niya sa sarili. Nagpupuyos sa galit ang kanyang kalooban dahil napakalaking insulto ang sinabi ni Marikit patungkol sa kanya edad. Nais niya itong parusahan. Nagpasya na siyang di na ito abalahin, sabay pihit pabalik sa sala kung saan naroroon ang kamag-anak ni Marikit. Nagtatalo-talo pa rin ang lahat lalo na si Emma na pinaglalaban ang relasyon nilang dalawa. "Tama na ho kayo sa pagtatalo. Pumapayag na po akong pakasalan ang anak nyo." Tiim ang bagang na pahayag niya sa lahat. Gulat na gulat naman ang mga ito lalo na si Emma na hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD