Matapos ang kasal ay kumuha lamang ng ilang mga pictures at video ang kanyang mga magulang para daw may remembrance kahit papano. Atsaka nagpasalamat sa Mayor bago nagpasyang umuwi na sila. "Naku paano ba ito, inabot na tayo ng alas sinko dito sa labas. Nakakagutom na rin mabuti pa ay kumain na lamang tayo sa restaurant na madaanan natin o kung saan man diyan na pwedeng kainan. Wala pa tayong almusal, ni wala pang tulog ang isa sa atin. Ni hindi pa tayo nakapagkape, mabuti kami nakapagkape na dahil inalok kami ni Mayor, nakakahiya namang tumanggi. Naubusan na kasi ng stock na kape kaya sapat lamang sa apat iyong nandoon. Kaya gustuhin man niyang alukin tayong lahat ay hindi pa rin kakasya. Alam kong gutom na ang lahat kaya hanap na lang tayo ng makakainan," wika ng kanyang Mama. Kasam