XEYA CLEMENTINE'S POV Kinabukas, may isang mensahe kaming natanggap mula sa management ng Isla Fuego kaya lahat kami ay biglang nanabik nang i-anunsyo ni Ashton ang nakasulat sa mensahe. "We're inviting all the guests of Isla Fuego for tonight's party. Dress confidently, party like there's no tomorrow, and enjoy yourself for the best party you might experience. We'll be expecting you. Sincerely, Isla Fuego Management." "Yown! May party mamaya!" Rinig kong wika ni Keiran na ikinapalakpak naman ni Cesca. "Nakakaexcite! Buti na lang nalabhan yung party dress ko!" "Malaki pa storage ng camera ko." "Alak na naman mamaya! Baka may mga chickababes din, diba Ash at Santi?" Nakita kong inakbayan kaagad ni French ang dalawa kong pinsan habang may malawak na ngisi sa labi. Ah, oo nga pala,