XIII: Touch You

2083 Words

XEYA CLEMETINE'S POV Naging maganda ang mga unang araw namin dito sa Isla Fuego. Parang nagbabakasyon lang ako sa Greece, Spain, at Maldives nang sabay ngunit nasa iisang isla lang. Ang dami na naming nakunan na litrato at sa bawat araw na lumilipas ay may mas lalo naming nakikilala ang isa't-isa. Hindi ako masyadong nakikipag-usap noon kay Rafael pero ngayon alam ko na ang mga posibleng naging rason kung bakit nahulog sa kanya ang kaibigan ko. Si French naman ay sobrang makulit at palabiro, siya siguro ang pinakamadaldal sa grupo namin na sinundan naman ni Keiran. Kaya netong mga nakaraang araw ay madalas ko na silang nakikitang magkasama. Si Luthor naman ay mas madalas na kasama si Rafael ikukumpara sa ibang mga lalake naming kasama dahil napapasama na siya sa grupo namin. Tula

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD