XEYA CLEMENTINE'S POV Nasa loob ako ngayon ng cafe nila Presci at kasalukuyang nakikipag-usap sa mga magulang niya. Hands-on business owners ang mga magulang ni Presci kaya mas napalago nila ang kanilang cafe. Halatang nakuha rin ng kaibigan ko mula sa mga magulang niya ang disiplina pagdating sa pera. Their cafe is one of the best cafes in town kaya marami na rin silang mga loyal customers. And most of them are students. "Buti at nakarating ka rito ngayon, Xeya. Nong huli kasi ay itong si Cesca lang ang nakabisita rito kasama si Presci." Nakangiting wika ng ina ni Presci na si Mrs. Scilia Ochea. "Mom, busy lang kasi talaga si Xeya kaya minsan wala na siyang oras." Sabi naman ni Presci sa kanyang ina. "She's right, tita, kaya pasensya na po talaga kung ngayon lang ako nakabisita ul