XEYA CLEMENTINE'S POV Sinundo ni Rafael si Cesca habang sabay naman kami ni Santi na umalis ng cafe nila Presci. Isang oras lang ata mahigit ang itinagal ni Santi bago kami nagpasyang sabay na umuwi. I waited at the side of the street for Santi who is still talking to Presci's parents. Ngumingiti-ngiti pa ito habang si Presci naman ay taimtim na nakatingin sa kanya. Obviously admiring him. Nang matapos na sila ay kaagad akong kumaway sa mga magulang ni Presci nang lingunin nila ako. "Mag-iingat kayo sa daan! Visit us whenever you have time, Xeya! Ikaw rin, hijo!" Nakangiting wika ni Mrs. Ochea habang nakatingin sa aming dalawa ni Santi. "Bye, Xeya! Goodbye, Santi!" Rinig kong wika ni Presci. Kaagad naman akong kumaway sa kanya habang nakangiti. "Goodbye, Presci." Rinig kong tugon