XEYA CLEMETINE'S POV "What?! You want me to investigate your cousin?!" Gulat na wika nito dahilan upang mahila ko kaagad ang kwelyo niya. "Pwede ba? Hinaan mo ang boses mo." Buong diin kong wika sa kanya nang makita kong may napatingin sa gawi namin dahil sa pagtaas ng boses nito. Inis ko itong binitawan dahilan upang kaagad niyang inayos ang kwelyo ng kanyang suot na damit. "Sorry, but I didn't expect that. Ibig mo bang sabihin na pinsan mo ay yung nakita ko sa charity?" Tanong nito sa akin na ikinatango ko na lang. "Mismo." "Bakit? Akala ko ba close kayong dalawa? Why won't you just ask him?" "Hindi 'yon ganon kadali." Panimula ko bago sumimsim sa unang kapeng ininom ko ngayong araw. "Tsaka pwede ba? Wag ka nang masyadong maraming tanong." Dagdag ko pa. "And also, I'm willing