XEYA CLEMENTINE'S POV Hindi lang sa charity event na dinaluhan ko kasama ang mga Dela Vega makikita si Cato, kundi pati rin dito sa bawat board meeting na pupuntahan ko kasama si dad. And just like me, Cato is also a successor-in-training. Pero habang tumatagal, imbes na makapagfocus ako sa bawat meeting, naiinis ako dahil sa kakulitan ng lalakeng katabi ko. "Ano ba." Madiin kong bulong sa kanya nang may pinapakita na naman itong katatawanang video sa ilalim ng mesa. "Itago mo na nga 'yan," dagdag ko pa bago itinabig ang kamay niya sa ilalim ng mesa. "Masaya 'to, tignan mo." Impit itong napatawa habang nakatingin sa video'ng pinapakita niya sa akin. Yung tawang walang tunog talaga, at tanging balikat niya lang ang gumagalaw. Napairap ako sa kawalan. Lintek ha? Ang kulit-kulit ng