XEYA CLEMENTINE'S POV "Kami ang nalasing pero ikaw 'tong ang matagal nagising." Natatawang wika ni Cesca sa akin nang umupo ako sa kanyang tabi. Napahikab pa ako bago walang ganang kinuha ang isang tasang kape. Mukhang nagrequest sila ng private chef kanina dahil ang sasarap ng mga pagkaing nakahain sa aking harapan. Napahikab ulit ako. "Anong oras na ba?" Tanong ko sa dalawa kong kaibigan habang kinukusot ang aking dalawang mata. "Pasado alas dose na ng tanghali, pero magkakape ka pa lang." Napakurap ako bago muling napatingin sa mga pagkain. "H-Hindi na 'to almusal?" "Hindi na noh." Tumawa si Cesca bago siya sumandal sa balikat ni Presci, magkatabi kasi sila at nasa tapat nila ako nakaupo ngayon. Nang libutin ko ang aking paningin sa buong villa, napansiin kong kami lang ang na