XEYA CLEMENTINE'S POV "Guys, thank you ha? Nag-enjoy talaga ako sa getaway natin." Rinig kong wika ni Cesca habang isa-isa na kaming bumaba sa yateng sinakyan namin. We're already in the dock walking towards the vehicles we used when we got here 2 weeks ago. Natapos na talaga ang getaway namin sa Isla Fuego. It was indeed one of the most memorable vacations I've ever had. Hindi lang dahil sa ganda ng isla kundi dahil na rin sa mga taong nakasama ko. "Magpasalamat tayong lahat kay Ashton, nang dahil sa kanya nakapunta tayo sa napakagandang paraiso ng Isla Fuego." Wika ko dahilan upang akbayan kaagad ako ng aking pinsan. "Nah, don't mention it. Hindi lang naman ako ang naglabas ng pera para sa getaway natin, I simply do the leading. But anyway, I really had so much fun and I'm glad y