Chapter 11 - Her room

1360 Words
Hilary Mag-aalasingko na at kararating ko lang sa bahay nang mapansin kong ang daming nakatambak na trashbag na punong- puno sa labas. Iyong iba nga hindi na nagkasiya sa basurahan kaya nasa labas na lang at nakatabi. "Nag-dispose ba ng gamit si Briner?" Nakatuwaan ko na talaga siyang tawagin sa ganoong pangalan. Ang cute kaya. Nakatatlong doorbell muna ako bago niya ako pinagbuksan. "Hi Bri---oh bakit?" Nagulat ako nang piniringan niya ako sa mata. "Just follow me and I'll show you something." Sinunod ko na lang siya at nagpatianod kung saan niya dalhin. Umakyat pa kami ng hagdan at muntik pa akong matalisod, kung hindli lang nakaalalay siya sa'kin. "Im going to remove this handkerchief and at the count of three saka mo lang iimulat ang mata mo." "Okay. Nakakaexcite naman ito." Matapos ng ikatlong bilang ay tinanggal niya na ang panyo. Literal na halos sumayad sa lupa ang panga niya dahil sa labis na pagkabigla. "Wow! Ikaw ang may gawa nito?" Sabi ko habang inililibot ang mga mata sa apat na sulok ng kuwarto. Ang ganda grabe! Inayos niya ang kuwarto na ginawa niyang bodega dati. Bago na ang wall covering nito na gawa sa textured fabric, pinaghalong orange, light green at white. Favorite colors ko. Ang mga kurtina ay mint green na may touch of orange flowers. May king-sized bed na matatagpuan mismo sa gitna ng silid na litaw na litaw dahil sa dark orange nitong kulay at malaking flat screened tv na nakakabit sa dingding sa harap noon. May malaking cabinet at full length mirror sa bandang kanan at sa kaliwa naman matatagpuan ang study table at mini library. All in all, malinis at maaliwalas ang kuwarto. Bigla tuloy akong nakaramdam ng antok at parang gusto ko na agad matulog dito. "Do you like it?" Nakangiti niyang tanong sa akin. "Hindi lang gusto, gustong-gusto!" Sa sobrang tuwa hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na yakapin siya. "Thank you Briner! Thank you talaga!" Natawa na rin ito sa ginawa ko pero gumanti rin siya ng yakap. "Ang sarap mo palang isurprise. May thank you na may yakap pa." Napabitiw ako ng yakap dahil sa patutsada nito. "Briner naman eh!" "I was just joking. But I'm glad nagustuhan mo." "Syempre naman! Grabe ka! May ganito ka palang plano kaya halos ipagtulakan mo na ako kanina para lang umalis ako. Akala mo ba hindi ko nahalata iyon? Pero thanks talaga. Thank you! Thank you!" Ginantihan niya lang ako ng ngiti. Ang sarap sa pakiramdam. Ito ang unang beses na may nag-effort para sa akin at si Briner lang. Sebastian "Seb, are you drugs?" Nasa locker kami at nagpapahinga dahil katatapos lang ng practice namin sa taekwondo. "f**k you Jim!" Tado kasi itong isang ito. Kung anu-anong sinasabi. "Kanina ka pa kasi riyan napapangiti ng mag-isa. Para kang timang! Are you sure your not in drugs?" Iningusan ko ito. Palibhasa walang magawa. "By the way dude, ang laki na ng improvement sa amin ni Joyce." Ayan na naman siya sa Joyce niya. Sa araw-araw na lang, iyan ang bukambibig niya. "Anong klaseng improvement naman iyan?" "Well, nililigawan ko na siya." Kailangan ko na bang magpamisa? Isa itong himala! "Don't fool me De dyos. Ikaw manliligaw? That's a big joke I've ever heard." Imposible kasi talaga. "I'm dead serious dude. Ito na talaga, siya na talaga. Sa maniwala ka man sa hindi gusto ko siya--no scratch that, I am so into her." Ngumiti pa ang loko. "Gusto? Baka gustong ikama?" Iyon lang naman ang depinisyon niya ng gusto. "Of course not! Gusto ko siya dahil...mahal ko siya! I'm freaking in love dude." Napatingin ako sa kaniya nang wala sa oras. Busy kasi ako kanina sa pag-aayos ng laman ng locker ko. "You're joking right?" What a word. Love? Sa nineteen years na magkasama kami, wala siyang ginawa kun'di maglaro at magpakasarap sa mga babae. He never had any serious relationship. Para sa kaniya parausan lang silang lahat na kailangang itapon kasama ng condom pagkatapos, and now he's telling me that he's in love? "I know mahirap paniwalaan dude pero iba na kasi ito. Iba siya. Ibang-iba sa lahat ng babaeng nakilala ko. Akala ko nga dati nasagi lang ang ego ko kasi siya lang ang bukod tanging babae na hindi nadala ng karisma ko but later on, I discovered that I'm really into her. Attracted pala talaga ako sa kaniya. Walang araw na hindi siya ang naiisip ko. Hinahanap hanap siya lagi ng paningin ko at kapag naman kasama ko siya, s**t! Nakakabakla man sabihin pero pare, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Gustong gusto ko siya Seb kaya kahit matagal at kahit pahirapan niya pa ko ay liligawan at liligawan ko pa rin siya. Ganito ko siya kamahal pare." Speechless. I really can't believe na magkakaganito itong damuho na ito. This is the first time I saw him like this. Kung sino man iyang Joyce na iyan, congrats to her at sana sagutin niya na agad itong lalaki na ito para magtino na talaga ang loko. Pagkatapos ng 'real talk' namin ni Jim nag-decide ako na umuwi agad. Marami pa kasing gagawin, you know school related. Naglalakad na ako papuntang car park nang may mapansin akong babae na papunta sa garden. "Si Hilary ba iyon?" Sinundan ko ito agad kaya lang bigla naman akong hinarang ni Dustin. "Seb gusto mong sumama sa'min nina JC? May bagong bukas kasi na club malapit kina Justin, gusto sana namin subukan. Si Jim kasi hindi makakasama, doon daw siya pupunta sa club kung saan nagtatrabaho iyong Joyce." "Sorry bro marami pa kasi akong gagawin, next time na lang." "Oh okay. Sige una na ko." Pagkaalis ni Dustin inilibot ko ulit ang mata ko sa lugar. "Tsk, nawala na tuloy." Para kasi talagang si Hilary iyong nakita ko pero kung siya nga iyon, ano naman ang ginagawa niya rito? "Baka naman namalik-mata lang ako. Makauwi na nga." 11:30 na ng gabi pero hindi pa rin ako tapos sa ginagawa ko. Nasa sala lang ako habang busy sa kaka-type rito sa laptop ko. Maya-maya lang dumating na si Hilary. "Good evening, bakit gising ka pa?" "Marami lang tinatapos. Dumiretso ka sa work after school?" Dala niya pa kasi iyong mga libro niya pero naka-civilian na siya. "Ah, oo. Pasensya ka na hindi kita nasabihan. Empty battery na kasi iyong phone ko. Kumain ka na ba?" "Yeh. Naghapunan na ako kanina. How about you?" Naupo siya sa maliit na sofa at sinandal ang ulo. "Magmi-milk na lang ako maya-maya. Nakalimutan ko kasing maghapunan." "What? Sa dami ng kakalimutan pagkain pa? Kaya ka pumapayat eh." Tumayo ako saglit at kinuha ang cellphone sa kuwarto ko. "Oh, anong ginagawa mo Briner?" "Magpapadeliver ng pagkain." "Naku huwag na! Okay lang ako, mag-gagatas na nga lang ako mamaya." Ang tigas talaga ng ulo ng isang ito. "Nope, kakain ka. Isa pa nagugutom din ako, sabay tayong kakain." Wala na rin siyang nagawa. After a few minutes dumating na iyong pina-deliver ko. "Hilary, di'ba HRM ang course mo?" Tanong ko sa kaniya habang kumakain kami. "Hmm. Oo bakit?" "Wala, bigla ko lang naalala. Saan ka nga ulit nag-aaral?" "Saint Fatima University, school for girls." Yeah, sa ibang school siya nag-aaral at pumasok siya ngayon. Therefore, namalikmata nga lang ako kanina. "Okay ka lang ba? Para kasing ang lalim niyang iniisip mo kanina pa. Baka naman mamaya malunod tayo riyan ha." Binuntutan niya iyon ng tawa na ikanatuwa ko na rin. Bakit ba ang dali para sa kaniya na patawanin ako? "Don't worry, sasagipin naman kita kapag nagkataon." At bakit ba ako nagiging corny bigla kapag kasama ko siya? "Marunong naman akong lumangoy eh." Nakalabi pa siya habang sinasabi iyan. "Hilary, kahit mga professional swimmer nagkaka-muscle crumps." Ginulo ko lang ang buhok niya pagkatapos. Then my phone suddenly rang. "Hello, mom?" Gabing-gabi na gising pa rin si mom. What's with her this time? I was just listening to her without knowing na pagsisisihan ko pala ang ginawa kong pagsagot sa tawag niya. What? Seriously mom!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD