Chapter 10 - The promise

1394 Words
Sebastian "Ano ba iyan ha? Bakit ba kanina ka pa titig na titig diyan?" Hinablot ko bigla iyong colorful na papel na kanina niya pa hawak. "Akin na iyan Briner!" Pilit niyang inaabot sa akin iyon pero dahil di hamak na mas matangkad ako sa kaniya at nakataas iyong kamay ko ay hindi niya ito maabot-abot. "Amusement Park?" Seriously? Para talaga siyang bata minsan kung mag-isip. "Eh bakit ba? Sa gusto kong makarating diyan eh. Bata pa lang ako napapanood ko na iyan sa tv." Ngumuso ito kaya napailing na lang ako. "Saturday ngayon di'ba?" Sabi ko saka ko inabot pabalik sa kaniya iyong papel. "Oo. Bakit may lakad ka ba?" Nakanguso pa rin siya habang tinatanong iyan. "Meron, isasama pa sana kita kaso nakasimangot ka." Hindi siya umimik. Pinaningkitan niya lang ako ng mata habang nakanguso. Pinitik ko nga sa noo. "Ang pangit mo kapag nakasimangot. Magbihis ka, pupunta tayong Amusement Park." "Wow! Ang galing! Tignan mo Briner, iyong tasa hinahagis-hagis! Iyon pa oh, barko na nagsi-swing sa hangin saka whoah! Tingnan mo iyon oh, tren na umiikot-ikot doon sa parang ahas!" Para siyang batang manghang-mangha sa mga laruang nakikita. Pagkasabi ko sa kaniya kanina na pupunta kami rito, mabilis siyang naglaho sa paningin ko at nag-ayos. Nasa byahe pa nga lang kami excited na excited na siya kung anong meron dito. "Ayon! Doon tayo unang sumakay Briner!" Hinila niya na ako agad palapit doon sa itinuro niya. Paulit-ulit lang kaming ganoon sa loob ng limang oras. Hahatakin niya ako sa kung saan niya gusto at ako naman magpapatianod lang. Para siyang bateryang fully charge. Kanina pa siya tuwang-tuwa at hindi nauubusan ng lakas sa pagsakay sa lahat ng rides. Naglalakad-lakad na kami nang marinig kong kumulo ang tiyan niya. "Kumain na muna tayo. Nagrereklamo na iyang mga alaga mo sa tiyan." Ako naman ang humila sa kaniya palapit sa mga kainan. "Ang mahal naman dito Briner. Ultimo tubig thirty pesos. Anong klaseng mineral water ba ito?" Reklamo niya namg makita ang mga presyo ng pagkain. "Pumili ka na lang ng mga kakainin mo, hindi ka mabubusog ng kakareklamo." Iniwan ko siya saglit para pumili ng makakain niya at nagtingin-tingin din ako sa iba pang food stand na naroon. Wala pa akong ilang minutong nakakalayo nang marinig kong tinatawag niya ang pangalan ko. Nilingon ko sya agad at agad akong napalatak ng mura. Freaking s**t! May lalaking mahigpit na nakahawak sa kaliwa niyang braso. Halos patakbo kong nilakad ang puwesto nila at nang makalapit ako ay mabilis kong hinila palapit sa akin si Hilary. "Hey! Mind your own business!" Alma ng lalaki sa pakikialam ko. "This girl is mine and she's my freakin business! So go and f**k yourself moron!" He was caught off guard by my sudden reaction. Mukhang natakot ang mokong. Wala siyang nagawa kundi umalis na lang. "Tsk. Kilala mo ba iyong gagong iyon?" Tanong ko kay Hilary ng makaalis ang lalaki. "Hindi. Bigla na lang siyang lumapit sa akin tapos hinawakan ako sa kamay." Inosenting paliwanag nito. "Forget it. Halika na. Sa iba na lang tayo kumain. Doon sa fully secured, hindi gaya ritong open field at kung sinu-sinong insekto ang lumalapit." We we're now inside a resto at kakatapos lang namin kumain when I heard noise's from a nearby table. "That's the girl I'm talking a while ago." "Whoah. She's really a hotty dude." "I agree and I bet she's nicer in bed." Nagpanting ang taynga ko sa huli kong narinig. Hindi na ako nakapagpigil kaya mabilis kong tinungo ang pinagmulan ng usapan at itanaob sa harap nila ang lamesa kung saan sila kumakain. "Next time you give s**t comments to my girl, make sure I wasn't around." May diin at pagtitimpi kong turan at walang sabi-sabing bumalik sa table namin ni Hilary. Naglapag ng fifty thousand bilang bayad sa nakain namin at sa lamesang itinaob ko saka ko hinila si Hilary palabas. Nasa isang bench kami sa pinaka gitna ng amusement park at kumakain ng ice cream bilang dessert daw sabi ni Hilary. "Dapat pala sa'yo laging may kasama kapag lumalabas." Sabi ko sa kaniya. "Bakit naman?" Inosenting tanong niya naman. "Tsk. Hindi ba halata? Lapitin ka lang naman ng mga manyak." Bigla siyang napa-isip sa sinabi ko. "Ah, iyon bang kanina? Naku sanay na ako sa mga ganoon. Tatlong beses na kaya ako muntik-muntikang ma-rape dati." Balewala niyang sabi at patuloy lang sa pagkain ng ice cream. "What!" The f**k! Paano niya nagagawang magkuwento ng ganiyan ka kalma. Tatlong beses lang naman siya muntik ma-rape! "Hinaan mo iyong boses mo Briner. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh." Sabi niya habang pinapakalma ako. "How can I relax? Why didn't you tell me about this earlier? Nasaan na lahat ng siraulong iyon? Are they in jail? Naparusahan ba sila? Nabitay?" Bakit ba parang balewala lang sa kaniya lahat! Samantalang ako sasabog na rito sa sobrang galit. I really want those bastards to be skinned alive! Sue them for trying to steal someone's innocence! Natigil lang ako sa pagwawala nang mapansin kong nakayuko na siya at marahang umaalog ang balikat. "Hey, a-are you crying?" Shit! Pinaiyak ko ba siya? Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha at nang magtagpo ang mga mata namin ay nginitian niya lang ako. Parang mga punyal na isa-isang tumatarak sa dibdib ko ang bawat luhang gumagapang pababa sa kaniyang mamula-mulang pisnge. "So-sorry. Sa loob kasi ng mahabang panahon, ngayon lang ako nakahanap ng kakampi. Iyong taong magpaparamdam sa akin na secured ako at dapat nirerespeto. Sorry talaga." Hindi ko na namalayang iniluhod ko na pala ang kaliwa kong paa sa harap niya. Iyong luhod na parang nagpo-propose. Ikinulong ko sa mga palad ko ang mukha niya at marahan kong pinunasan ang mga luhang naglandas na sa kaniyang mga mata gamit ang aking hinlalaki. "Shhhh. Stop crying. I'm here. I'm now here. I won't let any of those happen to you again." Sa mga oras na iyon wala akong ibang gustong gawin kundi iparamdam sa kaniya na nandito lang ako. Poprotektahan siya, aalagaan at kahit kailan ay hinding-hindi iiwanan. "P-Promise?" "I promise." Today, I promise her this. I hug het after that, an embrace of comfort. Kakaibang saya ang naramdaman ko nang yakapin niya rin ako pabalik. Nakaka-relax at may kakaibang kiliti sa pakiramdam ang yakap niya. This is the first time na nakaramdam ako ng ganito, at sa kaniya lang. Kay Hilary lang. I don't know but from the start I've known her story I started to feel different kind of sincerity towards her. Siguro dahil nalaman ko na buong buhay niya hindi siya trinato ng maayos. Lahat ng dinaanan niyang kamag-anak pinagdamutan at pinagmaluputin siya. Lumaki siya na nagpapalipat-lipat ng bahay at paaralan dahil pinagpasa-pasahan siya ng mismong mga kamag-anak niya. She never felt secured and respected all her life. She was deprived of the normal things and a normal life a person could have. Hindi na Hilary. Hinding hindi ko na hahayaang may manakit pa ulit sa'yo. Hindi kailanman. Natapos ang maghapon namin ng masaya. I never let anyone to ruin her happeness again. Sinakyan ko lahat ng gusto niya ng bukal sa kalooban ko at sinigurado ko rin na mailalayo ko siya sa mata ng mga damuhong parang suman kung makatingin sa kaniya. After those incident, everything became smooth. Maaga akong gumising kinaumagahan para sa isang bagay. "Wala ka bang pupuntahan ngayon Hilary?" Tanong ko kay Hilary habang nag-aalmusal kami. "Hmm. Wala naman." Sabi nya habang maganang kumakain. "Ahm. Baka gusto mongbmamasyal?" Please. Please lang makisama ka. "Kapapasyal lang natin kahapon ah?" Epic fail. Oo nga pala. "Grocery! Tama, baka gusto mong mag-grocery?" Second try. Sana makalusot. "Eh ang dami pa kaya nating stocks Briner." Again. Epic fail! "Pero may kikitain akong tao ngayon. Maya-maya lang siguro." Kikitain? Bakit imbes na matuwa ako dahil successful ang first plan ko eh nainis lang yata ako. "Sinong kikitain mo?" Kunwari hindi ako apektado. "Kaibigan. Iyong kaibigan kong matagal ko ng hindi nakikita." At sinong kaibigan naman kaya iyon? "Babae?" Kapag lalaki iyan, sisiguraduhin kong babalian ko siya ng buto! "Oo." Ah, babae naman pala. "Okay, have a safe trip." Pagkaalis na pagkaalis ni Hilary, saka ko sinimulan ang aking plano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD