Chapter 12 - favor

1460 Words
Sebastian Hanggang ngayon lumilipad pa rin ang isip ko hindi dahil sa pagkakamalikmata ko kahapon kun'di dahil sa pagtawag ni mommy kagabi. Bakit ba bigla-bigla na lang siya kung magdesisyon. I have no choice but to do something about it or else magkandaletse-letse ang buhay ko. "My Gosh! Sinong masuwerteng schoolmate naman kaya natin ang sinusundo niya?" "Grabe kung sino man siya naka-jackpot siya kay kuya!" "Oo nga, guwapo na yummy pa!" Iyan ang usapan ng bawat babaeng lumalabas dito sa gate. Nandito ako sa school ni Hilary at since all girl school nga ito kaya sa labas ko na lang siya inantay. Friday ngayon at wala namang pasok. Pumunta lang siya rito para sa project ng club nila. Maya-maya pa natanaw ko na siya palabas. Her brows wrinkled the moment she saw me. "Briner? Anong ginagawa mo rito?" Nagtataka niyang tanong sa'kin. "Hilary, can I ask you a favor?" Bakas lalo ang pagtataka sa mukha niya pero maya-maya lang din ay ngumiti siya. Dapat kasi kaninang umaga ko pa ito sasabihin sa kaniya kaso paggising ko ng quarter to six am wala na siya. She just texted me that she'll come back at eight am from her school. "Okay, kahit ano, basta ba kaya ko eh." Thank God. "Hilary, kailangan mong bumaba ng kotse. Paano ka makikita nina mommy kung nariyan ka lang sa loob?" We're now here in Laguna and yes we're about to see my parents, bakit? Flashback "Hello, Mom?" Gabing gabi na tumatawag pa. What's with her this time? "Basty anak! May sasabihin sana ang mommy." Oo, Basty ang tawag nila sa akin ni dad. It's sounds irritating all the time. "Ano naman po iyon at hindi niyo na napagpabukas pa? It's already 12 midnight mom kung hindi niyo po naitatanong." Ewan. Para akong kinakabahan. Pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda. "Kasi anak..." Okay, bitinin daw ba. "Ano nga iyon mom. Go straight to the point please." Pino-prolong niya lang iyong kaba ko eh. "Okay. Kasi nga, huwag kang magugulat anak pero..pinagkasundo ka namin ng daddy mo sa anak ng business partner niya na kaedad mo." Ano raw? "What! Seriously mom?" I can't believe this! Kailan pa sila natutong makialam 'pag dating sa lovelife ko! "Kasi naman anak, tutal wala ka namang girlfriend at wala ka namang pinapakilala sa amin kaya namin naisip na hanapan ka na lang. Isa pa, maganda, mabait at edukadang tao naman itong pinagkasundo namin sa iyo. Tiyak na magugustuhan mo siya, promise anak." "No mom, I won't!" No, this can't be! "Ah basta. Tutal long weekend this week, uuwi ka rito at dito natin ito pag-uusapan together with your future wife! Period!" And the call ended, ni hindi man lang hinintay ang sagot ko. End of flashback. Ayon nga ang nangyari and the only solution I think ay ito, magdala ng babae sa bahay na ipapakilala kong 'girlfriend' ko para tigilan na ako nina mommy sa kalokohang ito. Ang kaso naman, para yatang may last minute change of mind si Hilary. Thirty minutes na kami rito sa labas pero ayaw niya pa ring bumaba ng kotse. Akala ko pa naman ayos na dahil ang dali ko siyang napapayag pero sa huli magkakaaberya pala. "Ayoko na Briner! Kinakabahan ako!" "Hindi nangangain ng tao ang parents ko Hilary kaya please lang bumaba ka na riyan." And after some words of encouragements at pang-uuto heto't bumaba rin. Akala ko rito na ako aabutan ng pagiging rebulto. "Just relax. Swear, magugustuhan ka nila." Ako naman ngayon ang kinakabahan. Nasa harap na kami ng pinto and we're holding each others hand. Ang lambot ng kamay niya, ang sarap hawakan. "Okay. Sabi mo eh" Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong-hininga. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya, assuring her na nandito lang ako. Ewan, hindi naman ito totoo pero iyong kaba na nararamdaman ko ngayon daig pa ng magpapakilala ako ng mapapangasawa ko. Pagkabukas ng pinto ay magkahawak-kamay pa rin kaming pumasok ni Hilary. We went straight to the dining area since sabi ni yaya Malyn ay nandoon daw sina mommy at daddy and guess what? Ka-lunch lang naman nila ang babaeng ipinagkasundo sa akin together with her dad. What a life I had! Una akong pumasok sa pinto at nasa bukana pa lang ako nakatayo when mom noticed me. "Oh my God! You're here son! Sabi ko na nga ba, hindi mo magagawang suwayin ang iyong lovely mommy." She giggled after saying that. "Come here Seb, I'd like to introduce you to Julia and her father." Sabi ni dad habang nakangiti sa akin. "Mom, dad, I'm with someone." I said to them ignoring the other two people who's in the table also. "Someone? Oh you're with Jim? Where is he?" "No mom, it's not Jim." Pagkasabi ko noon, hinila ko na si Hilary ng dahan-dahan papasok. They're brows form a straight line pagkakita nila kay Hilary. "Mom, dad, this is Hilary...my girlfriend." Hilary Pakiramdam ko hihiwalay na itong puso ko sa katawan ko habang ipanapakilala ako ni Briner sa harap ng mga magulang niya. "Mom, dad, this is Hilary...my girlfriend." Kaba, takot, basta lahat na. Pakiramdam ko ay nabato na ako sa kinatatayuan ko pagkasabi noon ni Briner. Lahat ng mga mata ngayon ay nasa amin, oh sa akin? Hindi ko alam pero sa mga tingin nila alam ko na, rejected ako! Hindi nila ako gusto! "What's the meaning of this kumpadre?" Siya yata iyong tatay noong babae na sinasabi ni Briner. Iyong ipinagkakasundo sa kaniya. Mukhang galit pa yata. Patay. "We'll talk about this kumpadre but maybe not today, I guess?" Sabi ng daddy ni Briner habang humihingi ng paumanhin doon sa lalaki. Pagkatapos ng usapan nila umalis ng padabog iyong lalaki kasama iyong babae. Inirapan pa ako noong babae ng mapadaan ito sa gawi namin. Inaano ko ba siya? "Now, explain son." Nabalik ang atensyon ko sa mga magulang ni Briner nang magsalita ang tatay nito. Tumingin muna siya sa akin bago niya sinagot ang tanong. "Mom, dad, I already have my girlfriend and she's now in front of you. So I think, you shouldn't introduce me to other girl." Kumunot lang ang noo ng dad niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Mali talagang pumayag ako sa plano na ito eh. Hindi ko lang kasi talaga matiis si Briner. Isa pa marami na siyang nagawa para sa'kin. Gusto ko lang naman sanang suklian iyon kahit sa paraan ng pagtulong man lang. Ang kaso lang bulilyaso pa yata. Naku naman. "Is that true iha? Girlfriend ka nga ba ng anak namin?" Usisa sa akin ng ina nito na muling nagbalik ng kaba sa aking dibdib. "O-Opo...boyfriend ko nga po si Briner." Dyos ko,wag naman sana akong tamaan ng kidlat. Saglit na katahimikan. Nagkatinginan muna ang mag-asawa bago sabay na nagsalita. Ito na. Mukhang sisigawan na nila kami pagkatapos itataboy. Itatakwil nila si Briner tapos---- "Welcome to ths family Hilary!" ---hindi nila pamamana---teka. Ano raw? "Kaya pala ayaw mo sa ibang babae, aba! Maladyosa pala ang gusto mo!" "Eh wala naman pala talagang binatbat iyang mga anak ng amiga mo mahal sa taas ng standard nitong anak natin!" Maladyosa? Taas ng standard? Nananaginip ba ako? Nakatulog ba ako saglit habang nakatayo sa harap ng mga magulang ni Briner? Kailangan ko ng magising! "Hilary.." Napukaw lang ulit ang nananaginip kong diwa dahil kay Briner. "Huh?" Hindi ko kasi alam na kinakausap nuya pala ako. "Sabi ko upo muna tayo." Pinaghila niya ako ng upuan saka kami naupo. "I can't believe this.. Akala ko talaga magpapari na iyang si Basty namin. Ever since kasi hindi iyan nagpakilala ng babae sa amin ng dad niya." Hinawakan pa ng mommy ni Briner iyong kamay ko habang nakaupo kami. Siya kasi iyong nakaupo sa kaliwa ko samantalang nasa kanan naman si Briner. Iyong daddy naman niya nasa dulo katabi ng mommy niya, iyong sa width ng lamesa. Rectangular kasi ang shape ng hapag-kainan nila. "Yeah, so the reason behind is that mana lang pala sa akin iyang anak mo." Nakangisi naman iyong dad niya habang nakatingin sa amin. "What do you mean mahal?" Nagtaka yata iyong mommy niya doon sa sinabi ng dad niya. "Mana sa akin. Mahilig sa extra ordinary beauty." Iyon pala yon. Kahiya naman. "Naku ikaw talaga mahal, bolero. By the way iha, gusto ko starting from now tita at tito na lang ang itawag mo sa amin. Feel at home lang ha. Welcome na welcome iyang beauty mo rito sa tahanan namin." Mukha nga po. Tuya ng isip ko. "Okay po, tita." Nahihiya pa ako noong sinabi ko iyan. Nakakahiya naman kasi talaga. Pakiramdan ko tuloy patong-patong na ang kasalanan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD