Chater 9 - Joyce

1633 Words
Joyce "Sigurado ka ba'ng okay ka na riyan ha?" "Oo naman Joycee Huwag ka na ngang masyadong mag-alala riyan." "Hindi mo naman maaalis sa akin iyon. Ikaw kasi iyong tipo na okay lang ng okay kahit hindi naman talaga." Umirap ako sa hangin kahit hindi nito nakikita. "Pinky promise. Okay lang talaga Ako rito. Walang problema. As in wala talaga." "Sure ka riyan ha? Pasensya na hindi man lang tayo magkita. Si dad kasi hindi pa rin bumabalik sa Canada. Since ng dumating ako rito two weeks ago napakarami niya ng tinatanong. Nakakabaliw na siya." Umasim ang mukha ko upon remembering my dad. "Okay lang iyan, lilipas din iyan. Baka na-miss ka lang kaya ganoo." "Parang hindi naman." "Ganoon iyon. Nga pala, okay ka lang ba sa bar?" "Yeap." I answered popping the letter T. Doon na nga lang ako nakakapag unwind. Kung puwede nga sana doon na lang ako buong araw." "mahal na mahal mo talaga ang flaring ano?" "Naman! Iyon lang kasi ang bagay na puwedeng mahalin na hindi ka iiwan." We both laugh with my hugot. "Naku, ayan ka na naman sa mga hugot mo. Sige na nga bye bye na. Ingat ka riyan palagi ha?" "Ikaw din Huwag magpapalipas ng gutom. Bye." Ibinaba ko na ang tawag pagkatapos. Kakagaling ko lang sa school kaya nagpahinga muna ako saglit saka nagbihis bago bumaba sa kusina. Nadatnan ko si dad na nasa harap na ng pagkain. Tahimik akong umupo sa katapat niyang upuan at kumain. Ganito kami madalas. May mga pagkakataong ang dami niyang tanong pero madalas ang ganitong hindi kami nag-iimikan. Ganito ba talaga kapag Governor ng lungsod ang tatay mo? Natapos ang hapunan at bumalik na ako sa kuwarto. Nagpalipas lang ako ng oras saglit. Maya-maya, nag ayos na ako ng sarili para pumunta sa bar. I'm the miss bartender for tonight again. Jim Sa wakas! Nagka-pov din! Hi guys! I'm Jim Russel De dyos, kaibigan at kababata ni Seb. Nineteen years old and fourth year collage na rin. I'm also taking Bachelor of Science in Business Administration, same with Seb and of course sa iisang school din. 6'2 ang height ko. Tan ang balat pero may magandang built ng pangangatawan, patunay dito ang six pack abs ko na gustong-gustong dinidilaan ng mga babaeng nakaka-s*x ko. Maganda ang mga mata ko dahil isang kindat ko lang sa babae, tiyak na maikakama ko na agad ito. Matangos ang ilong at mapula ang mga labi. Medyo mapanga ang mukha ko na rason kung bakit mas manly at matapang akong tignan. Member ako ng taekwondo club na pinamumunuan ni Seb. Mahilig din ako sa mga adventure at risky sports gaya ng wake boarding at car drifting. Mga bagay na namana ko sa dad ko na kasalukuyang may ari ng mining company na kilala sa buong Pilipinas. Si mom naman ay dating singer na naging plain housewife ng mapangasawa si dad. I admit, just like any other teenagers like me marami rin akong bisyo. I drink, I smoke, I go clubing and of course, nambababae. Call me a womanizer, masher, casanova, philanderer, babaero, pabling, player or anything you want pero isa lang masasabi ko lahat ng iyan kaya kong kalimutan. Lahat para sa nag-iisang babae. Sa una't huling babae na nakabihag sa malikot kong puso. Flashback: Kasalukuyan akong nasa Palawan para sa one-week-vacation ko since summer ngayon at unang linggo ng bakasyon sa school. I was in the bar at ninanamnam ang mamahaling alak na inorder ko ng maagaw ang atensyon ko ng bagong labas na bartender sa bar counter. She's wearing only a tube and A short na isang dangkal lang yata ang haba at parehong kulay pula. Bagay na lalong nagpatingkad sa maputing kulay ng kanyang balat. May taas siya na mga nasa 5'6. Maganda ang itim na itim na mga mata na may mapipilantik na pilik-mata. Matangos ang maliit na ilong at may maganda at nakakatakam na labi na nababahiran ng pulang lipstick, bagay na nagpapatapang sa maamo at perpekto niyang mukha and just a s**t! She has a body to die and to lust for! I was watching her the whole time she's doing her flare performance and the heck, sobrang galing niya! She did breathtaking scene while turning every bottles fly in the air. Lahat ng nasa loob ng bar ay nasa kaniya ang atensyon satuwing aakalaing malalaglag ang bote na strategy niya lang para lalong magpamangha ng manunuod. Tinapos niya ang pagpe-perform ng walang kahit na anong pagkakamali at pinalakpakan siya ng audience. Hindi ko pinalampas ang pagkakataon na sundan siya sa backstage ng bar. Nang maabutan ko siya ay agad ko siyang hinila sa kaliwang braso gamit ang kanan kong kamay at ng mapaharap siya sa'kin ay saka ko hinawakan ang kanyang batok gamit naman ang isa ko pang kamay at kinabig siya palapit. Sa isang kisapmata lang ay nagkadikit ang mga labi namin. Nagulat siya sa ginawa ko at bahagyang hindi nakakilos. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para isandal siya sa dingding at doon gawaran ng mas malalim na halik. I was expecting that she's going to respond with my kisses since lahat ng babaeng hinahalikan ko ay ganoon ang ginagawa but everything turns upside down dahil itinulak niya lang naman ako ng buong lakas at saka sinampal. Hindi lang isa kundi mag-asawang sampal! Hindi pa siya nakuntento at tinuhod niya lanag naman ang pagitan ng mga hita ko saka siya tumakbo ng matulin paalis! Saglit akong namilipit sa ginawa niya but after a while, I found myself smiling. Sa unang pagkakataon, nakatagpo ako ng kakaibang klase ng babae at sa unang pagkakataon din tumibok ng mabilis ang puso ko. After the incident, I tried to find her all over the place. Gabi-gabi rin akong bumabalik sa bar kung saan siya nag-perform, nagbabakasakaling makita ko ulit siya pero natapos na ang isang buong linggo ng bakasyon ko roon, hindi ko pa rin siya nakita. Last week ng bakasyon niyaya ko si Seb na pumunta roon, pumayag naman ito at sumama pa ang iba naming tropa na member din ng taekwondo club. I tried to search for her again pero sa pangalawang pagkakataon , bigo ako. Natapos ang bakasyon at bumalik na ako sa Maynila para sa pag-aaral ko. I was about to forget her kaya naisipan kong mag-bar mag-isa sa huling gabi bago magpasukan sa bagong bar na nakita ko ako pumunta. I was so shock ng makita ang babaeng bartender na nasa stage at nagpi-flaring. Same hair Same height Same face Same body at Same skills when it comes to flaring! Tanging ang damit nitong maiksing bestida na hapit sa katawan ang naiba ng gabing iyon. Sobrang saya ko that time. Sa sobrang saya, umurong lahat ng lakas ng loob ko para lapitan at kausapin siya! Fucking s**t lang! Kinaumagahan late tuloy akong nakarating sa meeting para sa taekwondo club. Malas lang kasi mainit ang ulo ni Seb. Paano ba naman kasi umubos lang naman ako ng isang case ng beer dahil hindi ko matanggap sa sarili ko na sa unang pagkakataon ay natorpe ako. Pupuntahan ko sana siya noong sumunod na gabi kaso minalas ako at nasangkot sa away. The following day sa school habang papunta sa canteen para sa lunch break, may nakita akong babae na napadaan mismo sa labas ng canteen na pamilyar sa akin. Tinitigan ko itong mabuti at doon ko lang siya nakilala. The girl who stole my heart! Malayo kasi ang itsura nito sa unang dalawang beses ko siyang nakita. Simple lang ang suot niya ngayon at hindi revealing gaya ng dati. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Sinundan ko siya agad at kinausap. Nagulat ako sa reaksyon niya noong una kasi parang hindi niya yata ako nakilala pero in the end sabi niya naman pinapatawad niya na ko. She even tell me her name when I ask her. JOYCE Maganda ang pangalan niya, parang siya lang. I didn't expect na mabait pala siya. Ang na-portrait ko kasi sa ugali niya ay isang masungit at palabang babae. Kinagabihan noong araw na iyon nagpasama ako kay Seb para puntahan siya. Kinumpiska kasi ni dad iyong auto ko pati iyong motor ko. Nalaman kasi iyong tungkol sa pakikipagbasag-ulo ko nitong huli. Kahit masama ang panahon tumuloy kami. Ang kaso, namuti na ang buhok ko sa kakaantay walang Joyce na lumitaw. The next day nagpasya ako na balikan siya ulit. Baka sakaling pumasok na siya. Hindi naman ako nabigo dahil nandon nga siya. Ganoon pa rin siya, mabait at palangiti. Niyaya ko nga siya na ako na lang ang maghahatid sa kaniya kaso kahit anong pilit ko ayaw niya talaga. End of flashback Simula nga ng araw na iyon palagi ko na siyang dinadalaw at pinapanuod ang performance niya. Dati lang, usap at kuwentuhan kaso may umihip yatang masamang hangin. Two weeks ago nang puntahan ko siya, bigla niya na lang akong sinungitan. Para bang lahat ng alaala nang una naming pagkikita ay nagbalik sa kaniya. She even called me bastos at manyak! Iyong na-portray kong ugali sa kanya na masungit at palaban nagkatotoo bigla pero hindi ako nagpatalo sa kasupladahan niya. Kinulit ko pa siya lalo ng kinulit hanggang sa magsawa siya at bawasan ang kasungitan niya. Hindi niya kasi alam, sa bawat pagsusungit at pagsusuplada niya ay lalo lang akong nahuhulog sa kaniya. So far so good, kinakausap niya na ulit ako. Hindi nga lang gaya ng dati na palagi niya akong nginingitian pero mas okay na ito kaysa naman sa hindi niya ko pansinin at all. This is it. This is the start. Huhulihin ko ang puso mo gaya ng ginawa mong paghuli sa puso ko at pagnangyari iyon I'll swear, hinding hindi na kita pakakawalan pa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD