Chapter 8 - Such a moron

1368 Words
Sebastian "Dude, pumasok sa club ngayon si Joyce. Akala ko nga maghapon ko na siyang hindi makikita kasi hindi raw siya umattend sa mga subjects niya sa school kanina. Heaven pare! Ang ganda niya talaga kaso hindi nagpahatid eh. Kahit anong pilit ko ayaw talaga. Ano nga palang nangyari sa'yo, bakit hindi ka pumasok?" Txt iyan ni Jim. Nagayuma na yata ang isang ito. Kailan pa siya naging stalker ng babae at kailan pa siya natutong magyaya ng hatid? That's so not him. Hindi ko siya nireplyan. Panigurado tutuksuhin lang ako ng gagong ito kapag nagkuwento pa ko. Mag-aalas dose na ng gabi pero dilat na dilat pa rin ang mata ko. Mukhang tatanghaliin na naman ako ng gising bukas. Paano ba naman kasi ako makakatulog kung throughout the day eh natutulog ako. Ni hindi ko namalayan ang pag alis ni Hilary kanina. Hindi na ako nakatiis kaya bumangon ako sa higaan para magpahangin sa labas. There, I saw my motor bike. "Sa pagkakaalam ko may malapit na park dito." I said to myself then I decided na roon pumunta. Maiba man lang ang view. Pagkababa ko pa lang ng motor ay napansin ko ng may tao. Nakaupo ito sa bench malapit sa slide. Nakayuko ito sa mga brasong nakapatong sa magkadikit na paang nakasampa sa upuan. Mukha itong natutulog habang nakaupo. Aalis na sana ako ng may mapansin akong kakaiba. "She looks familiar." Oo tama, may kahawig siya. Dahil dito kaya ako nagdesisyong lapitan ito at gisingin. "Hey. Hey miss, wake up." Hindi ito umimik kaya tinapik ko ng marahan sa balikat. "Hey miss. Can you hear me?" Saka lang ito dahan-dahang nag angat ng ulo. Papikit pikit pa ang mga mata niya at hula ko wala pa siya sa sarili. Para kasing hindi niya ako kilala kung titigan niya ko. "What the! Anong ginagawa mo rito sa des oras ng gabi?" Pagalit kong sabi. Hindi ko talaga alam kung anong pumapasok sa ulo ng babaeng ito minsan. "Briner?" Mahina niyang sambit sa pangalan ko. So talagang pinanindigan niya na ang pagtawag sa akin sa second name ko ha. "Tsk. Saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita." Hindi niya ako sinagot bagkus ay bumalik lang siya sa dati niyang puwesto kanina bago ko siya ginising. Seryoso? Teka sandali. Parang alam ko na ito. "Hoy Hilary. Ikaw ba talaga wala kang bahay ha?" Umiling lang ito habang nakasubsob pa rin sa mga braso. Sinasabi ko na nga ba! "Aist! Tara na nga!" Hindi ko na siya tinanong pa. Basta ko na lang siya hinila pasakay ng motor ko. Hindi naman ito pumalag. "Oh ayan. Ano tama na ba?" "Hmm, kaunti pa. As in kaunti na lang talaga." Nandito na kami sa bahay at kasalukuyan kong hinihinaan ang aircon para sa kaniya. Natanong ko kasi siya kanina kung bakit sa ilalim siya ng mesa natulog noong isang araw. "How about this? Siguro naman okay na iyan?" Iyong totoo, nangangawit na ko rito kanina pa. "Iyan! Okay na okay na. Salamat talaga Briner." Pumapalakpak pa ito habang sinasabi iyan. Parang bata. Bumaba na ako ng upuan at umupo sa single sofa malapit sa sofang inuupuan niya na siyang tutulugan niya mamaya. "Bakit ba kasi wala kang bahay ha? Nasaan ba ang mga magulang mo?" Curious na kasi talaga ako sa kaniya. Sukat ba namang matulog siya sa park? "Ahm, hindi ka pa ba matutulog? Maaga pa gising mo bukas di'ba?" She smiled widely. "Matutulog lang ako kapag sinagot mo ang tanong ko." Ang simple simple lang kasi ng tanong ko 'di niya pa masagot.. "Nawalan ako ng bahay kasi..." "Kasi..." Pa-suspense pa. Tsk. "Kasi inagawan mo ko." I looked at her unbelieving. "Anong ako? Hindi mo ba narinig ang sinabi ng may-ari dati? Binenta na ito ng tita mo." Ano bang pinagsasasabi niya? "Relax. Joke lang. Seryoso ka masiyado." Naiiritang binalingan ko ito. "Ano nga?" "Eh kasi nga ito lang naman talaga ang alam kong puwede kong tirhan dito sa Maynila kaso ibinenta na pala." Sige lang, ngiti pa. Siguraduhin mo lang na mami-maintain mo iyan kapag sinunggaban kita mamaya. The hell! f**k you seb and your thoughts! "Eh iyong mga magulang mo, nasaan?" Stop thinking anything Seb. "Ah sila? Iyong tatay ko namatay noong ipinagbubuntis pa lang ako. Iyong nanay ko naman namatay pagkatapos akong ipanganak." I felt like I was stab in the heart when I saw a glimpse of sorrow in her eyes. Nakangiti lang siya pero iba ang ipinapakita ng mga mata niya. "Sorry." Bakit ko pa kasi siya kinulit? "Ayos lang. Sobrang tagal na kaya noon. Hindi ko na nga sila nakita pareho eh." Plano niya ba'ng sumungkit ng parangal sa canned film sa ginagawa niyang pag-arte? Tsk. "Eh paano ka nabuhay kung wala na sila?" Bakit ba ang kulit mo Seb ha? Why am I fishing information by the way? "Hmm, kinupkop ako ng lola ko sa side ng nanay ko kaso namatay siya noong six years old pa lang ako kaya ayon, pinagpasa-pasahan ako ng iba pa naming kamag-anak hanggang sa may nag-alok sa akin ng scholarship dito sa Maynila. Aba syempre hindi na ako nagdalawang-isip. Go push agad. Nagka-emergency nga lang dati kaya ako umalis pero I'm back. Nandito na ulit ako." Madaldal din pala ang isang ito pero matindi din pala ang pinagdaanan niya. How come she can smile brightly? Para bang wala siyang naging problema sa buhay. "Ayon naman pala. Scholar ka naman, bakit kailangan mo pang magbenta ng laman? Puwede ka naman maghanap ng matinong part time total allowance na lang ang bubunuin mo." Bigla kasing sumagi sa isip ko iyong sinabi niya dati na sa bar siya nagtatrabaho. Biglang nagbago ang reaksyon niya. Nanlaki ang mata niya sa gulat. Tama naman iyong tanong ko di'ba? "Ha? Anong nagbebenta ng laman? Hoy, hindi ako pakawalang babae ano!" What? "Eh di'ba sabi mo sa bar ka nagtatrabaho?" Pati ako naguguluhan na sa kaniya. "Kapag sinabing sa bar, GRP agad? Hindi ba puwedeng bartender muna?" Tila nabingi ako sa naging tugon nito. "So you're a bartender?" Hindi siya dancer o kaya GRO? Hindi siya cheap gaya ng akala ko? Bullshit! Bakit ba kasi ang dumi ng utak ko! You're such a moron Seb! "Oo naman! Pure bartending lang ang ginagawa ko sa na iyon. Grabe ka sa'kin ha!" Pagkatapos niyang maghesterekal nagkatinginan lang kami at sabay na natawa. There's this feeling of relief inside me. Thank God, she wasn't like what I expected. After that night, I decided to let her stay in my house hanggang sa makahanap siya ng malilipatan. I don't know pero somehow, I felt happy for her dahil doon sa sinabi niya. Baka kasi kung anong isipin ng iba riyan. Hindi naman pala siya gaya ng inaakala ko. Naging magaan para sa akin ang pagtira niya sa bahay. Bago siya umalis sa umaga, ipinaghahanda niya ako ng almusal. Palagi kasi siyang maagang pumapasok sa school. Kapag naman dumarating siya sa gabi, sabay kaming kumakain ng of course handa niya pa rin bago siya pumasok sa trabaho. Masipag siyang maglinis at gumawa ng iba pang gawaing bahay. Sa bawat paglipas ng araw, pakiramdam ko paganda siya ng paganda kahit dati na siyang maganda. Hindi lang basta sa panlabas. Mabait, masipag, masayahin, matulungin, mapagbigay at maalalahanin, that's her. Wala siyang kahit na anong bahid ng pagpapanggap. Hindi siya gaya ng ibang babae na dini-deprive ang sarili para lang mapanatili ang magandang pangangatawan. Ang totoo nga niyan, malakas siyang kumain. Napapaisip tuloy ako minsan, siguro natural lang talaga sa kaniya ang ganoon kaseksing katawan at kahit anong gawin niya ay hindi siya tataba. Sa halip ay ako yata ang tataba dahil sa sarap niyang magluto. Sa loob ng isang buwang kasama ko siya, I felt nothing but happiness. Masaya kasi talaga siyang kasama. Madaldal at napaka daming kuwento. Madami rin siyang jokes na bumibenta sa akin. Minsan nga lang, may mga pagkakataong tutok na tutok siya sa ginagawa sa laptop. Hindi ko na lang siya inaabala. Baka kasi importante o may kinalaman sa subjects niya. I thought everything was fine. We're becoming good friends. Untill one day, i descovered something. Something na bumasag sa katahimikang tinatamasa ko, namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD