Chapter 13 - Body heat

1350 Words
Hilary "Briner please huwag!" "Nope, I want you to do this. Sa una mo lang ito hindi magugustuhan but swear after trying baka ikaw pa mismo ang magmakaawa sa akin para rito." "Hindi ko yata kaya! First time ko kasi ito!" "Don't worry Hilary, just trust me." "Isa lang ha." "Okay just once. After that kung hindi mo talaga gusto, titigilan na kita." Pagkasabi niya noon, inipit ko lang ng hintuturo saka hinlalaki iyong ilong ko bago ko sinubo iyong pinapasubo niya. "Hmm. Masarap pala." Sabi ko habang ngumunguya pa. Ang sarap pala ng balot! Si yaya Malyn kasi dinalhan kami ng balot habang nandito kami sa kubo at nagpapahinga. Kakatapos lang kasi namin maglibot-libot. Ipinasyal ako ni Briner. Gusto ko pa sanang makipagkuwentuhan kay tita kanina noong nagla-lunch kami kaso noong sinabi ni tita na ipapakita niya raw iyong mga pictures ni Briner noong bata pa ito pagkatapos namin kumain, pinagmadali naman ako ni Briner kasi ipapasyal daw muna niya ako sa lugar nila. Ayos naman iyong naging pamamasyal namin. Kinulit lang niya ako ng kinulit buong oras. Ang cute nga kasi nag-motor lang kami tapos si Briner laging iniyayakap iyong braso ko sa kaniya para raw hindi ako malaglag. Sobrang bango niya lang. Buti hindi niya napansing inaamoy-amoy ko siya kanina. At iyon nga, dahil never pa akong nakakain ng balot at dahil nakakita ako ng kakaiba rito habang binabalatan ito ni Briner kaya pahirapan bago niya ako napakain. Bakit naman kasi may manok iyon sa loob. "See? Ang kalat mong kumain." Pagkasabi niya noon ay lumapit siya sa akin bigla at pinunasan ang bibig ko gamit ang panyo na dala niya. Ako lang ba o talagang slow motion iyong naging pagkilos niya? Saka bakit parang lately mas nagiging gwapo pa siya sa paningin ko kahit na dati pa naman siyang ganoon? Parang kabayong nakikipagkarera sa bilis ng t***k ang puso ko. Hindi ko maipaliwanag pero parang may kung anong martial law ang nangyayari sa loob ng tiyan ko. Dapat na ba akong magbawas ng pagkaing makokolesterol? Magkakasakit yata ako sa puso. Pati bituka ko nakiki-join! "S-Salamat Briner." Pinaling ko na lang tingin ko sa harap. Nailang kasi ako bigla sa kaniya. "Hilary, may sakit ka ba?" Napalingon ako dahil sa tanong niya. "Ha? W-Wala naman. Ayos naman ako." Bakit ba ako nabubulol? "Namumula ka. You look cute." Ano raw? Cute raw ako? Ang init na sobra ng mukha ko! "Ahm. I-Inom lang muna ako ng tubig. Tumayo na ako agad bago pa niya mahalata kung bakit ako nagkakaganito. Nakakahiya talaga! Pagkapasok na pagkapasok ko sa mini kusina ng kubo uminom agad ako ng malamig na tubig. "Are you sure you're okay?" Muntik ko pang maibuga iyong iniinom ko nang marinig kong nagsalita si Briner sa may likuran ko. "A-Ano..kasi, iyong..n-nilalamig. Oo tama! Nilalamig lang ako kaya ako nagkakaganito. Ayos lang talaga ako." Maniwala ka. Please maniwala ka. "Nilalamig?" Bakit parang nagdududa siya. Masama na ba'ng lamigin? "Oo, nilalamig ako." Maniwala ka. Maniwa--- "Bakit ka umiinom ng malamig kung nilalamig ka?" Ay anak ka ng yelo! Oo nga pala, umiinom pala ako ng malamig at may hawak pa nga akong pitsel na nagyeyelo sa lamig. Lame! Bakit ba ang lame ko magrason! "D-Di-ba ganoon daw iyon, kapag malamig daw ang panahon dapat malamig ang iniinom. Tapos kapag mainit dapat daw mainit para hindi kumontra iyong temperatura ng katawan sa temperatura ng panahon. Hindi ba?" Ayoko na! "You should just told me na nilalamig ka pala. Pinag-alala mo pa ko. Tsk." Pinag-alala? Nag-alala siya para sa'kin? Feeling ko na-touch ako roon sa sinabi niya. Hindi pa man ako nakakamove-on doon sa sinabi niya, eh bigla na lang siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Hindi lang basta yakap kun'di mahigpit na yakap! Susubukan ko sanang kumalas kaso.. "Don't move. This is what you called body heat. It can help ease the coldness you feel." Mainit nga. Ang sarap sa pakiramdam ng yakap niya. Para bang ang payapa, ang ginhawa at safe na safe ako dahil sa yakap niya. "Ehem." Napakalas ako ng wala sa oras kay Briner ng marinig ko ang boses ng dad niya. Nakita niya kami sa ganoong eksena! "Tsk. What do you need dad?" Ako lang ba ulit o talagang iritable na si Briner? Ang bilis naman ng mood swing niya. Parang kanina lang ang lambing ng paraan ng pananalita niya. "Sorry to disturb you lovers. Nagpapatulong lang ang mommy mo kay Hilary na mag-prepare ng dinner. May inasikaso kasi si yaya Malyn. Is that okay with you iha?" Tanong sa akin ng dad niya. "O-Opo naman. Okay na okay po sa'kin. Sige iwan ko na po kayo, pasok na po ako ng bahay." Iyon lang at umalis na nga ako. Nakakahiya kasi talaga sa daddy ni Briner. Buti na lang at idinaan niya lang sa biro iyong nadatnan niya sa amin. Pagpasok ko sa kusina ng bahay, sinalubong agad ako ni tita. Naka-apron siya ng kulay pink na may design na strawberry shortcake. Ang cute lang. "Come here anak, samahan mo ako mag-prepare ng dinner para sa mga lalaki ng buhay natin." Inabutan niya ako ng sarili kong apron. Kulay orange naman ito na may design ni Winnie the pooh. "Sige po." Nakaramdam ako ng hiya sa pagtawag niya sa akin ng anak pero aaminin ko, nagustuhan ko. Ang sarap talagang matawag na anak. Namiss ko tuloy iyong lola ko na nagpalaki sa akin. Nang mamatay kasi siya noong six years old pa lang ako, wala ng ibang nagturing sa'kin na anak kahit pa iyong mga kamag-anak ko na tinuluyan ko dati. "By the way, marunong ka bang magluto ng paelya with filipino twist iha? Favorite kasi iyon ni Basty. Gusto ko sana with other twist para mas happy.." Paelya? Favorite pala iyon ni Briner. Ipagluluto ko nga siya noon palagi. "Opo naman tita. Kung hindi niyo po naitatanong eh mahilig po talaga akong magluto." Mukhang natuwa yata si tita sa sinabi ko dahil napayakap siya sa'kin. Mukhang kay tita nagmana si Briner, pareho kasi silang addict sa yakap. "I'm so proud of my son! Ang galing niya mamili ng magiging daughter in law ko." Advance naman ito si tita ngunit nakakatuwa siya. "Ang bilis naman po ata tita. Daughter in law po talaga agad?" Di po ba pwedeng asawa na? Ano ba itong pinag-iisip ko! "Naku Hilary anak, doon din sigurado ang tuloy niyo. Iyang si Basty, ngayon lang iyan nagpakilala ng girlfriend sa'min. Ikaw pa lang ang babaeng dinala niyan dito. Although may mga naging girlfriends na rin naman iyan before, ang kaso mukhang hindi pa yata siya sure kaya hindi niya pinakilala sa'min. Therefore, mahal ka talaga ng unico iho ko!" Mahal? Posible ba iyon? Puwede ba talaga akong magustuhan ni Briner? Bakit parang nakaramdam ako ng saya dahil sa sinabi ni tita? Pero nagpapanggap lang kami, hindi totoo lahat ng ito. Ayaw niya lang ipakasal siya ng mga magulang niya kaya niya ako dinala rito at pinakilala sa kanila. "Ganoon po ba? M-Mabuti pa ho siguro maghahanda na po ako ng sangkap para sa lulutuin natin, baka po nagugutom na iyong dalawa." Nagiging ambisyosa na yata ako masyado. Imposibleng magustuhan ni Briner ang isang tulad ko. Bukod sa wala akong matinong pamilya, wala rin ako kung ikukumpara sa mga babaeng nakapaligid sa kaniya. Siguro habang hindi pa lumalala itong nararamdaman ko para sa kaniya ay kailangan ko na agad pigilan. Wala naman kasing mangyayari, hindi ang katulad ni Briner ang magkakainteres sa isang gaya ko lang. "Ay mabuti pa nga. Excited na akong matikman ang lulutuin mo anak." Nakakaguilty. Simula kaninang umaga, wala man lang pinakitang negatibo sa akin ang mga magulang ni Briner. Maya't maya nila akong pinupuri at palagi nilang sinasabi na botong-boto sila sa'kin. Pinaparamdam din nila kung gaano nila ako kagusto at ka-welcome sa pamilya nila. Nagiging masaya sila sa isang bagay na hindi naman totoo, sa isang bagay na imposibleng mangyari. Niloloko namin sila. Niloloko ko lang sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD