Chapter 14 - Her feelings

1328 Words
Sebastian As I sat here in the balcony of my room, memories of Hilary flash in my imagination. I still can't believe na four months na pala kaming magkasama sa iisang bahay. Nakakatawa lang, noong una inis na inis pa ako sa kaniya but now she seems one of my daily routines. Hindi na ako nakukuntento ng hindi nakikita ang mga ngiti niya sa umaga, iyong pagsimangot niya satuwing iniinis ko siya at higit sa lahat, iyong luto niya. I was once a restaurants and fast food eater before, but since she came into my life ay hindi ko na nagawa pang kumain sa labas. She got such recipes I couldn't resist. Nakasanayan ko ng lagi niya akong pinagbabaon satuwing may pasok o pupuntahan ako. Iyong pagiging caring at thoughtful niya na ngayon ko lang nakita sa isang babae, iyon ang lalong nagpapaganda sa kaniya. She's not just a goddess outside but also an angel inside. Iyong anghel na hindi ko aakalaing bigla na lang lilitaw dito sa bahay at maglalakas loob makisama sa isang tulad kong may lahi yata ni satanas. She's way exceptional and very different from all the girls I've met. Maganda siya sa lahat ng anggulo, may make-up man o wala, simple man o magarbo ang suot. Kakaiba. Ibang iba. "I'm your father so I know but frankly saying son, I like her. I like her very much for you. Mabait at napakasarap magluto, bonus na lang na maganda siya at sexy anak. Kaya kung ako sa'yo naku babarikadahan ko na. Naglipana pa naman ngayon ang mga terorista." That was from my conversation with dad a month ago. Noong dinala ko roon si Hilary at ipinakilala ko sa kanila bilang girlfriend ko. I was shock at first when they told me that Hilary confess to them the truth, but that confession became the key to be free from their plans before. "Don't worry, hindi kami galit and we've also decided na hindi na ituloy ang pakikipagkasundo sa kumpadre ko. It's because, nahanap na namin ang gusto naming manugangin so don't you dare introduce other ladies, and we hope next time you'll bring her here, iyong totoo ng kayo." And I promise them, I am. Hilary Isang buwan na ang nakararaan ng pumunta kami kina Briner. Hindi ako pinatulog ng konsensya ko sa unang gabi ko roon dahil sa ginagawa naming pagsisinungaling. Dahil doon kaya napagdesisyonan kong sabihin kay tita ang totoo kinaumagahan habang nagpe-prepare kami ng breakfast. Akala ko talaga magagalit siya sa'kin, pero imbes na ganoon eh niyakap niya lang ako. "Don't worry anak, huwag kang ma-disappoint. For sure next time, sa susunod na pumunta kayo rito naku tiyak na may laman na iyang tiyan mo." Ginulat talaga ako noong time na iyon ni tita pero ayos lang. At least hindi sila nagalit sa amin ni Briner. Simula ng araw na bumalik kami rito sa Maynila, pansin ko lang parang may kakaiba kay Briner. Ayoko sanang mag-feeling pero kasi binibigyan niya ako ng rason. Lately napapansin kong palagi siyang nakatitig sa'kin. Pano ko nasabi? Kasi naman, tuwing titingin ako sa kanya palaging nagsasalubong ang paningin namin. Palagi niya na rin akong hinahatid-sundo sa school at trabaho, pati nga sa mga lakad ko kapag may flaring competition sumasama siya. Madalas din niya akong niyayayang mamasyal kapag weekend. Palagi niya akong dinadala sa mga amusement park. Pansin ko rin, nagiging sobrang maalaga siya sa akin. Minsan nga pakiramdam ko para na akong bata. May mga pagkakataon kasing kinakapa niya iyong likod ko kung basa, tapos kapag basa nga eh pinagpapalit niya agad ako ng damit. Tagapunas ko rin siya ng pawis kapag nagluluto ako at plato kapag naghuhugas ako. Binabantayan niya pati pagkain ko at ayaw na ayaw niyang nagpapalipas ako ng gutom. Minsan tuloy nami-misinterpret ko na iyong mga ginagawa niya. Pakiramdam ko kaya niya ginagawa lahat ng yon kasi..may gusto siya sa'kin? Ayoko mang umasa pero sino ba namang hindi kung papakitaan ka ng ganoon? Babae lang din naman ako, babaeng posibleng mahulog sa mga gaya niyang lalaki. Sinubukan ko naman ng pigilan itong nararamdaman ko eh, ang kaso habang pinipigilan ko lalo namang kumakawala. Ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganito, kakaibang pakiramdam para sa isang lalaki. Para kay Briner. Hindi siya mahirap magustuhan. Oo, sa una masungit at may pagka-insensetive siya pero kapag nakilala mo siya at napanatag ang loob niya sa'yo, doon mo lang mare-realize kung gaano siya kabait at kabuting tao. Ipokrita ako kung sasabihin kong ni minsan hindi ko pinangarap na maging prinsesa niya. Kung baga kasi sa karagatan, isa siyang malaking isda. Pero hindi lang naman dahil sa guwapo, macho, matalino, at galing sa prominenteng pamilya kaya ko sya nagustuhan, kundi dahil sa pagiging mabait at maalaga niya sa'kin. Nakakatakot. Oo, natatakot ako para sa nararamdaman ko. Alam kong hindi ako ganoon katatag. May mga pagkakataon dati na nagagawa kong saktan ang sarili ko kapag hindi ko na kinakaya ang sakit na nararamdaman ko. Masiyadong malalim ang mga sugat na ibinaon sa akin ng mga karanasan ko at natatakot akong madagdagan iyon sa oras na sinampal na ako ng katotohanang imposible ang ninanais ko na manggagaling mismo sa taong gusto ko. Panibagong pagtanggi. Sanay na ako sa ganoon pero alam kong hindi ko kakayanin sa pagkakataong ito. Magiging masakit, alam ko pero ito lang ang natatanging paraan. Ito lang ang paraan na alam ko. "Hmm. Cookies, gusto mo?" Nasa sala kami at nagmo-movie marathon. "Hilary nanood tayo ng pelikula, hindi tayo nagpipiknik. Iyong totoo, plano mo bang patabain ako?" Kinurot niya lang ang magkabila kong pisnge pagkasabi niya noon. "Eh kasi naman, kanina pa tayo nanonood, di ka pa ba gutom?" At iyong totoo, kailan niya aalisin iyang mga kamay niya sa pisnge ko? "Kapag nagluto ka ibig sabihin iiwan mo ako rito. Sino makakasama ko manuod aber? Multo?" Tinanggal niya nga iyong kamay niya sa pisnge ko, nilipat naman sa balikat ko. Ang dating eh, nakaakbay tuloy siya sa'kin. Tigilan mo iyan Briner! Please lang! "Saka isa pa, Ikaw kaya nagyaya na manuod tayo." Inilapit pa niya ako lalo sa kaniya pagkasabi niya noon. Ayan! Nagrarayot na naman tuloy iyong mga lamang-loob ko! "Hmm. Hilary, may napapansin lang ako." Baka nararamdaman niya iyong kabog ng dibdib ko! "Ha? Ano naman iyon?" Sinubukan kong umusod ngunit sumunod lang ito. "Kanina ka pa busy sa pag-aasikaso sa akin. Teka bakit ka ba usog ng usog? Nasa dulo na tuloy tayo ng upuan." Ayon lang pala. Akala ko naman kung ano na iyong napapansin niya. "Sorry, ang lapit mo kasi masyado. Medyo naiilang lang ako. Medyo lang naman." Tinitigan niya ako. Ayan na naman siya sa titig na iyan. "Huwag ka ng mailang, masanay ka na. Saka hindi mo pa sinasagot iyong tanong ko." Ay oo nga pala, hala anong isasagot ko? "Ahm. Ano, wala lang. Gusto ko lang." Nakatitig pa rin siya. Ang alam ko nasa TV ang palabas, hindi sa mukha ko. "Okay." Sa wakas inalis niya na ang tingin niya sa'kin. Ang kaso, bigla niya namang ipinatong ang ulo sa hita ko! "Iidlip lang muna ako saglit, ayos lang ba dito ako mahiga?" Tulirong tumango ako at makaraan lamang ang ilang minuto ay mahimbing na ang tulog nito. Sa ganitong anggulo malaya kong napagmamasdan ang mukha niya. Napakaamo ng mukha niya kapag ganitong tulog siya. Ang payapa at ang sarap titigan. Bakit ba hindi na ako nasanay, eh lately lang palagi niyang ginagawang unan ang hita ko. Palagi rin siyang ganito, sweet. "Wag mo naman gawin ito sakin. Please huwag mo na akong pahirapan Briner." Hindi ko alam kung gaano ko siya katagal tinitigan, baka kasi ito na ang huling pagkakataon na magagawa ko ito. Tinatandaan ko ang bawat detalye, mga detalyeng bumubuo sa itsura ng unang lalaking...minahal ko. "Sorry. I'm sorry Briner." Hindi ko na namalayan na naglandas na pala ang mga luha sa mata ko. "Sana mapatawad mo ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD