Chapter 7 - Mixture of salty water

1446 Words
Hilary "Naman, bakit ngayon pa umulan?" Sobrang lakas ng ulan. Nandito pa naman ako ngayon sa bahay ni Mr. sungit s***h antipatiko. Plano ko sanang kunin lang iyong naiwan kong gamit kaninang umaga kaso natagalan ako. Hinanap ko rin kasi iyong dating naiwan ko rito at sa kasamaang palad hindi ko pa rin nakita. Madilim na sa labas. Dinig na dinig dito sa loob ang bawat pagkulog at pagkidlat. Wala man lang kahit na anong pananggalang sa ulan ang matatagpuan dito. "Nakakabaliw naman dito. Ang lamig lamig pa." Oo malamig. Ewan ko ba kung anong meron dito sa bahay ng lalaking iyon at parang atlantic ocean sa ginaw lalo na dito sa sala kung saan nakatodo ang aircon kaya nga sa kusina ako natulog kagabi. Napahagikhik ako ng maalala ko iyong eksenang nagising ako na may nakabalot na sa aking kumot. Kahit papano pala may puso rin iyong masungit na iyon. Kinain din niya iyong niluto kong almusal kaninang umaga. Sayang nga lang kasi maaga akong pumasok sa school kaya hindi ko nakita kung anong reaksyon niya. Natuwa kaya siya? O baka naman nairita na naman kasi pinakialaman ko iyong kusina niya ng wala na namang paalam? "Rain rain go away come again another day." Kulang na lang mag-sun dance pa ako rito para lang makisama ang panahon. Mag-aalasdose na ganoon pa rin ang sitwasyon at wala pa rin si Mr.sungit s***h antipatiko. "Ayos, kung hindi siya makakauwi edi dito muna ako matutulog." Nasa kalagitnaan pa ako ng pagbubunyi ng bumukas ang pinto. "Mr.sungit s***h antipatiko, anong nangyayari sa'yo?" Linapitan ko ito agad para tulungang makatayo dahil halos mabuwal na ito sa sahig. "Sobrang bigat mo naman! Bakit ba basang basa ka? Saka nilalagnat ka na." Sobrang init niya at mukhang ito yata ang dahilan kung bakit siya nahihilo at hindi makatayo ng maayos. "Naririnig mo ba ako ha? Maglalakad tayo papuntang kwarto mo. Hindi kita kaya, kaya kung may natitira ka pang lakas tulungan mo akong buhatin ang sarili mo ha." Mukha namang naintindihan niya ang sinabi ko kaya nakarating kami ng maayos sa kwarto niya. "Anong gagawin ko ngayon?" Napatda ako habang pinagmamasdan itong walang lakas na nakahiga sa ibabaw ng kama. Sebastian 'A-Anong ibig sabihin nito!' 'Ma-Magpapaliwanag ako seb.' 'Para saan? Nakita ko na ang dapat kong makita!' 'Seb...' 'Ganito pala ang gusto mo! Ayaw mo pala ng ginagalang! Sana sinabi mo sa'kin na mas gusto mo pala ng kinakaladkad ka rito sa banyo at dito ginagawan ng kababuyan!' Nagising ako dahil sa isang panaginip. Hindi pala panaginip. Alaala na muling nagbabalik. Isang masamang alaala. Sinubukan kong bumangon pero bigla akong nahilo kaya nahiga ulit ako. Kasalanan itong lahat ni Jim. Pinilit niya kasi akong samahan siya sa bar kung saan naroon iyong Joyce niya raw kuno. Kaya pala ako sinama ng luko kasi wala iyong sasakyan niya dahil kinumpiska ng tatay niya. Malamang gumawa na naman ng kalokohan. Inugat na kami sa kakaantay doon sa Joyce na iyon pero walang lumabas maski anino niya at sa sinama naman ng panahon nasiraan ako sa daan noong pauwi na Ako. Napilitan tuloy akong mag-commute kahit rumaragasa ang ulan. Inabot pa ako ng magdadalawang oras sa paghahanap ng taxi dahil sa dami ng taong bumabyahe. Noong makasakay na ako saka lang ako nakaramdam ng sobrang ginaw at pagsama ng pakiramdam. Mabuti na lang nagawa ko pang makauwi rito pero nakakapagtaka. Paano ako nakaakyat dito sa kwarto? Saka bakit boxer na lang ang suot ko at may bimpo ako sa ulo? Nasagot lahat ng katanungan ko ng bumukas ang pinto. "Good morning! Buti naman nagkamalay ka na. Hindi na pala kita kailangan pang gisingin. Ito oh, pinagluto kita ng sopas. Mainam to para mainitan iyang tiyan mo." Sinasabi niya iyan habang nakangiti ng malapad. Lumapit siya at ipinatong ang dalang mangkok sa mesa sa gilid ng kama. Isa isang nagbalik lahat ng pangyayari kagabi noong dumating ako rito sa bahay. "Mr.sungit s***h antipatiko, anong nangyayari sa'yo?" "Sobrang bigat mo naman! Bakit ba basang basa ka? Saka nilalagnat ka na." "Naririnig mo ba ako ha? Maglalakad tayo papuntang kwarto mo. Hindi kita kaya, kaya kung may natitira ka pang lakas tulungan mo akong buhatin ang sarili mo ha." So inalagaan ako ng babaeng ito kagabi? "Umamin ka nga, anong ginawa mo sa'kin ha? Bakit wala na ang mga damit ko?" Biglang namula ang mukha niya pagkasabi ko noon and looking at her right now, she's cute. What! Ano na naman ba itong pinagsasasabi ko! "A-Ano.. Ayoko namang hayaan kang matulog ng basa ang damit kaya tinanggal ko na lang. Huwag kang mag alala, wala akong ibang ginawa no. Mabuti ang intensyon ko sa ginawa ko. Promise." Nanlalaki pa ang mga mata niya habang idinidipensa ang sarili sa bintang ko. "A strong denial is a strong confirmation. Alam mo ba iyon?" "Wala talaga! Bakit mo ba ako inaakusahan ha? Sinabi ng wala eh." Sinimangutan ako nito. Wala naman akong balak na asarin siya talaga. Natutuwa lang ako sa itsura niya kapag naiinis siya. Parang ang sarap niyang kurutin sa pisnge. "Tsk. Sabi mo eh." Hindi ko na siya pinansin at umangat na lang ako ng kaunti sa pagkakahiga, saka ko kinuha iyong mangkok ng sopas at nag umpisang kumain. "Alam mo, kapareho ng ugali mo iyong pangalan mo." Nakuha ulit ng sinabi niya ang atensyon ko. "Pangalan?" Nagtataka kong tanong. I don't remember that I introduce myself to her. "Di'ba ang ibig sabihin ng brine ay mixture of salty water used specially to preserve or add flavor to food? Ibig sabihin maalat. Parang ugali mo. Eh di'ba Briner ang pangalan mo?" "It's Sebastian. That's my name." I am not used being called by my second name. "Nah. It's Sebastian Briner Saavedra. Meaning pangalan mo rin ang Briner. Di'ba Briner?" Diniinan niya pa talaga ang pagkakabanggit sa pangalan ko. "Stop it! Saka paano mo nalaman ang buo kong pangalan? Nangialam ka ba sa mga gamit ko?" Mukhang iniinis yata ako ng babaeng ito. Pupurihin ko pa naman sana siya kasi masarap itong sopas niya. Huwag na lang pala. "Hindi ko po kailangang mangialam sa mga gamit mo para malaman ang pangalan mo. Ang laki-laki kaya nitong trophy mo rito kung saan nakasulat ang pangalan mong in bold letters pa talaga." Sabi niya habang inginunguso iyong trophy sa desplay cabinet sa gilid ng kama na nakuha ko ng manalo ako sa championship sa taekwondo. "Tutal alam ko na ang pangalan mo, sasabihin ko rin ang pangalan ko para hindi naman unfair sayo." "Who told you na interisado ako sa pangalan mo?" Hindi niya ako pinansin. Sa halip nagpatuloy siya sa pagpapakilala. "Ako nga pala si Hilary." Hilary? Sounds good. Maghapon akong inasikaso ni Hilary. Maya't-maya siyang umaakyat dito sa kuwarto para dalhan ako ng pagkain at gamot. Hindi na rin ako umangal. Nakikinabang naman ako. Isa pa, masarap lahat ng pinapakain niya sa'kin. I admit it, magaling talaga siyang magluto. "Nagbabasa ka ng libro ni girl unoticed?" Usisa nito habang binubusisi ang mga libro sa book shelve ng kuwarto ko. "Yeah. She's an excellent writer for me." Bored kong sagot habang naglalaro sa cellphone. Hindi siya umimik kaya napatingin ako bigla sa kaniya. Nakatitig pala siya sa'kin kaya nagkatinginan kami bigla. "Bakit, obsessed fun ka ba niya at ayaw mong may ibang humahanga sa kanya?" "Hi-Hindi sa ganoon. Natutuwa lang ako. Marami pala talaga siyang tagahanga." Nag-iwas siya ng tingin. "Why not? Magaling siya at walang katulad sa lawak ng imahinasyon." Nakatingin pa rin ako sa kaniya habang sinasabi iyan. "Oo naman." Saka lang ulit siya tumingin sa'kin at ngumiti. This time, ako naman ang nag iwas ng tingin at bumalik sa paglalaro. Bakit ba palaging may kakaibang epekto sa akin ang mga ngiti ng babaeng ito? "Nga pala, mukhang okay ka na naman. Iwan na kita maya-maya ha. May pasok pa kasi ako sa trabaho. Ipinaghanda na kita ng hapunan. Initin mo na lang ulit kapag kakain ka na." Humigpit ang hawak ko sa cellphone. Ewan, bigla akong nakaramdam ng inis doon sa sinabi niya. "Naku huwag ka na ulit magpapaulan ha. Para hindi ka nagkakasakit. Sumilong ka kung kinakailangan. Huwag kang sugod ng sugod. Alalahanin mo hindi ka waterproof." Pangaral pa nito. Tila may kakaiba akong naramdaman sa tono ng pamamaalam niya. Siguro dahil posibleng hindi na kami magkita pagkatapos ng araw na ito. Sa totoo lang ito ang unang beses na may nag alaga sa akin. Walang gumawa nito kahit sino sa mga naging girlfriends ko. Hindi ko rin kasi inaabala sina mommy tuwing magkakasakit ako dahil panigurado mag aalala lang sila sa'kin. Ganito pala iyon. Ganito pala ang pakiramdam. Masarap palang inaalagaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD