Chapter 6 - She's mine

1435 Words
Sebastian "Ahm.. Salamat talaga." Believe it or not, si mangkukulam iyan and yes nandito kami ngayon sa bahay ko. Dahil no choice at mukhang wala na talagang matutuluyan ang babaeng ito, plus iika-ika pa siyang maglakad kaya heto't sa pangalawang pagkakataon ay makikitulog na naman siya rito. "Pati pala sa pagkain, salamat na rin." Kung hindi lang parang baboy na kinakatay iyong tunog ng tiyan ng babaeng ito kanina hindi ko siya pakakainin. "Will you stop smiling? Its hella annoying." Ano ba'ng mayroon sa mangkukulam na ito at kanina pa ngiti ng ngiti? Oo na, siya na ang may dimples na malalim at pantay na mapuputing ngipin. Ewan, nababanas ako sa mga tingin at ngiti niya. May nararamdaman kasi ako na kung ano. Basta. Kakaiba. Hindi ko maipaliwanag. Hindi siya nagpatinag sa sinabi ko. Sa halip ay mas lalo niya pang nilaparan ang pag ngiti at inilapit ang mukha niya sa'kin. Napaurong ako bigla sa ginawa niya. The f**k is her problem! "Bakit ba ang sungit sungit mo? Alam mo hindi bagay diyan sa mukha mong guwapo." Para akong kinakabahan sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Pagkasabi niya noon ay ngumiti ulit siya ng malapad at ewan ko ba, para akong nakakita ng mga kumikislap-kislap na ilaw sa paligid ng mukha niya na lalong nagpatingkad sa maganda at maamo niyang itsura. Damn, stop that Sebastian! Tumayo ako bigla at nagkunwaring hindi naapektuhan sa kaniyang sinabi. "M-Magpapahinga na ko. Bahala ka na rito." I hurriedly leave the place and went inside my room. "Tsk, don't you ever forget that she's a cheap kind of girl." Pangaral ko sa sarili saka ako nahiga sa kama. Saglit lang nang makarinig ako ng marahang katok. Bumangon ako at binuksan ang pinto. "Ano kasi.. Ang totoo niyan.. Iyong.." Ano ba'ng gusto nitong sabihin? Ang dami niya pang palabok. "Will you go straight to the point?" Bumuntong-hininga muna siya nang malalim saka ulit nagsalita. "Ang totoo kasi niyan nanakaw iyong ibang gamit ko kanina sa kalsada. Sinubukan ko pang habulin iyong magnanakaw kaso ayon nga at hindi ko siya naabutan kaya kung puwede sana manghiram ng kumot." Ibinagsak ko ang pinto matapos kong muling makaramdam ng kakaibang kabang hindi ko maipaliwanag. What's really happening with me? Akala ko napakalma ko na ang sarili ko kanina pagpasok ko rito. It's already two am in the morning pero gising pa rin ako at walang ginawa kundi magpagulong gulong sa kama. Kahit anong pilit kong pumikit ay hindi ako makatulog. Untill i decided to go down. Iinom lang ako ng tubig, swear. Medyo madilim ang buong bahay dahil dim lights lang ang naka-on. Nasa may sala na ako nang mapansin kong blangko ang sofa. Nang mapadaan naman ako sa banyo ay bukas ang pinto at walang tao sa loob. Tumuloy ako sa kusina at ganoon din dito. Binuksan ko ang ref at kumuha ng bottled water saka uminom. "So umalis siya ng ganun-ganon na lang. Walang utang na loob!" Pagkasabi ko noon ay sinara ko na ang ref at naglakad paalis. Nakakailang hakbang pa lang ako nang may mapansin ako na nakalitaw sa ilalim ng mesa. "Ano ito... Paa?" Sinilip ko iyon at bumadha ang gulat sa mukha ko matapos mabistahan ang nasa ilalim noon. "Anong ginagawa nito at bakit dito ito natulog?" Nakita ko lang naman si mangkukulam. Parang bata itong natutulog habang nakabaluktot ang katawan at yakap-yakap ang sarili. Sympathy strike me. Hindi ko namalayang umakyat na pala ako at kumuha ng kumot sa kwarto na siya ko namang pinangbalot sa katawan niya. "Bakit ba ang weird mong klase ng babae, at bakit ba ako laging nakakaramdam ng awa pag dating sa'yo?" Iyon lang at bumalik na ulit ako sa taas at pagkatapos ng mahabang gabi ay nakatulog din ako sa wakas. Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko. I unconsciously grab the alarm clock beside my bed. Napabalikwas ako nang bangon ng makita kong seven thirty na ng umaga! Alas-otso ang pasok ko sa school at thirty minutes na lang ang preparasyon ko! Mukhang hindi na naman ako mag-aalmusal nito. Dali-dali akong nagligo at nagbihis. Pagbaba ko ng sala ay naisipan ko munang pumunta ng kusina. Wala na si mangkukulam. "Did she prepare this?" Ngunit may nakalatag na fried rice, egg, hotdog, at bacon sa lamesa na natatakpan ng transparent cover. May tinimpla akong kape sa coffee maker. Initin mo na lang kung mag aalmusal ka na. Salamat pala sa lahat. Lalong-lalo na sa kumot. Iyan ang nakasulat sa papel na nakapatong din sa lamesa. "Hindi naman siguro masamang malate, tutal unang araw pa lang naman ng pasukan." Ininit ko ang kape sa coffee maker at isinalin ito sa mug. Saka ako naupo sa harap ng mesa at nagsimulang mag almusal. "Grabe girls, ang guwapo niya talaga!" "Your pretty much right girl. Namiss ko nga siyang titigan ng ganito eh!" "Yup, bakit pa kasi nauso ang bakasyon. Dalawang buwan ko tuloy hindi nakita si Sebastian my loves!" Hindi ko alam kung bulong o sadyang pinaririnig lang sa'kin ng mga babaeng ito ang pinag-uusapan nila. Nandito ako ngayon sa canteen kasama sina Dustin at JC, mga kagrupo ko sa taekwondo club at inaantay ang magaling na si Jim. "Seb nakita mo na ba iyong sinasabi nilang transferee?" Tanong iyan ni Dustin habang kumakain. "Transferee?" Sa totoo lang hindi ko alam ang tungkol sa sinasabi niya. bukod sa hindi ko napasukan ang unang subject ko, late pa ako sa pangalawa. Peste kasing traffic sumabay pa, kaya wala akong alam sa mga kaganapan kaninang umaga. "Yeap, may transferee raw sa HRM department at ang sabi, maganda raw. Hindi lang basta maganda, seksi at makinis pa ng balat. Ang alam ko third year na siya ngayon." Si JC naman ang may sabi niyan. Kulang na lang maglaway siya sa pagde-describe ng kung sino mang babae iyon. "May syota na kaya iyon?" Dustin "Malamang sa malamang! Iyong mga ganoong itsura imposibleng mabakante." JC "Pero sabi ni Andrew parang virgin pa waw kasi malaki at maganda pa faw ang pagkakatambok ng puwet. Kilala mo naman iyon, magaling pagdating sa pagkilatis ng babae." Dustin "Whoah, talaga? s**t! Pagkatapos na pagkatapos ng klase didiskartehan ko na iyon!" JC "Well kung ganoon, may the best man win na lang pare." Dustin Nag-apir pa sila pagkatapos. Ako naman nakikinig lang sa pinag-uusapan nila. Wala akong planong makisali pa sa kalokohan nila. "I told you D, walang pakialam si Seb sa mga ganitong usapan. Magpapasanto rosaryo talaga ako pagnagkasyota ito bigla." Jc I just give him 'i-don't-give-a-damn' look kaya tumigil siya sa pagtawa. Ang alam kasi ng mga gagong ito eh hindi pa ako kailanman nagseryoso sa babae since I didn't tell them the truth na kaya kami naghiwalay ng mga naging girlfriends ko dati is because they cheated on me at hindi dahil sa sawa na ako sa kanila. Ginawa ko iyon para maisalba ang natitirang dignidad na mayroon ako. Maya maya lang ay dumating na si Jim who's smiling from ear to ear. "Oh hi guys! Sorry medyo natagalan ako. Sinundan ko pa kasi iyong sinasabi nilang transferee na napadaan kanina sa labas nitong canteen." Jim "Wala na, mukhang naunahan na tayo D." JC Hindi nito pinansin ang sinabi ni JC, umupo lang ito sa tabi ko nang hindi pa rin inaalis ang mga ngiti. Sa totoo lang, malapit na akong matakot sa itsura niya. Para siyang nasaniban. "Seb, remember the girl I told you last time?" Jim "What girl? Sino sa mga iyon?" Bored kong tanong "Iyong magaling na bartender na nakita ko noong isang araw sa bar na lagi kong pinupuntahan." "What about her?" Bored ko pa ring tanong "Dito siya nag-aaral! Siya iyong sinasabi nilang transferee!" "So?" Again, bored kong tanong "Don't you analyze it dude, pinagtatagpo talaga kami ng tadhana!" Saglit kaming binalot ng katahimikan. After a few seconds humagalpak ng tawa si Dustin at JC. "Anong nakakatawa sa sinabi ko?" "Iyong sinabi mo mismo." It was Dustin. "Oo nga, kailan ka pa natutong maniwala sa tadha-tadhana na iyan?" Segunda ni JC Napikon si Jim kaya binatukan niya ang dalawa. "Aray! makabatok ka naman." "Oo nga, ikaw nga kinukutusan lang namin tapos pag dating sa'min batok?" Seriously, anong pinagkaiba noon? "Shut the two of you! Kung hindi sapak na aabutin niyo sa'kin sa susunod. Seryoso ako sa sinasabi ko kaya kung kasama kayo sa populasyon ng mga lalaki dito sa school na may pagnanasa sa kaniya, f**k off dahil sa'kin siya! Akin lang and I don't effin share what's mine!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD