Chapter 5 - She's back

1556 Words
Sebastian "Hoy, anong problema noon?" "Ewan. Kanina pa ganiyan iyan simula ng dumating dito." "Oo nga, hindi maipinta ang mukha. Badtrip yata." "Si Justin na nga halos nagsasalita sa meeting kanina. Ayaw naman namin usisain baka mamaya kami pa pagbuntunan." Iyan ang malakas na bulong-bulungan ng mga kasama ko rito sa taekwondo club. Tsk, oo! Badtrip talaga ako! I just can't believe na pinagnasaan ko ang isang babaeng.. Isang babaeng for short madumi! Bayaran! Patakbuhin! Paano na lang pala kung sinunod ko ang tukso ng utak ko na hilain siya at buhatin paakyat sa kwarto ko? Baka namakyaw na ako ngayon ng gamot sa tulo! Bakit nga ba hindi sumagi sa isip ko na ang ganoon kaganda at kaseksing babae ay posibleng nagtatrabaho sa isang kabaret at pinagbibigyan ang bawat tawag ng lamang lumalapit sa kaniya kapalit ng barya! The hell! Didn't I just remind myself na wala ng babae ngayon na mayroong mukha at katawang gaya niya na matino at inosente! There's no miracle at all! "Hey dude. Mukha yatang hindi maganda naging gising mo ha." Pagbirong sabi ni Jim na kararating pa lang. "Yeah and I do believe na eight am exactly ang meeting natin at hindi ten thirty pasado?" Pagalit kong usal sa kaniya.. "Whoah! Relax. Cool ka lang dude. Pasensya. Sorry naman. Nalibang kasi ako sa bagong club na pinuntahan ko kagabi kaya heto't tinanghali ng gising." Pinaningkitan ko siya ng mata. "Oh, I know that look. Don't get me wrong. I didn't screw girls gaya niyang iniisip mo ngayon. It's just that, naaliw lang ako doon sa bartender." Paliwanag nito sabay upo sa katabi kong upuan. "Tsk, talaga lang ha?" May pagdududa kong pahayag. Knowing this guy, hindi ito matatahimik hanggat hindi gumagalaw ng babae. "Mahirap man paniwalaan pero ganoon na nga. Magaling kasi siya. Nakakamangha kung paano niya nagagawang magpaikot-ikot ng bote sa ere ng hindi ito nalalaglag. She's amazing!" His eyes are twinkling in delight. Gross. "So ayon, lumabas din. She. Babae, kaya ka nagkakaganiyan." Sabi na nga ba. Ano ba'ng bago? "Yeap. Kaya nga lalong nakakahanga. Would you imagine, a girl can do that and one more thing.." "What?" "f*****g s**t pare! Ang ganda niya! As in, sobra!" Okay, here we go again. I am driving home right now. Busy ako sa pakikinig ng balita sa built in radio ng sasakyon ko tungkol kay 'Girl Unoticed' ng biglang tumunog ang cellphone ko. Yeah, I maybe a cold hearted guy, specially when it comes to woman pero marunong pa rin naman akong kumilala ng gawa at humanga. Lalo na kung kahanga-hanga naman talaga. I do love reading also. Ito ang libangan ko maliban sa pagpa-practice ng taekwondo kapag wala akong magawa. One time ng mapadaan ako sa bookstore at nagtanong ng best seller na libro sa saleslady, she suggested the book 'Fiend in the attic'. Sikat na sikat daw kasi talaga ito at napakaraming bumibili. I got curious so i bought it and after reading it, it felt like I'm already connected to the writer. She wrote in horror suspense manner but if you dig dipper on her stories, you would find the other version if it. Tila nagmula ito sa sariling bangungot ng mismong nagsulat. Simula noon inabangan ko na ang mga sumunod niya pang libro. Walang kupas ang galing niya sa bawat akda. Kakaibang saya, lungkot, galit at iba't-iba pang emosyon ang mararamdaman mo sa bawat detalye at tagpo ng kanyang imahinasyon. I got mesmerised everytime I read her book. But after two years of captivating world's attention, bigla na lang siyang naglaho. Leaving her last story 'Anatomy of Heartbeats' open ended. Isa ako sa mga nanghinayang sa biglaan niyang pagkawala. I admit it. Isa ako sa mga umasang babalik siya and now, she's back. Kinakapa ko ang cellphone ko sa harapang bahagi ng sasakyan habang nasa kalsada pa rin ang tingin nang aksidente ko itong matabing at mahulog sa paanan ko. Muli ko itong inabot at hindi sinasadyang mawala ang atensyon ko sa daan. Isang malakas na kalabog ang nagpabalik ng paningin ko sa harapan. I caught a glimpse of someone na parang bumagsak sa kalsada. I hurriedly stop my car and went outside. There, I saw someone lying on the road at tila namimilipit sa sakit. "Ahhh...aray.." She groans na lalo pang nagpataranta sa akin. "Hey miss..are you okay?" Inalalayan ko siyang makaupo at tinignan kung may sugat ba siya. May mga galos siya sa tuhod at kamay. Mayroon din sa mukha. "Ano bang ginawa ko sa'yo ha! Bakit ba ang init-init ng dugo mo sa'kin? Noong una pinalayas mo ako tapos kinaladkad mo ako at itinulak palabas ng bahay mo, ngayon naman binangga mo na ko!" Ano bang problema ng pagkakataon? Bakit lagi na lang kaming pinagtatagpo ng babaeng ito? "Teka lang naman, hindi kita sinasadyang banggain! Ikaw itong tatanga-tanga at tumatawid ng hindi tumitingin sa kalsada! Seriously, are you blind, stupid or both?"" "Sorry ha! Oo na, kasalanan ko na lahat!" Pasigaw niyang sabi habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Dahan-dahan itong tumayo mula sa pagkakalugmok at paika-ikang naglakad patungo sa gilid ng kalsada at doon naupo. "Anong ginagawa mo? Baliw ka ba!" Baliw yata talaga siya. Wala ba siyang planong sumama sa akin para magpagamot? "Hoy! Huwag ka ngang mag inarte riyan! Sumama ka sa'kin at pupunta tayo ng ospital!" Hindi siya umimik. Patuloy lang siya sa pag-iyak habang yapos ang sariling mga paa. "Hey, ere you listening!" Napipikon na talaga ako sa babaeng ito. Kapag di pa siya umimik iiwanan ko talaga siya rito! "Puwede ba, kung wala kang sasabihing matino iwan mo na lang ako dito!" There, siya na rin naman ang nagsabi. "Okay fine. Bahala ka sa buhay mo!" Iyon lang at bumalik na ako sa loob ng sasakyan. Ini-start ko ang engine at nagmaneho papalayo. "Kung inaakala niyang madadaan niya ako sa kaartehan niya puwes hindi! Hinding hindi! Bahala siya sa buhay niya! Wala akong pake kung ano mang mangyari sa kaniya roon!" Mga nasa isang kilometro na ang itinatakbo ko nang bigla kong kinabig ang manibela pabalik. "Arg!" Napasigaw ako sa sobrang frustration. Ewan ko ba. Parang bigla akong sinapian. Pakiramdam ko may kung anong bumubulong sa tenga ko at paulit-ulit na sinasabing bumalik ako, papalakas ito ng papalakas habang papalayo naman ako sa lugar. Hindi kaya talagang mangkukulam ang babaeng iyon? Ang pagkainis na nararamdaman ko ay lalo pang nadagdagan ng matanaw ko ito sa di kalayuan na pinapalibutan na ng tatlong lalaki. Ang isa rito ay pilit siyang itinatayo habang hinihila sa kamay. "s**t!" Binilisan ko ang pagpapatakbo at pagkarating na pagkarating ko sa harap nila ay agad akong bumaba para bigyan sila ng tig-iisang sapak. Bumagsak sila sa lakas ng binitawan kong suntok. Agad kong binuhat si mangkukulam at isinakay sa sasakyan. Nagpupumiglas ito kaya wala akong nagawa kundi takutin siya. "Tatahimik ka o makakatikim ka rin ng sapak tulad nila?" Saka lang siya natigilan at nanahimik. Hanggang sa makarating kami sa ospital ay hindi kami nag-iimikan. "Ayos na ito, mga galos lang naman at simpleng muscle cramp sa kaliwang paa ang nakuha mo. Puwede ka na rin umuwi ngayon mismo." Sabi ito ng doktor matapos siyang obserbahan ng ilang minuto at gamutin ang kanyang mga galos. "Doc, puwede po bang palalain niyo ng bahagya itong sitwasyon ko para dito na lang muna ako sa ospital. Bukas niyo na lang po ako i-discharge." May sayad talaga itong mangkukulam na ito kahit kailan. "Palabiro ka pala masiyado iha. Sige maiwan ko na kayo. Huwag mong kalimutan magpahinga at maya't mayang i-cold compress ang paa mo para hindi na ito lumala pa." Umalis na ang doktor pagkasabi niya nito. The mangkukulam heave out a sigh kaya ako napalingon dito. "San ka nakatira? Ihahatid na kita at baka bulabugin na naman ako ng konsensya ko kapag iniwan kita rito." Imbes na sumagot ay umiwas lang ito ng tingin at nilaro ang kanyang mga daliri. "Hello, I'm talking to you." Bumuntong-hininga lang ulit ito bago bumaba sa higaan at marahang naglakad kasunod ko. Tahimik kaming sumakay ng sasakyan at saka ako nagmaneho. Ilang minuto na kaming paikot ikot sa kalsada pero hindi pa rin siya umiimik. Sabi niya kanina ituturo niya na lang daw kapag malapit na kami pero s**t lang! Inabot na kami ng isang oras wala pa rin! Saan ba siya nakatira? Sa Antique? "Malayo pa rin ba?" Napipikon kong tanong. "Ha?" Sabi na lutang 'to eh. "Sabi ko kung malayo pa ba? Kanina pa kasi tayo paikot-ikot dito kung hindi mo naitatanong." Isa na lang. Isang isa na lang talaga. "Ahm.. Sige dito na lang. Okay na ko rito" Ihininto ko ang sasakyan at inilibot ang paningin sa paligid. "Dito? Eh wala namang kabahay bahay dito. Ano, sa puno ka nakatira?" Totoo naman. Walang ibang nandito kundi puno. "Ahm.. Hindi pala. Sige iuna-unahan mo pa ng kaunti" Tinitigan ko siya saglit. Kanina ko pa kasi napapansin na parang wala naman talaga kaming pinatutunguhan. Noong mag iwas siya ng tingin ay doon ko nakumperma. "Umamin ka nga sakin, may pinatutunguhan ba tayo?" Patuloy lang siyang nakayuko at ang kaninang nilalarong mga daliri nginangatngat niya na ngayon. "Sagot!" Napaigtad ito sa pagsigaw ko kaya bigla niyang itinigil ang ginagawa saka siya mahinang nagsalita. "Wala."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD