Chapter 4 - In a bar

1245 Words
Hilary Mag aala-sais pa lamang ng umaga pero nandito na ako sa tapat ng dati kong tinitirhan. Iyong bahay na ibinenta na pala ni tita at pinaupahan naman ng may ari sa isang antipatikong lalaki. Tatlong araw na rin simula ng palayasin niya ako rito. Wala naman talaga akong balak na bumalik pa rito, kaso.. Flashback: "Hilary.. Uy.. Hilary." Mahimbing akong natutulog nang makaramdam ako na parang may tumutusok sa tagiliran ko. "Hilary ano ka ba? Bakit dito ka natutulog? Diyos kong bata ka!" Napamulagat ako ng maulinagan ang boses ng boss ko, ang manager ng bar na pinagtatrabahuban ko. Bumalikwas ako ng bangon at mabilis na pinagpag ang damit kong nagusot. "Boss, ikaw pala 'yan!" Pinilit ko siyang ngitian kaso imbes na ngiti eh ngiwi yata ang gumuhit sa labi ko dahil sa pagkapahiya. Naman kasi, isang buwan pa lang akong nagtatrabaho rito simula ng bumalik ako rito sa maynila tapos bigla niya akong maaabutan dito sa staff room ng bar na natutulog. Eh bihisan lang naman ito. "Ang sabi ko bakit dito ka natutulog? Mukha na bang apartment sa'yo itong bar ko ha, Hilary?" May pagsusungit nitong sabi habang pinandidilatan pa ako ng mata. "Pasensya na po. Hindi po kasi ako nakapaghanap agad ng malilipatan kaya dito po muna ako nakitulog. Magpapaalam naman po talaga ako dapat sa inyo, kaso lang may kausap po kayo buong gabi hanggang sa matapos ang duty ko. Nakatulog na po ako sa pag-aantay." Paliwanag ko habang napapayuko na lamang. Pangatlong araw na rin akong nakikitulog dito. Iyong unang dalawang araw hindi niya ako nabuko kasi sa katiwala niya lang na si TJ iniiwan ang pagsasara nito at dahil kasabwat ko si TJ sa kalokohan kong ito kaya hindi niya ako sinumbong. "Ikaw talagang bata ka nako! Oh siya sige, ayusin mo na lang iyang sarili mo at lumabas ka na at isasara ko na itong bar. Puputok na ang araw nakabukas pa rin tayo. Maryosep, iyan kasing si TJ umabsent absent pa. Kalerki talaga ang hipon na iyon." Pagtataboy nito sa'kin. Wala na akong nagawa kundi ayusin na lang ang sarili ko at mga gamit ko para sa pag alis. Kasalukuyan kong isinisiksik lahat ng inilabas kong gamit sa bag nang may mapansin ako bigla. "Teka, nasan na iyon? Saan ko ba nilagay?" Masinsin kong kinakalkal ang loob ng bag ko pero hindi ko pa rin mahanap. "Hindi. Hindi puwedeng mawala iyon!Saan ko ba kasi iyon nilagay?" Patuloy pa rin ako sa bara-bara kong paghalukay sa bag ko nang may biglang eksenang bumalik sa alaala ko. Eksena kong saan hawak ko ito at kasalukuyang binabasa habang nagtitimpla ng kape dahilan kaya nang iniangat ko ang baso ay sa maling parte ko ito nahawakan at dumulas sa kamay ko. Nabasag ito at tumapon ang ilang laman sa lababo at dahil sa ingat na ingat ako rito na huwag mabasa kaya ipinatong ko ito sa kung saang parte ng aparador sa taas mismo ng lababo. "Naman eh!" Dali-dali kong ibinalik lahat ng gamit ko sa loob ng bag at mabilisang nilisan ang lugar. Sa sobrang pagmamadali ay nakalimutan ko ng magbihis. Iyong damit ko pa noong dumuty ako sa bar ang suot ko nang bumyahe ako. Kaya ayon, pinagtitinginan lang naman ako ng lahat ng mga pasaherong nakakasabay ko. "Anong kamalasan ba ang sinalo ko sa araw na ito?" Sa tapat ng dati kong tinutuluyan ay mahigit ang pagkakahawak ko sa bitbit kong bag. Dito ko iyon naiwanan sa kamalas-malasan nga naman. Mabuti na lang naitago ko pa ang susi ng bahay na ito. May sarili kasi akong duplicate key, bigay ni tita dati at hindi ko na naibalik noong umalis ako. Dahan-dahan kong sinusian ang door knob at patingkayad akong naglakad papasok. Iyon lang naman talaga ang ipinunta ko rito at ayokong mahuli pa ko noong masungit at antipatikong lalaki. Saglit lang naman ako. Saglit na saglit lang. Makuha ko lang talaga iyon ay aalis na ako agad. Mukha namang tulog pa siya kasi hindi ko siya nakita sa sala at sarado pa ang pinto ng kaniyang kuwarto. Maingat kong binuhat ang upuan palapit sa lababo. Sumampa ako rito saka ko binuksan isa-isa ang mga kabinet. Patuloy lang ako sa paghahanap. Halos lahat na nakalkal ko peri hindi ko pa rin makita. Maya maya lang nakaramdam ako ng kakaiba. Para bang may nagmamasid sa akin. Nangilabot ako bigla. Ganitong-ganito iyong mga napapanood ko sa horror na palabas. Dala ng takot, bigla akong bumaba ng upuan at agad humarap sa pintuan ng kusina. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko si mr. sungit s***h antipatiko. Titig na titig ito sa mukha ko. Maya maya pa'y napadako naman ang mga mata nito sa dibdib ko! "Dear God. Freaking s**t!" Nagulat ako nang bigla na lang itong magmura. Holy father of angels burger! Ano na naman ba'ng nagawa ko? "Sorry! Hindi ko naman sinasadyang panghimasukan itong bahay mo. May naiwan lang kasi talaga akong gamit dito na importanteng importante sa akin! Promise cross my heart, pagkakuha ko noon ora mismo mawawala ako sa paningin mo!" Sinasabi ko iyan nang magkadaop ang mga palad with matching paawa effect pa. Kaso parang hindi niya yata ako naintindihan. Imbes kasi na sumagot, kumunot lang ng husto iyong noo niya saka nagsalubong ng wagas iyong kilay niya. May sinabi ba akong mali? "What? Come again?" Iyon lang ang lumabas sa bibig niya. Iyong totoo, nagdadamo ba ito si kuya? "Ha?" Iyan rin lang ang naisagot ko. Maski ako naguguluhan sa kaniya? "I mean, you mean nakapunta ka na dito dati? Kailan? Saka bakit hindi ko matandaan?" Confirm! High si kuya! Akalain mo 'di niya ako maalala! "Oo, nakapunta na ako dito. Di'ba nga dito ako nanirahan ng dalawang taon? Umalis ako two years ago tapos 'pag balik ko rito, ayon nga at angungupahan ka na rito. Three days ago pa lang noong madatnan mo ako rito at palayasin. Kung bakit hindi mo maalala, iyon ang hindi ko alam." Mahabang pagpapaliwanag ko. Saglit itong nagisip at pagkatapos noon ay biglang nanlaki ang kaniyang mga mata. Ganito pala ang itsura ng mga high sa malapitan? Kung hindi lang siya guwapo baka nasabi ko ng nakakatakot. "Seriously? I-Ikaw iyong...Ikaw iyong mukhang mangkukulam! Aray! Kung maka mangkukulam naman ito! "Grabe ka naman sa mangkukulam! Hindi ba puwedeng bagong gising lang muna?" Depensa ko sa sinabi niya. "Imposible. Kung ikaw nga iyon, bakit ibang-iba yata ang itsura mo ngayon?" Patutsada niya na hindi man lang pinansin iyong sinabi ko kanina. "Ha? Ito ba?" Sabay tingin ko naman sa suot ko. "Kagagaling ko lang kasi sa trabaho. Nagmadali akong pumunta rito kaya hindi na ako nakapag palit pa ng damit." Sagot ko sa kaniya. Kumunot ulit ang noo nito. "At ano namang trabaho ang nangangailangan ng ganiyang klase ng damit?" Tanong niya ulit. Ang dami naman niyang tanong. Baka mamaya pati ebolusyon ng kuto itanong niya pa sa'kin. Aba, hindi ko alam iyon ano. "Bar." Kampante kong sagot. Biglang nagbago ang hilatsa ng mukha niya. Para siyang nakakita ng multo sa laki ng mata niya at namutla pa. Kaunti na lang talaga mapapraning na ako sa kaniya. "Your working in a..bar?" May diin at hindi makapaniwala niyang tanong. Magsasalita pa lamang sana ako nang bigla itong sumigaw. "Get out! Get your filthy ass out of here!" Iyon lang at kinaladkad niya na ako palabas ng bahay niya. Halos itulak niya na ako palabas ng gate. Kung hindi lang ako nakakapit sa bakod baka ngayon ay nagsi-swimming na ako sa lupa. "Hoy! tek---" Pinagbagsakan niya lang naman ako ng pinto! Grabe! Ano ba'ng problema niya? Inaano ko ba siya? May kukunin lang naman ako ha! Hindi ko naman siya pagnanakawan! Akin naman iyong kukunin ko ha! Kainis! Kainis talaga! "Paano na 'yan! Anong gagawin ko?" Napaatungal na lang ako sa sobrang sama ng loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD