Chapter 17 - Smack

1562 Words
Sebastian Five thirty am when my alarm clock sounded so annoying. Sa inis ay naihagis ko iyon. Seven thirty am when I finally walked up, check my phone...and shouted in shock. "s**t!" Dali-dali akong bumaba ng kuwarto at pumunta sa kusina. Sa bungad pa lang makikita na agad ang mga pagkaing nakahain na sa table. Naman! Dapat ipaghahanda ko siya ng almusal eh! "Good morning Briner. Tara kain na tayo ng breakfast." I swallow hard the moment I saw her. "Okay ka lang Briner?" Hindi ko napansin, napatulala na pala ako sa kaniya. Shit lang! Bakit ba kasi iyan ang ipinasuot ko sa kaniya? Hindi na kasi namin kinuha kagabi iyong mga gamit niya. Diniretso uwi ko na agad siya rito. Baka kasi magbago pa ang isip. Eh dahil wala nga siyang damit nanghiram siya sa akin ng t-shirt pantulog niya. Alangan namang matulog siya ng naka uniform. Ang kaso, hindi ko napansin na iyong manipis pala ang naibigay ko sa kaniya. Anak ka naman ng sawa oh! Bakat na bakat lang naman sa suot niya ang undies niya na kulay orange at may design pa yata, at dahil may katangkaran din siya kaya medyo maiksi sa kaniya iyong t-shirt ko. Litaw na litaw lang naman ang mapuputi at makikinis niyang hita. Fuck Seb! Huwag mo ngang pagnasaan ang girlfriend mo! Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa mukha niya. "O-Okay lang ako. Good morning din." Nginitian niya ulit ako ng malapad. "Tara kain na tayo." Pinaghila ko siya ng upuan at naupo na rin ako. Ako na ang naglagay ng pagkain sa plato niya. Pinagsalin ko rin sya ng juice at tubig sa baso. Bilang hindi ko nagawa iyong surpirse breakfast ko sana kaya sa ganito na lang ako babawi. "Salamat Briner pero hindi mo naman ako kailangang pagsilbihan. Nakakahiya saka hindi kasi ako sanay." Nahihiya niyang sabi sa akin. Of course I comforted my princess. "But I want to do this. I did promise you na aalagaan kita kaya siguro dapat masanay ka na." I cupped her face and gave her a smack in the lips. Mukha namang nagulat siya sa ginawa ko at mabilis na namula. "Pati yata sa ganitong bagay kailangan din kitang sanayan." Mas lalo pa siyang namula at hinampas pa ako ng mahina sa braso. "First kiss ko iyon Briner eh!" Nakakatuwa ang reaksyon niya. Para siyang batang inagawan ng candy. I felt proud to myself kahit na alam kong hindi pa siya nahahalikan ng kahit sino noon. What a lucky bastart I am, right? "Hilary, dapat naman talaga ako ang first kiss mo, I am your boyfriend." She just pouted her lips. Kinulong ko ulit nang mabilisan sa mga palad ko ang mukha niya saka ko ulit pinagdikit ang aming mga labi. Pero hindi kagaya kanina na smack lang, ngayon marahan ngunit may katagalan. She didn't respond at first, but after few seconds nasusundan niya na rin ang ginagawa kong paghalik. She has the sweetest lips I've ever taste. Malambot ang mga ito at nakakagigil. Marahan kong kinakagat-kagat ang pang ibaba niyang labi habang dahan-dahan ko siyang hinihila palapit sa'kin. Niyakap ko siya ng mahigpit at maingat na ikinandong sa akin. "Hmmmm." Sa pagkakataong ito, hindi ko napigilan pa ang aking sarili. Ang kaninang marahang halik ay nauwi sa mas mapangahas at mapang-angkin. Akin lang ito. Para sa akin lang ang mga labing ito. I entered my tonge inside her mouth and lovingly explore what's inside. Mas lalo akong ginanahan ng marinig ko ang mahina at impit niyang pag ungol. I caressed her back using my left hand habang ang kanan ko namang kamay ay marahan nang humahaplos at pumipisil sa kaliwa niyang hita. The situation droves me harder. Para akong nalulunod sa sensasyon na aking nararamdaman ngayon. Noong una pa lang ay malaki na talaga ang paghanga ko sa itsura at katawan ni Hilary. Matagal ko nang inaasam-asam na magawa ang mga bagay na ito, to explore her lips and her body. Patuloy lang ako sa pagnamnam ng bawat sandali nang bigla akong makaramdam ng isang marahang pagtulak sa aking dibdib. Habol namin pareho ang hininga nang magbitiw kami sa halik. I was stunned the moment I saw her face. Bakas ang pagkagulat at...pag-aalinlangan sa inosente niyang mga mata. Nanginginig din siya at tila namumutla. "B-Briner. N-Natatakot ako. H-Hindi ko pa yata kaya kung lalampas pa tayo rito." And realization hit me. Fuck! Ano bang ginawa ko? Tinakot ko lang naman siya! Sa sobrang pagkalunod ko sa sarap ng sensasyon naging makasarili ako! It was her first time in this situation at binigla ko agad siya! Sue this freakin libido! "Shhh. Sorry. I'm really sorry. Hindi na. Hindi na mauulit." Pagkatapos ko siyang yakapin ng mahigpit at pakalmahin, iniupo ko na ulit siya sa kaniyang upuan. Hilary Nakakahiya kay Briner. Wala naman akong planong ipagdamot ang sarili ko sa kanya. Kaya lang kasi...hindi ko pa talaga kaya. "Joyce?" Nagising ang nag-gagala kong diwa nang marinig kong may tumawag sa'kin. Patay! "H-Hi Russel." Anong ginagawa niya rito! "Sabi na nga ba ikaw iyan. Anong ginagawa mo rito? May kasama ka? Sino? Wala ba? Bakit di ka man lang nagpasama sa'kin? Free naman ako always. Alam mo namang isang tawag mo lang lilitaw na agad ako sa harap mo, o baka naman galit ka pa rin sa'kin?" May plano pa ba s'yang pagsalitain ako? "A-Ano kasi-----" Napatigil ako sa pagsasalita nang makita kong papalapit na si Briner sa puwesto namin. Hindi! "Ano iyon?" Sabay turo ko sa kalangitan. Tiningala naman iyon ni Russel. "Ha? Ang alin?" Sa isang idlap lang tumakbo ako nang matulin palayo sa kaniya. Narinig ko pa na tinawag niya ako pero hindi ko na siya nilingon pa. Nang tuluyan na akong makalayo ay tumigil na rin ako sa pagtakbo. Grabe. Nakakapagod. Si Russel naman kasi kung saan-saan sumusulpot. Nandito ako ngayon sa mall dahil weekend naman. Nagyaya kasi si Briner na mamasyal pagkatapos namin mag-almusal kanina. Nagpaalam lang siya saglit na pupunta ng comfort room kaso nga lang ayon, bigla ngang dumating si Russel habang inaantay ko siya. Nang lumingon ako sa paligid saka ko lang napansin na nasa activity center pala ako. Maraming tao sa buong lugar at may mga MC din sa stage sa harapan. Nagulat ako nang may dalawang babae na humawak sa magkabila kong braso at inalalayan ako papuntang stage. "T-Teka..sandali lang ho. Ano po bang nangyayari?" Nagpapanik kong tanong doon sa MC nang makaakyat na ako sa stage. "Don't you worry magandang binibini, it's just a guessing game at dahil ang category natin para sa mga kalahok ay mga babaeng may maladyosang kagandahan kaya pasok na pasok ka 'te sa banga." Saad ng baklang MC. Guessing game? Hindi puwede. Tiyak na hinahanap na ako ni Briner! "Pero teka muna, bago ang lahat miss hindi ka ba artista? Masyado ka kasing maganda para sa ordinaryong tao." "Naku hindi po. Pasensya na rin po, hindi po ako puwedeng sumali sa laro. May kasama po kasi ako na baka naghahanap na sa akin." Patay talaga ako kay Briner kapag nagtagal pa ako rito. "Naku miss na pang miss universe, sayang naman ang premyo namin na life size teddy bear na limited design ng blue magic at five thousand pieces!" Pinakita nila sa akin ang life size teddy bear. Kulay orange ito na kumikintab ang balahibo at nakasuot ng kulay berdeng sumbrero. Ang ganda! "Ano po ba'ng mechanics ng game?" Mabilis pa sa alas kuwatro kong tanong. Hindi naman siguro magagalit si Briner kung sasaglit ako. "Simply lang ito miss------" Tapos tumingin siya sa'kin na parang nagtatanong. "Hilary po!" Pagdugtong ko naman sa sasabihin niya dapat. "Okay Ms. Hilary. Nakikita mo ba iyang malaking screen sa harap?" Tumango ako bilang sagot. "Magpa-flash lang kami ng mga pictures diyan and then sasabihin mo sa'min ang salitang malungkot kapag masaya ang imahe na makikita mo at masaya naman pag malungkot ang imahe. This is a revise guessing game kaya ganoon. You only have 1 minute to guess at kapag ikaw ang nakahula ng pinaka maraming puntos ng hindi nagkakamali ay ikaw ang siyang tatanghaling panalo. We already have our volunteers sa laro kanina at ang pinaka mataas sa kanila ay nakakuha ng sampung points. So you only have to get 11 points para ikaw ang manalo." Tumango-tango ako bilang tugon. "So for 1 minute Ms. Hilary, your timer starts ...now!" Mabilis ang sagot ko sa bawat pictures na nagpa-flash sa life size screen sa harap ko. Nakakalito man ng bahagya pero sinubukan ko pa rin. Pictures ng kasal, fiesta, libing, bagyo at kung anu-ano pa. Nakakuha na ako ng sampung puntos at isa na lang ay mananalo na ako. Tinutok ko ang atensyon ko at naghanda para sa susunod na larawan, ngunit isang hindi inaasahang imahe ang lumabas. Lahat ng mapapait na alaala bigla na lang nagbalik. Bawat sakit unti-unti ko muling naramdaman. Bawat sigaw, bawat iyak at bawat daing. Lahat bigla ko na lang ulit narinig. Tila naglaho lahat ng tao sa paligid ko. Wala akong marinig kundi hinagpis at takot. May naramdaman ako na parang tumulo galing sa ilong ko. Saglit pa at tuluyan na ring nagdilim ang paningin ko. Pagkatapos noon ay hindi ko na alam pa ang sumunod na nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD