Chapter 18 - Endearment

1454 Words
Sebastian Kanina pa ako nagpapaikot-ikot dito sa mall pero lenshak lang! Hindi ko makita ang girlfriend ko! Saan ba siya nagpunta? Sa paglalakad-lakad ko hindi ko namalayang napadpad pala ako sa activity center ng mall. I was about to leave the place when someone from the stage caught my attention. Si Hilary iyon ah? Natanong ko sa sarili ko nang makita ko siyang nakatayo at nakatitig sa malaking screen sa ibabaw ng stage. She's seriously looking at the picture. Titig na titig siya sa litraro ng isang batang tila hinahataw ng sinturon ng isang parang lasing na lalaki dahil sa pula ng mata nito at nakagiwang na anggulo. "s**t!" Napamura ako nang bigla na lang siyang bumagsak sa kaniyang kinatatayuan. Mabilis ko siyang tinungo sa stage. Isinandal ko siya sa akin at sinubukang tapikin sa pisnge ngunit hindi siya dumilat. Napansin ko rin ang dugo mula sa kaniyang ilong. Nakaramdam ako bigla ng takot dahil sa nasaksihan ko. Dali-dali ko siyang binuhat at maingat na pinahiga sa loob ng sasakyan ko. Binilisan ko rin ang pagmamaneho patungo sa pinakamalapit na ospital. Ano ba'ng problema ng pagkakataon? I was just anticipating for a memorable and happy first day for the both of us pero bakit ganito naman ang nangyari! Napahilamos ako sa sarili kong mukha habang pinapalipad ko na sa bilis ang sasakyan ko dahil sa sobrang kaba at frustration. Hilary. Please tell me you're okay! "Tama na po tsong. Tama na po.." Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nakikiusap sa kaniya pero tila siyang bingi at patuloy lang sa paghataw sa akin ng kaniyang sinturon. "Tama na? Anong tama na? Wala ka namang pakinabang na bata ka kaya dapat sa'yo nilulumpo!" Sige pa rin siya sa paghampas at sinasamahan pa ito ng mga sipa at tadyak sa mura kong katawan. Walang tigil ako sa pagpalahaw at pag-iyak. Patuloy ako sa pagdaing at impit na pagsigaw. Halos magkakalahating oras siya sa pambubugbog sa akin hanggang sa mapagod siya sa ginagawa at saka ako sinabunutan at kinaladkad patungo sa banyo. "Halika rito at tutuluyan na kita!" Wala akong magawa. Hinang-hina na ako at hindi ko na halos magalaw ang katawan ko dahil sa sakit. Inilapit niya ako sa isang balde na puno ng tubig saka inginudngod ang mukha ko doon. Nahirapan akong huminga dahil sa ginawa niya. Pilit akong nagpupumiglas pero hindi ko na kaya. Naiinom ko na ang tubig at nagsisimula ng magdilim ang paningin ko. "Tama na.. Pakiusap tama na po.." Nagising ako mula sa isang bangungot. Isang bangungot na parte ng aking nakaraan. "She's fine. Mukhang may bagay lang na nag-trigger para makaramdam siya ng sobrang takot which leads to stress and made her lose her consciousness. Kailangan niya lang ng sapat na pahinga so don't worry Mr. Saavedra. You may bring her home the moment na magising siya." Narinig kong sabi ng doktor na kausap ni Briner bago ito umalis. Nasa may bandang pintuan sila at nakatalikod sa hinihigaan ko si Briner. Namilog ang mga mata niya nang makita niya akong gising nang lumapit na siya sa akin. "At last your awake! Do you feel fine? May masakit ba sa'yo? May nararamdaman ka bang kakaiba?" Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Nakaramdam ako ng kakaibang saya habang hindi siya magkandaugaga sa pagtatanong kung okay lang ba ko. "Ayos lang ako. Huwag ka ng masiyadong mag-alala Briner." Hinaplos niya ang pisnge ko saka ako marahang hinalikan sa noo. Dahil sa ginawa niya nawala lahat ng alalahanin ko. "Hindi mo maiaalis sa akin ang mag-alala Hilary. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman kong takot ng makita kitang nawalan ng malay kanina. You scared the hell out of me." Para ba'ng bigla na lang nawala ang takot ko nang dahil sa pinapakita niyang pag-aalala. Pakiramdam ko, safe ako sa mga bisig niya at walang kahit sino mang puwedeng manakit sa'kin. "Sorry." Humingi ako ng paumanhin dahil mukhang tinakot ko nga siya. "Shh. You don't have to. Hindi mo naman iyon ginusto. Does your past experiences hunting you again?" Tumango ako bilang sagot. Alam ni Briner ang tungkol sa mga pinagdaanan ko sa kamay mismo ng mga kamag-anakan ng nanay ko. Madalas kasing siya ang gumigising sa akin satuwing napapanaginipan ko ang mga nakaraan ko kaya napilitan akong sabihin sa kaniya lahat ng mapait kong nakaraan. "You shouldn't joined that cheap game either." Napa-pout lang ako dahil sa sinabi niya. "Hindi ko naman ini-expect na may lilitaw na ganoong litrato. Saka kasi.." Nahiya ako bigla kung sasabihin ko ba. "Kasi?" Pagtatanong niya. "K-Kasi...may premyo na malaki saka cute na teddy bear." Nangunot ang noo niya. "Tsk. You should just told me that you like those. Bibilhan kita kahit ilang dosena pa ang gusto mo." Hindi na lang ako umimik. Kahit kasi boyfriend ko na siya nahihiya pa rin akong sabihin sa kaniya ang mga bagay na gusto ko. Baka naman kasi isipin niya user ako at ginagamit ko lang siya para makuha ang gusto ko. "Don't you ever think na pag-iisipan kita ng masama once you ask me such materials. Responsibilidad ko iyon bilang boyfriend mo, Hilary." Mind reader ba siya? "At huwag mong isipin na nababasa ko ang nasa isip mo. Sa ilang buwan nating magkasama nasundan ko na ang ugali mo kaya nahuhulaan ko na ang mga posibleng iisipin mo." Mind reader nga siya. Try ko nga isa pa. 'Ang yummy mo kapag nagagalit, parang ang sarap mong halikan' sige nga hulaa------ Nabigla ako nang bigla niya akong siniil ng malalim ngunit marahang halik. "Did I prove to you na masarap talaga akong halikan?" Sabi niya ng bumitiw na kami sa halik. "Briner, mind reader ka nga!" Namimilog pa ang mga mata ko nang sinabi ko iyan. "Nope mahal mahal, you say it out loud." Kaya naman pala. Syonga ko rin minsan. Pero teka, parang may narining akong iba. "M-Mahal mahal?" Ngumiti siya saka ulit ako hinalikan sa noo. "From now on, that will be our endearment for each other. Understand mahal mahal?" Gumanti ako ng ngiti at napahagikgik pa ng dahil sa kakornihan niya. Pero ang totoo, kinikilig ako sa pinaggagawa niya. "Ayt mahal mahal!" Sumaludo pa ako bilang pagsang-ayon. Inabot na kami ng gabi bago nakauwi. May pinuntahan muna kasi si Briner saka niya ako binalikan at inilabas sa ospital. Hinayaan ko na lang kasi sobrang importante raw. Kahit nakakapantampo matiyaga ko pa rin siyang inantay. Dumaan pa kami sa isang restaurant at doon kumain ng romantic dinner namin. Oo romantic dahil sa ambiance, candlelight presentation at may tumutugtog pang love songs habang nagsusubuan kami ng pagkain. Gusto niya kasi talagang memorable at masaya ang first day namin together kaya ginawa niya talaga lahat para makalimutan ko iyong nangyari kanina sa mall. Akala ko tapos na pero sabi nga nila expect the unexpected. Nagulat ako ng pagpasok ko sa kuwarto ko ay may tatlong life size teddy bear sa ibabaw ng kama ko na katulad na katulad noong papremyo sa guessing game kanina. Ang kaibahan nga lang may mga nakalagay ng letra sa bandang tiyan nito. I sa una, LOVE naman sa pangalawa at syempre YOU sa pangatlo. Hindi ko naman napigilan ang pagsilay ng isang matimis na ngiti mula sa aking mga labi. Ibang-iba pala si Briner kapag nagmamahal. Minu-minuto niya iyong ipararamdam sa'yo at lulunurin ka niya ng husto sa kasweetan niya. "You don't know kung paano mo ko napapasaya dahil sa mga ngiting iyan mahal mahal." Napapitlag ako na g may mga brasong bigla na lang yumakap sa baywang ko at may mainit na hiningang lumapat sa pagitan ng leeg at balikat ko. Sino pa nga ba. "I love you too briner. Sobrang saya ko ngayon. Salamat. Maraming salamat." So ito pala ang dahilan kaya siya umalis kanina. He prepared this for me. "Ako dapat ang magpasalamat. Salamat dahil pumayag kang maging girlfriend ko. I may not be a perfect person, but I'll try my best to be a perfect boyfriend to you and hopefully, a perfect husband and father to our future children. Mahal na mahal kita Hilary, mahal na mahal." Parang lumukso ang puso ko sa sobrang galak. Totoo nga ang kasabihang worst things happen to you because happiest is about to come. Kulang ang kahit anong salita para masabi ko kung gaano ako kasaya. "Mahal din kita Briner, mahal na mahal." And we sealed our love for each other sa pamamagitan ng isang halik na punong-puno ng pagmamahal. Nawala lahat ng inhibitasyon ko sa sarili at tanging pagtugon sa pinapakita niyang pagmamahal ang nasa isip ko. Simula sa araw na ito, wala akong ibang gagawin kundi ang mahalin ang isang Sebastian Briner Saavedra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD