Chapter 16 - His everything

1185 Words
Sebastian "Hilary bakit? Bakit kailangan mong umalis kung kailan...mahal na kita?" Hindi ko na maipaliwanag ang mga imosyon na nararamdaman ko ngayon pero sa lahat ng iyon, nangingibaw ang takot. With this mix emotions, I know it would sound gay pero hindi ko na talaga napigilan pa ang mga luhang tuluyan ng pumatak mula sa traydor kong mga mata. Maybe this is because of my fear na mawala na siya ng tuluyan sa'kin. Ngayong alam niya na ang totoo kong nararamdaman, hindi naman ako sigurado kung may nararamdaman din siya para sa'kin. Paano kung wala at maging rason pa ito para mas lalo siyang lumayo at hindi na magpakita pang muli? I can't stand that! f**k! I don't wanna live the rest of my life without her by my side! Baka mabaliw na lang ako ng tuluyan! Walang kahit isang salitang lumabas sa bibig niya. Nakatitig lang siya sa akin habang nakakunot ang noo. "Hilary, alam kung mahirap paniwalaan. Siguro nga masiyadong mabilis pero anong magagawa ko kung ito tlaga ang nararamdaman ko?" Doon lamang ito kumurap. "B-Briner." Kulang pa ba talaga ang apat na buwan para ma-develope ang feelings ko para sa kaniya? "Isa pa, there's no any reason for me to hide it. Walang mali sa pagpapakatotoo." At wala talaga akong plano na itago kung ano mang nararamdaman ko lalo na para sa babaeng mahal ko. "S-Sigurado ka ba talaga riyan Briner? Hindi ka ba nagbibiro? Baka mamaya may nakain ka lang na kung ano kaya kung anu-ano na rin ang pinagsasasabi mo. O baka naman nauntog ka sa kung saan kanina kaya wala kang malay sa mga bagay na lumalabas diyan sa bibig mo. Puwede ring may sakit ka tapos inaabot ka na ng pagdidileryo or worse baka na-----" I cut her words. Kung anu-ano na kasing sinasabi. "I love you Hilary. I really do. I've never been so sure in my whole life, ngayon lang. Sayo lang." Mahirap ba talagang paniwalaan lahat ng sinasabi ko ngayon? Hindi na naman siya umimik. Mukhang hindi nga talaga kami pareho ng nararamdaman para sa isa't-isa. "You don't have to say anything Hilary. Gusto ko lang na malaman mo kung gaano kita kamahal at kung gaano ka kaimportante sa akin. Hindi kita pipiliting suklian itong nararamdaman ko para sa'yo. Just let me protect and care for you. Hayaan mo lang akong mahalin ka. Hilary please, please bumalik ka na sa bahay." After saying those, lakas-loob na akong lumuhod sa harapan niya. Wala na akong pakialam kung iisipin niyang baliw na ako pero mamabaliw talaga ako kapag umuwi ako nang hindi ko siya kasama. "T-Teka...ano ka ba! Tumayo ka nga riyan Briner! Ano bang ginagawa mo?" Nagpapanik na siya dahil dumarami na rin ang mga tao sa paligid na nakakakita sa eksena namin. "Hindi ako tatayo rito hanggat hindi ka pumapayag na sa bahay ka na ulit uuwi. Please Hilary. Please." "Naku miss, huwag mo ng pahirapan. Kawawa naman si pogi oh." "Oo nga miss, naku jackpot ka na kay kuya. Wala ng ibang gumagawa niyan ngayon. Pang telenobela na lang ngayon iyong mga ganiyang eksena." Pati mga tao sa park nakiki-cheer na rin sa'kin. Lumingon muna siya sa paligid saka napakagat-labi. The heck! Seriously, sa ganitong sitwasyon niya talaga ako aakitin? "O-Oo na. Sige na. Sa apartment na ulit ako uuwi basta tumayo ka na riyan. Nakakahiya na Briner eh." Yes! Inakay na niya ako patayo kaya tumayo na rin ako, tutal naman pumayag na rin siya. "Thanks Hilary. Wala ng bawian ha, pumayag ka na." I hug her after saying those. Pumalakpak naman ang mga audience namin kuno. At last, makakatulog na ulit ako ng payapa at makakakain na ulit ng maayos. "H-Hindi. Wala naman akong planong bawiin kaya lang Briner, huwag ka masiyadong mag-expect ha." Ano raw? "Mag-expect?" Ano ba'ng sinasabi niyang huwag akong mag-expect? "K-Kasi nga di'ba ngayon ko lang ito mararanasan kaya ayon, wala pa akong masiyadong alam pagdating sa mga ganoong bagay." Ano raw ulit? "Wala namang magbabago Hilary. Gaya pa rin tayo ng dati. The only deference is that ngayon alam mo ng special ka sa'kin, that's it. What's bothering you?" Pati ako naguguluhan din sa kaniya. "Wala. Huwag mo na akong pansinin. Ganito lang talaga siguro ang pressure pag may boyfriend na. Tara na siguro, uwi na tayo." Akala ko naman kung ano na. "Yeah, mabuti pa nga sig--------" Wait. Parang may narinig akong mali. Loading. Still loading. Processing. Then processing completed. Ano raw? "A-Ano ulit iyong sabi mo?" Nabingi na yata ako. "Ha? Alin doon?" O baka naman nagdidiliryo na talaga ko. "Para kasing may narinig akong sinabi mo tungkol sa pagkakaron ng...boyfriend." I believe I heard it correct. "Ahhh. Eh di'ba nga first boyfriend kita, kaya ayon hindi ko alam kung ano ba talaga iyong normally na ginagawa ng mga girlfriends. Kaya guide mo na lang ako ha." Holyshit! So hindi nga talaga ako nag-iilusyon lang! "Y-You mean...boyfriend mo na ko?" Please say yes! Say yes my Hilary! "Oo? Di'ba nga sinabi mo na kanina na mahal mo ko? Eh mahal din naman kita. Di'ba ganoon naman iyon, dapat nagiging magkarelasyon ang mga taong nagmamahalan?" In just a split of seconds she shouted. "Briner ibaba mo ko!" Sa sobrang saya ko hindi ko na napigilan ang sarili ko na buhatin siya ng paharap habang nakayakap pa rin ako sa mga binti niya at siya naman ay nakakapit sa leeg ko. Ibinaba ko rin siya agad pagkatapos. "Narinig niyo iyon! Sinasagot niya na ko! Girlfriend ko na siya! Akin na si Hilary!" Para akong timang na nagsisisigaw doon habang hindi mapakali. Paki ba nila, basta ako masaya. Masayang masaya Niyakap ko ulit ng mahigpit si Hilary at nang magbitiw kami sa yakap, saka ko naman hinawakan ng mahigpit ang mga kamay niya at hinalikan ang mga ito. "Ang saya saya ko Hilary. Salamat, maraming salamat. Simula sa araw na 'to, ipinapangako ko, ako ang magiging best boyfriend in the whole world para sa'yo. I love you Hilary Joyce Magbanua. Mahal na mahal kita." Simula sa araw na ito, ang babaeng nasa harap ko ngayon ang magiging pinaka importanteng tao sa buhay ko. Ang babaeng iingatan, aalagaan at mamahalin ko ng buong-buo. "Mahal na mahal din kita, Sebastian Briner Saavedra." And that's the sweetest word I've ever heard in my whole life. We hug each other again after. Ito na yata ang pinaka masayang araw ng buhay ko. Knowing na mahal ka rin pala ng taong mahal mo, sobrang sarap sa pakiramdam. This is it, the start of my new chapter together with the one I love. Gagawin ko lahat mapasaya ko lang siya. Aalagaan ko siya sa abot ng makakaya ko at mamahalin ko siya hanggang dulo. This is the first time I felt like this. Ganito pala ang feeling ng totoong nagmamahal, and I promise to hold this feelings forever. Kung kinakailangan kong makipagbuno kay kapalaran para lang mapanatili sa tabi ni Hilary, gagawin ko. She's my life now, Hilary's my everything.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD