..."BAHAGHARI "...

290 Words
..."BAHAGHARI "... Kaygandang pagmasdan, Ng bahaghari sa kalangitan, Iba't ibang kulay ang yong masisilayan, Na nagsasabog ng kaligayahan sayong kalooban... Gaya ng sayang nararamdaman ko, Kapag magkasama na tayo, Di maalis ang ngiti sa labi ko, Lalo na ang pintig ng puso ko... Ang sarap habang pinagmamasdan ko, Ang kalawakan na mukha mo ang nakikita ko, Dampi ng hangin sa balat ko, Pakiramdam ko ako'y niyayakap mo... Ang masasayang sandaling pinagsasaluhan natin, Mga pagsuyo mong nakakaantig saking damdamin, Mga halik at yakap mong kaysarap damhin, Sana wag ka ng mawala pa sa aking piling... Ang tangi kong pinag darasal, Sa ating poong maykapal, Pag mamahalan natin ay magtagal, Wag matulad sa bahaghari na saglit lang masilayan at di nagtatagal... ❣❣❣ ..."SINASAMBA KITA"... Di ko alam kung bakit ang tindi ng pagmamahal ko sayo, Kung bakit maisip ko lang na mawawala ka sa piling ko, Kumikirot na agad ang puso ko, Sabay sa pagtulo ng mga luha ko... Minahal kita ng diko sinasadya, Pumintig ang puso ko ng ikaw ay una kong makita, Nalulugod ang puso ko kapag ngiti'y nasilayan sayong mukha, Napuno ng pag asa ang puso kong nangungulila... Marami mang hadlang sa ating dalawa, Para sa akin ito ay dina mahalaga, Basta't ang alam ko lang sa piling mo ako'y maligaya, Pinasasalamatan kong sa buhay ko dumating ka... Ang mahalin mo ay kayamanan ko na, Walang papantay at hihigit sa alay kong pag-ibig sayo sinta, Dahil sinasamba kita higit sayong akala, Ganyan ako magmahal sa taong karapat dapat at sakin may pagpapahalaga... Kung anuman ang bukas na darating, Hawak kamay at sabay nating harapin, Maging masalimuot at matinik man ang landas na ating tatahakin, Ito ay ating makakaya basta't kasama kitang nanalig at nanalangin... ❣❣❣
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD