..."Mahirap Dayain Ang Puso"...

575 Words
..."Mahirap Dayain Ang Puso"... Dati tahimik lang ang mundo ko, Nakakatawa lang pag kausap mga kaibigan ko, Pero ang totoo may nakatagong lungkot d2 sa puso ko, Na kahit isa sa kanila hindi nakapansin nito, Hanggang isang araw dumating ka sa buhay ko, Binigyan mo ng kulay ang madilim kong mundo, Pinawi mong lahat ng kirot d2 sa puso ko, Na kahit ako nagugulat na lang sa mga ginawa mo, Pwede akong magbulag bulagan, Pwede rin akong magbingi bingihan, Pero mapipigil ko ba ang aking nararamdaman? Kung bakit ngayon masaya akong malaman na nanjan ka lang, Alam kong napakahirap nito, Ang magkunwari na di ako apektado, Pero madadaya ko bang sarili ko? Sagot ko'y hindi! dahil mahirap dayain ang puso, Masakit ang mabigo't masaktan, Yong parang basahan kang basta lang tinapon kung saan, Ngunit sapat ba ito para di kana lumaban? Sa pag-ibig na tanging nagbibigay sa'yo ng kaligayahan? Kaya walang karapatan ang bawat nilalang, Upang tayo'y husgahan sa ating nararamdaman, Na ang pagmamahalan na diko sukat akalain, Ay mabubuo ng di inaasahan, Na yaong pagmamahalan na walang hinihinging kapalit, Yong pagmamahal na kusa mong inilapit, Pagmamahal mong tunay at higit, Na nagsisilbi kong sandata upang ako'y maging maligaya at sayo'y manalig, Sayo ako ay labis na humahanga, Pagkat puso mo'y wagas tunay na dakila, Di man ito mapansin ng iba, Pero d2 sa puso ko alam kong totoong tao ka, Siguro ay dimo rin ito pansin, Na ako sayo ay mayroon ding pagtingin, Di naman ako manhid upang ito ay aking pigilin, Dahil alam kong mahirap dayain itong puso't damdamin, Diko man kayang ibigay sayo buong mundo, Diko kayang sungkitin ang mga bituin upang ialay ito sayo, Ngunit susuklian ko ang pagmamahal na iaalay mo, Ganyan kita kamahal na kahit biyakin mo itong puso ko, Tanging pangalan mo lang ang nakaukit dito... ❣❣❣ ..."Pangarap Ko ang Ibigin Ka "... Una siyang dumating sa buhay mo, At naging saksi ako sa pagmamahalan niyo, Kahit nasasaktan ang puso ko, tiniis ko manatili lang ako sa tabi mo... Minahal kita ng diko sinasadya, Kahit alam kong may nag mamay-ari na ng puso mo wala akong magawa, Nabaliw ako sayo't umasam na baka magkahimala, Na balang araw pangarap ko'y matupad na nga... Nagulat na lang ako ng mabalitaan ko, Nahuli mo siyang nagtataksil at ika'y niloko, Nawalan ng dereksiyon ang buhay mo, Nagpabaya ka't bumigay ang katawan mo... Sa mga sandaling naghihirap ang kalooban mo, Lagi lang akong nasa tabi mo, Umaalalay,gumagabay kasi gusto kong gumaling ng sugat sa puso mo, Dahil nahihirapan akong nakikita kang luhaan at pinababayaan mong sarili mo... Sa bawat pagpatak ng luha mo, Sa bawat sigaw na naririnig ko mula sayo, Sa bawat pagwawala mo kapag nalalasing ka ng todo, Dobleng hirap at sakit ang nararamdaman ko dito saking puso... Naaawa na ako sayo, Sana makabangon ka na't bumalik ang dating sigla mo, Yong makita ko ulit ang mga ngiti sa labi mo, Namimiss na kitang totoo... Dahil sa nangyaring kabiguan mo, Napansin mong isang tulad ko, Na isang kaibigan lang para sayo, At diko inaasahan na ang pangarap ko ay magkaka-totoo... Naging close pa tayo lalo, At doon nakilala pa kita ng husto, Maalaga ka at maasikaso, Pero bakit nagawa ka pa niyang lokohin ng ganito... Noong maging tayo ng dalawa, Doon ko nasabing mahal na mahal talaga kita, At di kita ipagpapalit sa kahit sino pa, Dahil ayokong masaktan ka na naman at diko yon makakaya... ❣❣❣
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD