Chapter 5: Business
THIRD PERSON'S P.O.V
Hindi na nagawang magpaalam ni Primo sa dalaga pagkaalis niya ng mansyon dahil maaga pa lang ay kinailangan niya na ayusin ang trabaho niya.
Nalaman kasi ni Primo sa mga tauhan niya na may nagkakagulo sa Golden Dragons Casino na isa sa pagmamay-ari niya.
At bilang owner ng casino ay kailangan niyang ayusin ang problema. Kaya naman ng makarating na si Lorenzo sa Casino ay agad namang nag-report ang lalaki sa kanya.
"Madam woke up after you left, and I ordered the maid to serve her breakfast. She left after that because she had to go somewhere, so I assigned a driver for her, Capo." Lorenzo reported to his boss.
Tumango naman si Primo ng marinig ang sinabi ni Lorenzo. Pagkatapos no'n ay pinatay ni Primo ang upos ng sigarilyo niya sa ashtray.
"Va bene, buon lavoro. Andiamo ai fatti nostri, allora, che ne dite?" Primo said.
(Translation: Alright, good job. Let's get to our business then, shall we?)
Pagkatapos no'n ay tumango naman si Lorenzo saka sila umalis ni Primo sa opisina nito. Sumakay sila sa sasakyan bago naman nagsimulang ipagmaneho ni Lorenzo ang lalaki patungo sa casino.
Sunod-sunuran naman sila Lorenzo at ang mga kasamahan niya sa likuran ni Primo habang papasok sila sa loob ng casino.
Sinalubong lang naman si Primo ng mga tauhan niya sa casino bago nagsipagyuko ang mga ito para magbigay galang kay Primo.
Pumasok lang si Primo sa office niya sa casino at pagkatapos no'n ay saka naman pumasok ang isang tauhan ni Primo na naka-assign sa casino.
"Good morning, Capo. I have something to report to you. Today at five a.m., someone hit the jackpot on our slot machine, but we already noticed a problem with his winning." Primo's employee said.
Pagkatapos ay saka naman nilapag ng babaeng tauhan ni Primo ang laptop sa harapan ng lalaki saka pinlay ang isang recorded video.
"You can see it in the video, Capo. He destroyed our slot machine without the knowledge of the staff and employees. He cheated to win. He broke the machine to manipulate his winnings," Primo's employee said.
Gaya ng sabi ng babae kay Primo ay kitang-kita nga rin ng lalaki sa video kung paano nandaya ang isang lalaki sa video na nasa slot machine.
At dahil maliliit lang ang CCTV nila sa buong casino ay hindi nito nalaman na may CCTV malapit sa kanyang pwesto.
Napangisi si Primo habang nakatitig sa monitor ng laptop. Umigting din ang kanyang panga bago muling bumaling sa kanyang empleyado.
"Where's this bastard right now?" Primo asked coldly.
"He's currently waiting on the cage cashier, Capo." the employee answered.
Tumayo na kaagad si Primo at walang sinayang na oras. Sumunod naman kaagad sila Lorenzo sa lalaki ng magsimula itong lumabas ng opisina niya.
At dahil sa baba lang na palapag ng opisina ni Primo sa casino ang cage cashier ay mabilis lang silang nakarating do'n.
Agad namang nakita ni Primo ang lalaki sa nasabing recorded video ng CCTV. Kaya naman ng huminto si Primo sa paglalakad ay agad niyang tinaas ang kanyang kamay saka sumenyas sa kanyang mga kalalakihan.
Naunawaan naman kaagad ng mga tauhan ni Primo ang nais niyang ipagawa sa mga ito. Pinalibutan ng mga tauhan ni Primo ang lalaki sa video kanina saka ito hinawakan sa magkabilang braso bago hinarap kay Primo.
Naglabas lang si Primo ng Treasurer Luxury Black cigarette niya sa kaha na galing sa bulsa ng coat niya bago ito pinasindihan kay Lorenzo ng ilagay ito ni Primo sa kanyang bibig.
Pagkatapos humithit ni Primo sa kanyang sigarilyo ay bahagya naman siyang naglakad palapit sa lalaki saka binuga ang usok nito sa mukha ng lalaking nasa harapan niya na ngayon napapaligiran ng tauhan niya.
"Did you think I would give you the jackpot because you won in our slot machine? Of course not! You damn bastard, tried to cheat and dare to ask for my money? Do you have a death wish, stronzo? " Primo said in gritted teeth.
Tinanguan lang ni Primo ang isang tauhan niya na nakahawak sa lalaki saka ito sinuntok sa sikmura. Mabilis namang napaubo ang lalaki ng mabigla ito sa pagkakasuntok sa kanya.
"Sir, pasensya na! Kailangan ko lang talaga iyong pera!" pagmamakaawa ng lalaki kaya napatawa nang pagak si Primo.
"Do you think I'm dumb? If you want money, you should ask me directly! As if you needed to learn my main business. I launder money, and you should pay it back when the time comes. You know what I hate the most? It's a f*cking liar and cheater, people like you! My bad, but I can't let you get away with this. You're ruining my casino reputation with your dirty tricks. I'll ensure you won't leave this place with your hands still attached to your body." Primo warned the guy as the guy started to look terrified at him.
Pagkatapos sumenyas ni Primo sa tauhan niya ay sinimulang suntukin ulit ito ng tauhan ni Primo at nang mapahiga ang lalaki sa sahig ay inapakan naman ng mga ito ang kamay ng lalaki dahilan para umalingawngaw ang hiyaw nito sa paligid.
Nilayasan naman ni Primo ang mga tauhan niya at ang lalaki pagkatapos niyang makita ang sinapit nito sa kamay ng mga tauhan niya.
"Make sure that he won't be coming back here. Also, you should restrict him from entering my casino again, or else I will fire you if you don't do a good job." Primo ordered his employee.
Wala namang nagawa ang babaeng empleyado kundi ang makinig kay Primo. Kaya naman ng makaalis si Primo sa cage cashier ay agad naman siyang nag-ikot sa loob ng casino.
Minanmanan lang ni Primo ang paligid ng casino. At napansin naman ni Primo na mas marami ang tao ngayong araw kaysa no'ng nakaraan.
"Tell employees to be more alert. If someone steals from the casino again, ensure they don't set foot in it again." Primo ordered Lorenzo.
Nag-bow naman si Lorenzo kay Primo bago nagsimulang maglakad si Primo pabalik sa opisina niya sa casino.
Pagkaupo ni Primo sa swivel chair niya ay tumayo naman si Lorenzo sa harapan niya habang ang ibang tauhan naman ni Primo ay naiwan sa labas ng opisina ni Primo at nagbabantay.
"I think we don't have any business here. By the way, I have to order you to do something. Can you help me find an engagement ring for Heaven?" Primo asked seriously.
"Sì, capo." Lorenzo answered.
Pagsapit ng hapon ay umuwi na rin si Primo sa mansyon. Kinailangan niya kasing umuwi ng maaga dahil para makapaghanap pa si Lorenzo ng engagement ring nila ni Heaven.
Hindi lang iyon, kinailangan din kasi tawagan ni Primo ang mga koneksyon niya para maasikaso ang kasal nila ni Heaven.
Pagkatapos kausapin ng lalaki ang mga kakilala niya na pwedeng tumulong sa kasal nila ay agad namang tinawagan ni Primo ang lolo niya.
"Come stai, nonno? Ti senti bene ora?" Primo greeted his grandfather.
(Translation: How are you grandfather? Are you feeling well now?)
"Sì nipote mio, mi sento bene in questo momento. Perché mi hai chiamato oggi? Hai qualcosa da dirmi?" Primo's grandfather responded.
(Translation: Yes my grandson, I'm feeling well right now. Why did you call me today? Do you have something to tell me?)
"Sì. Ho delle buone notizie per te. A dire il vero, ho trovato qualcuno da sposare. Ti farò sapere quando decideremo la data esatta del nostro matrimonio." Primo explained.
(Translation: Yes. I have some good news for you. Actually, I found someone to marry. I'll let you know when we decide on the exact date of our wedding.)
"Davvero?! Questa è un'ottima notizia, nipote! Aspetterò la data del tuo matrimonio." Primo's grandpa said.
(Translation: Really?! That's great news, grandson! I will wait for your wedding date.)
Nang matapos mag-usap ang dalawa ay agad namang ibinaba ni Primo ang phone niya at saka iyon binalik sa bulsa niya.
Nagpalit lang din ng damit pangbahay ang lalaki at nagsuot lang din ng robe saka nagpunta sa kusina para kumuha ng maiinom.
Inilabas lang ni Primo ang baso at inilapag iyon sa bar counter. Pagkatapos ay saka kumuha si Primo ng Henri IV Dudognon Heritage Cognac Grande sa cabinet ng mga alcohol drinks na kinokolekta ni Primo.
Isa ang Henri IV Dudognon Heritage Cognac Grande sa mga pinakamahal na kinolekta ni Primo dahil nagkakahalaga ito ng two million dollars.
Para kay Primo kasi kapag mas mahal ang iniinom niyang alak ay mas masarap. Kaya hindi pa naranasan ni Primo na tumikim ng mga mumurahing alak dahil hindi mo siya mapapainom ng alak na hindi niya kilala ang brand.
Karamihan naman sa ibang drinks na kinolekta ng lalaki ay niregalo lang sa kanya kaya ang mga iyon ang hindi masyadong iniinom ni Primo.
Gusto lang kasi niyang kolektahin ang mga ito para idagdag sa mga collections niya. Bukod kasi sa pagkokolekta ng mga mamahaling sasakyan ay collection din ni Primo ang mga alak.
Nagsalin lang si Primo ng iinomin niya sa baso saka iyon ininom sa baso. Hawak ni Primo ang alak at baso sa magkabilang kamay niya patungo sa sala.
Nang makarating siya do'n ay umupo lang siya sa sofa at maya-maya lang ay sakto namang pumasok si Heaven sa loob ng mansyon.
Agad namang nakita ni Heaven na abala sa panonood ng sports ang lalaki kaya naman hindi na nagsalita ang dalaga at nanatili na lang itong naglakad patungo sa hagdan ng magsalita si Primo.
"Where have you been, La mia cara moglie?"Primo asked the woman.
(Translation: My dear wife?)
Kumunot kaagad ang noo ni Heaven dahil hindi niya naintindihan ang huling sinabi ng lalaki pero huminga lang nang malalim si Heaven bago tumingin sa lalaki.
Kasalukuyan namang nakatayo na si Primo sa harapan ni Heaven at napansin din ni Primo na mukhang pagod ang babae.
"Nag withdraw lang ako ng pera sa labas..." maiksing sagot ni Heaven at sinubukan pang umiwas ng tingin.
Hindi naman agad kumibo si Primo at saglit lang na pinagmasdan ang babae. Pagkatapos no'n ay tumango na lang si Primo.
"I won't ask you anything if you don't want to tell me something. Since you look tired from wandering outside, we should eat dinner together. You should take a bath and come back downstairs to eat together. I'll ask the maids to prepare the food while you're still bathing and changing clothes." Primo said.
Ngumiti naman ng pilit si Heaven bago marahang tumango.
"Salamat." maiksing sagot lang ng babae.
"I won't come to work tomorrow. We should buy your new clothes together, and we have to meet our wedding planner." Primo added.
Hindi naman sumagot si Heaven at nagpasiya na lang itong tumuloy na umakyat sa kwarto nito.
Habang si Primo naman ay sumenyas sa mga katulong at saka sinabi na maghanda na nang makakain para sa kanila.
Pagkatapos no'n ay inubos lang ni Primo ang alak na iniinom niya sa baso bago nagpasiyang ibalik ang alak na kinuha niya cabinet ng mga alcohol niya.
Tiningnan lang din ni Primo ang mga putaheng niluto ng mga chef niya sa kusina bago nagpasiyang bumalik sa sala.
Hindi kasi sanay si Primo kumakain ng mga basta-basta lang na luto. Mas sanay din kasi ang lalaki na kumakain ng pagkaing umaayon sa panglasa niya.
Kaya naman bukod sa maraming katulong ay may mga hinire rin siyang chef. Maya-maya pa ay napansin ni Primo sa sala na nakababa na si Heaven.
"Come on, let's eat," Primo said, wrapping his arm around her shoulder.
Napalunok si Heaven at naramdaman din ng babae ang pag-iinit ng kanyang pisngi. Pero saglit lang naman iyon, kaya naman ng makabawi si Heaven ay binalewala na lang niya ang ginawa ng lalaki saka sila nagsimulang maglakad patungo sa kusina.
Nang makapunta sila sa dining area ay agad naman silang umupo sa harap ng mesa. Hinain lang ng mga katulong ang mga pagkaing niluto ng chef at pagkatapos no'n nagsimula namang kumain ang dalawa.
Hindi naman nag-usap ang dalawa at mas nagpokus na lang sila sa pagkain. At habang kumakain naman ay panay ang sulyap ni Primo sa babae.
Inaamin ni Primo na maganda talaga ang babae kaya siguro hindi na rin nagdalawang isip ang lalaki na piliin si Heaven para maging asawa nito.
---