Chapter 6: Preparations
THIRD PERSON'S P.O.V
"Pumunta lang si Madam sa mall at namili ng mga damit at saka kami dumiretso at dumaan sa New Life Orphanage, boss." seryosong sagot ng driver na sumama kay Heaven no'ng umalis sila kahapon.
Humithit lang si Primo sa sigarilyong hawak niya saka siya tumango. Ngayon ay alam na ni Primo kung bakit pagod na pagod si Heaven no'ng dumating ito kahapon.
"Do you have any idea who she visited at the orphanage?" Primo asked the driver.
Umiling naman ang matandang lalaki. "Wala akong ideya, boss. Ang alam ko lang lalaki ang pinuntahan niya sa orphanage, pagkatapos no'n ay wala na akong ibang alam."
Napatitig si Primo sa kawalan nang ilang saglit bago niya itinaas ang kanyang kamay para sumenyas kay Lorenzo.
"I want you to investigate who Heaven met at the orphanage yesterday. I should get your report later tonight." Primo commanded.
"Sì capo," Lorenzo answered.
"What about what I ordered you yesterday? Have you bought the engagement ring I'm asking you to find? I must give that to Heaven today because we are meeting with our wedding planner." Primo added.
"I already bought the ring, capo." Lorenzo said, then handed Primo the ring box that he was holding.
Binuksan naman kaagad ni Primo ang ring box na hawak niya. At agad namang bumungad sa kanya ang isang pink diamond na binili ni Lorenzo.
"It's calles The Pink Star, that ring is the first in the list of the 10 most expensive diamond rings and is the ultimate symbol of luxury, boasting a 59.6-carat, oval-cut pink diamond that is simply breathtaking." Lorenzo explained.
Napatango si Primo. Hindi siya nagkamali na utusan si Lorenzo na bumili ng engagement ring para sa dalaga. Nagustuhan kasi ni Primo ang singsing na binili ni Lorenzo para sa babae.
"I'll give this to her later. Thank you for purchasing this ring for me." Primo said.
Pagkatapos no'n ay tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo. Nagpasiya rin siyang bumalik sa kwarto nila kaya naman sumakay si Primo sa elevator ng mansyon.
Nang maka-akyat na siya sa kwarto ng dalaga ay agad niyang sinilip ang babae kung gising na ito. Maaga pa lang kasi ay nagising na si Primo kaya naman kasalukuyan pa ring natutulog si Heaven.
Kaya naman ng pasukin ni Primo sa kwarto ang babae ay agad siyang umupo sa kama. Marahan pang hinawi ni Primo ang buhok ng babae na humarang sa mukha nito.
"You must be very tired, mio cara." Primo whispered.
Nang maramdaman naman ni Heaven na may humahaplos sa kanyang mukha ay agad siyang napamulat.
Do'n nakita ni Heaven si Primo na kasalukuyang nakaupo sa tabi ng kama niya. Seryosong nakatingin ang lalaki sa mukha niya kaya naman agad na napaupo si Heaven sa kama.
"Kanina ka pa ba rito?" agad namang tanong ng dalaga.
Napalunok si Heaven ng makita naman niyang lumabas ang magandang ngiti ng lalaki sa labi nito.
"No, I just came here and watched you sleep. I came here to remind you about our plans for today." Primo explained.
Kaagad namang naalala ni Heaven ang tungkol sa lakad nila ni Primo ngayong araw. Kaya naman wala ng sinayang na oras si Heaven at mabilis itong bumangon sa higaan.
"Pasensya na kung late na ako nagising. Masyado lang kasi akong napagod sa nilakad ko kahapon." seryosong sabi naman ni Heaven bago ito nagpasiyang dumiretso sa banyo.
Hindi naman nakasagot si Primo sa sinabi ng babae. Napailing na lamang si Primo, at dahil nagpasiya na maghanda ni Heaven ay naisip na lang din ni Primo bumalik sa kanyang silid at magbihis na rin.
Pagkabalik ng lalaki sa kanyang silid ay agad siyang nagpunta sa walk in closet niya para mamili ng magandang isusuot ngayong araw.
Kumuha lang si Primo ng light blue na long sleeve at black pants na pinarisan niya rin ng kanyang black shoes.
Pagkatapos niyang kunin ang damit niya ay agad naman siyang nagtungo sa banyo para maligo.
Ginamit na lang ni Primo ang shower ng banyo niya para maligo at pagkatapos niyang maligo ay pinatuyo niya lang ang kanyang buhok saka nagbihis.
Ini-spray lang din ni Primo ang paborito niyang pabango na Versace Eros. At pagkatapos no'n ay saka lang sinuklayan ng lalaki ang buhok niya saka nagpasiyang isuot ang mga alahas niya.
Sinuot lang ni Primo ang isa sa mga koleksyon ng wrist watch niya. Ang Rolex Paul Newman Daytona na worth $18.7 million.
Nang matapos ng ayusan ni Primo ang sarili ay mabilis naman niyang binalikan si Heaven sa silid nito.
Sakto namang nakita ni Primo na nakasuot ito ng spaghetti dress na kulay red at kasalukuyang sinusuot ang kanyang black stiletto.
Dahil abala si Heaven sa pagsusuot ng stiletto nito ay agad namang inilabas ni Primo sa kanyang bulsa ang ring box na binigay ni Lorenzo sa kanya.
"For you... you should wear it now." Primo said.
Agad namang umangat ang tingin ni Heaven sa lalaki ng makitang iabot sa kanya ang kahon ng singsing.
"Para saan naman iyan, Sir Primo?" tanong ni Heaven.
Dahil sa paraan ng pagtawag ni Heaven sa lalaki ay agad na naningkit ang mga mata nito.
"It's Primo. Just call my name, and don't be so formal. Also, it's an engagement ring. You should wear it because that's the proof that we're really engaged." Primo told her.
Kinuha naman ni Heaven ang inabot ng lalaki at do'n nakita ni Heaven na kuminang ang diamond ring na hawak niya ngayon.
Hindi rin napansin ng babae na bumuka ang kanyang bibig dahil napanganga siya sa ganda no'n. Sa tanang buhay niya kasi ay ngayon lang siya nakakita ng tunay na diamante.
"T-totoo bang diamond 'to?" hindi makapaniwalang tanong ni Heaven.
Napangiti naman si Primo sa tanong babae ngunit marahan naman siyang tumango.
"So, did you like it?"
"Yes! It's pretty... But I think I can't accept this kind of gift. Mukhang mamahalin ang isang 'to." sagot naman ni Heaven.
Tumaas naman ang kilay ni Primo. "And why is that?"
"Sobrang ganda. Nakakapanghinayang na isang katulad ko lang ang magsusuot ng ganitong klaseng singsing." seryosong sabi naman ni Heaven.
Kumunoy ang noo ni Primo dahil hindi siya makapaniwala sa naging sagot ng babae.
"You deserve it. You don't have to hesitate to wear that ring. It's made for you, and it is meant for you." Primo initiated.
Napansin naman kaagad ng lalaki ang pamumula ng pisngi ni Heaven. Napakaganda ng singsing at hindi malaman ni Heaven kung nararapat lang bang maranasan niyang suotin ang ganung klase ng singsing.
"Sigurado ka ah? Ayos lang na suotin ko 'to ah? Baka naman kasi hindi na ako mabuhay kapag naiwala ko 'to." kinakabahang sabi naman ni Heaven.
Kaya hindi na tuloy napigilan ni Primo ang matawa sa reaksyon ng dalaga. Habang si Heaven naman ay mabilis na kumunot ang noo dahil sa naging reaksyon ng kasama niya.
"Don't worry, even if you lose it every time. I can buy you a new one whenever I want you to wear it." Primo answered proudly.
Dahil sa sinabing iyon ni Primo ay agad namang tinambol ang puso ni Heaven. Tinitigan niyang maigi ang singsing at alam niya na sa puntong iyon ay sobrang mahal talaga ng singsing.
"Sigurado ka ah? Papayag akong suotin 'to basta ipangako mong walang mangyayari sa akin kahit magka damage ang singsing na 'to." sabi naman ni Heaven.
Tumango naman si Primo habang nakangisi. Pagkatapos no'n ay nagpasiya na si Heaven na isuot ang singsing sa palasingsingan niya.
Tumayo rin ang babae sa pagkakaupo nito sa kama at saka nagpasiyang maglakad palabas ng kwarto. Sumunod naman si Primo sa babae at saka sila nagpasiyang bumaba na.
Sumakay sila sa elevator patungo sa first floor ng mansyon at nang makita sila Heaven at Primo ng mga tauhan ng lalaki ay agad naman silang sinundan ng mga ito palabas ng mansyon.
Kaya naman nagpasiya na lang si Primo na sumakay sa Armoured Mercedes - Benz Sprinter Luxury Van.
Marami kasi sa mga tauhan ni Primo ang sasama sa kanila kaya naman do'n na sila sa malaking van sumakay.
Nang makapasok sila Heaven at Primo sa loob ng sasakyan ay hindi naiwasan ng dalaga na mapanganga.
Sobrang ganda kasi sa loob ng van at ang unang naisip ni Heaven ay para silang VIP dahil sa itsura sa loob ng van.
"Grabe, nalulula naman ako sa yaman mo." hindi naiwasang ikomento ng dalaga.
Nang marinig iyon ni Primo na sabihin ng babaeng katabi niya ay hindi niya naiwasang mapangiti.
Naging proud kasi si Primo sa sarili niya dahil nakikita niyang nabibilib na si Heaven sa yaman niya.
"What did I tell you? When we get married, my wealth will be yours too." Primo said.
Napakagat na lamang ng labi si Heaven sa sinabi ni Primo. Pagkatapos no'n ay umandar na rin ang van na sinasakyan nila Primo at Heaven.
At habang nasa byahe sila ay nakatingin lang si Heaven sa labas ng bintana ng van. Habang sila Lorenzo naman at Primo ay may pinag-uusapan lang.
Hindi naman pinansin ng dalaga ang dalawang lalaki na nag-uusap kaya naman hindi niya namalayan na nakarating na rin sila sa lugar na pupuntahan nila.
Kaya naman ng makapag-park ang driver ng van ay mabilis naman silang bumaba ng sasakyan. Pagkalabas nila ng van ay agad namang pinulupot ni Primo ang braso niya sa bewang ng babae.
"Let's go inside." Primo said.
Pagkatapos no'n ay tumango na lang si Heaven saka sila nagsimulang maglakad papasok sa loob ng building.
---