Chapter 4: Visit
THIRD PERSON'S P.O.V
"Here's your bank book, ma'am. Also, this is the money you successfully withdrew from your bank account," the banker informed Heaven.
Pagkatapos no'n ay inabot kay Heaven ang suitcase na naglalaman ng one million.
"Thank you!" nakangiting sagot naman ni Heaven bago nagpasiyang lumabas ng banko.
Nang makalabas na siya nang tuluyan ay napatingin pa siya sa hawak niyang suitcase bago nagpatuloy sa paglalakad.
Matapos makapag-withdraw ni Heaven ng pera dumiretso siya sa mall para mamili ng mga damit para sa kapatid niyang si Cloud.
Maaga kasi siyang nagpaalam kay Lorenzo na butler at sekretarya ni Primo para makaalis ng mansyon.
PAGKAGISING ni Heaven ay lumabas kaagad siya ng kwarto pagkatapos niyang magbihis. Hindi kasi siya nakatulog sa sobrang lambot ng kama.
Nanibago si Heaven sa bahay na tinutuluyan niya dahil kumpara sa salon na pinagtatrabahuhan niya noon ay mas magarbo pa ang bahay ng lalaki.
Pababa pa lang si Heaven sa sala ng mansyon ay agad naman siyang nakita ni Lorenzo na abala rin sa sala para utusan ang mga kasambahay.
"Good morning, madam. What do you want to eat for breakfast? Did you sleep well?" Lorenzo asked her when he finally noticed her downstairs.
Ilang na napangiti si Heaven bago umiling.
"Ah hindi, sir. Di ako masyado nakatulog kasi naninibago pa ako sa kwarto ko. Tinapay lang ang kakainin ko, at kung maaari gusto ko sana magpaalam sa'yo kasi gusto ko sanang umalis ng bahay." paalam ni Heaven.
"Hey, come here," Lorenzo called for a maid. "Can you prepare and serve Madam the breakfast she wants here? Also, you should make her coffee."
Agad namang lumapit ang katulong na tinawag ni Lorenzo. Tumingin din ito kay Heaven bago nagbow at saka dumiretso sa kusina.
"You should eat something that can fill your stomach, Signora. Capo will be mad at me if I can't care for your health properly." Lorenzo added."
Hindi man masyado naintindihan ni Heaven ang ibang wika na binanggit ni Lorenzo pero alam niyang ang tinutukoy ng lalaki ay siya at ang amo nito.
"Salamat. Sige, kakain muna ako pero pagkatapos ko ay aalis din ako ah?" ulit ni Heaven sa sinabi niya kanina.
"Capo left early this morning. After I'm done serving you, I'm going to follow him. We have a business we must finish today. If you don't need my company, I'll let you borrow one of our drivers in the mansion to drive you around town. We can't let you leave without a chaperone because Capo will gonna kill me if something happens to you." Lorenzo explained.
Wala namang nagawa si Heaven kundi ang sumunod sa sinabi ng lalaki.
"Sige, payag ako. Huwag mo lang ipapaalam kay Sir Primo kung saan ako pumunta dahil ayokong ipaalam ang private life ko." paliwanag ni Heaven.
"I'm sorry, Signora. I can't do that... Capo told me to inform him of everything that has something to do with you. Also, you should call me and Capo by our name." Lorenzo answered.
Napabuntong-hininga na lang si Heaven. Nagbakasakali lang naman siya kung makakalusot ang sinabi niya sa lalaki.
Bukod pa do'n ay hindi rin magagawa kaagad ni Heaven ang sinasabi ng lalaki na tawagin ang dalawa sa pangalan nila dahil mahirap maging casual sa mga taong kakakilala niya palang.
"I'll try... susubukan ko na huwag maging pormal sa inyo." sabi ni Heaven at napansin naman niyang nilapag ng katulong ang almusal niya sa mesa na kaharap niya sa sala. "Oh siya, mauna na ako sa'yo kumain kasi kailangan ko pang umalis."
Tumango lang si Lorenzo bago nagbow kay Heaven saka siya nito tinalikuran at saka iniwan sa sala.
Mabilis lang namang kinain ni Heaven ang almusal na hinain sa harapan niya. Isang Italian breakfast; Frittata at Iced Latte.
Hindi kasi mahilig sa kape si Heaven pero nagustuhan niya ang Iced Latte na hinain sa kanya. Bukod pa do'n ay nagustuhan din ni Heaven ang Frittata.
Pagkatapos kumain ni Heaven ay agad naman siyang sumenyas sa katulong. Ngumiti lang siya rito bago siya nagpasiyang tumayo at lumabas ng mansyon.
Sakto naman paglabas ni Heaven ng mansyon ay naghihintay na rin sa kanya ang driver na inutusan ni Lorenzo para ipagmaneho siya.
Kaya naman ng makapasok sa mall si Heaven ay agad siyang dumiretso sa mga clothing shop.
Ang tagal na panahon na rin kasi simula ng mabilhan ni Heaven ng bagong damit at gamit anf kapatid niya.
Nang makita ni Heaven ang magagandang damit na babagay sa kapatid niyang si Cloud ay agad niyang kinuha ang mga ito saka dinala sa cashier.
"Miss, kukunin ko lahat ng 'to." sabi ni Heaven at saka naglabas ng pera para bayaran ang kinuha niyang damit.
Kasa-kasama rin naman ni Heaven ang driver na ipinagmamaneho siya kaya ito ang kasalukuyang nagbibitbit ng mga pinapamili niya.
Sunod namang pinuntahan ni Heaven ang shoe store at namili rin ng bag at bagong phone si Heaven para sa kapatid niya.
At nang mabili na lahat ni Heaven ang mga bagay na gusto niyang ibigay sa kapatid niya ay mabilis namang bumalik sila Heaven sa parking lot.
Sinabi lang ng babae ang address ng New Life Orphanage bago nagmaneho ang driver na kasama ni Heaven.
Maya-maya pa ay nakarating na sila sa orphanage at nang makaparada ang driver ay agad namang bumaba si Heaven ng sasakyan.
Sinundan lang si Heaven ng driver papasok sa loob ng orphanage at nang makapasok sila sa loob ay agad namang sinalubong si Heaven ng Orphanage Director na si Ms. Patricia.
"Ms. Heaven, kumusta! Ang tagal n'yo na hindi nakakabisita ah?" nakangiting salubong kay Heaven ng Orphanage Director.
Ngumiti naman ang dalaga ng salubungin siya ni Ms. Patricia. Tunanguan lang din ni Heaven ang driver na kasama niya para ilapag sa isang tabi ang mga pinamili niya.
"Ms. Patricia... pasensya na kung natagalan ako sa pagbisita. Nandito pala ako para ibigay ang mga pinamili ko kay Cloud. Gusto ko rin kayo kausapin kasi baka kapag naayos na ang inaasikaso ko ay kukunin ko na rin ang kapatid ko. Hihintayin ko lang matapos siya sa highschool para do'n na siya sa poder ko. Magdo-donate rin pala ako sa orphanage." sabi ni Heaven.
"Naku, ganon ba? Sige, ipapatawag ko lang si Cloud. Hintayin mo na lang siya rito, maupo ka muna riyan." sabi naman ni Ms. Patricia kay Heaven.
Nang umalis si Ms. Patricia ay agad namang umupo si Heaven sa sofa. Pagkaupo ng babae sa sofa ay agad namang kinuha ni Heaven ang phone niya.
Hindi namalayan ni Heaven na tanghali na pala ng mga sandaling iyon. At maya-maya pa ay dumating na rin si Cloud kung nasaan naghihintay si Heaven.
"Ate nandito ka!" masayang sabi ni Cloud saka tumakbong pumunta sa dalaga.
Napangiti naman si Heaven na sinalubong ang kapatid niya saka ito niyakap nang mahigpit.
"Pasensya ka na, Cloud. Natagalan ako sa pagbisita... masyado kasi akong naging busy eh. Don't worry, kapag libre ulit ako babalikan kita rito. At kapag nakapagtapos ka na sa highschool saka kita kukunin dito." sagot naman ni Heaven.
Napangiti naman ang kapatid ng dalaga sa sinabi niya. "Talaga ba ate?!" nakangiting sabi ni Cloud.
Tumango lang si Heaven bago sila naghiwalay ng yakap sa isa't-isa. Pagkatapos no'n ay saka naman pinakita ni Heaven ang mga pinamili niya para sa kanyang kapatid.
"Binili ko lahat ng 'yan para sa'yo. Sana magustuhan mo, Cloud." nakangiting sabi ni Heaven.
Mabilis naman kinuha ni Cloud ang bawat paper bag na may laman ng mga pinamili ni Heaven kay Cloud.
"Wow ate! Ang gaganda naman nito? Binilhan mo pa talaga ako ng bagong phone? Salamat ate, sobrang saya ko ngayon!" masayang sabi ni Cloud.
Habang nakatitig si Heaven sa kapatid niya ay hindi niya mapigilang sumaya. Matagal na panahon na rin kasi simula ng makita ni Heaven na ganito kasaya ang kapatid niya.
Hindi kasi magawa bumisita noon ni Heaven sa orphanage palagi dahil abala siya sa trabaho niya. Bukod pa do'n ay hindi sumasapat ang kinikita ni Heaven sa trabaho niya kahit pa siya ang pinakamagaling na empleyado sa parlor nila.
Buwan-buwan kasi magbigay si Heaven ng pera sa orphanage para sa pangkain at sa mga pangangailangan ni Cloud sa school nito.
"Masaya akong makita na masaya ka, Cloud. Bukod sa mga 'yan, bibigyan din kita ng bank account sa pangalan mo para may sarili ka ng hawak na allowance. Hintayin mo lang at pagnakatapos ka na sa highschool ay sa poder na kita titira. Kakalipat ko lang kasi ng trabaho at sinwerte lang ako na malaki ang sahod ko." nakangiting sabi ni Heaven.
Kinailangan niya kasing magsinungaling sa kapatid niya dahil alam ni Heaven na mabibigla ito kapag nalaman ng kapatid niya na hindi na siya nagtatrabaho, dahil aasawahin na siya ng isang mayaman na Mafia Boss.
"Sige ate, hihintayin ko 'yang sinasabi mo." nakangising sabi ni Cloud habang abala sa pagsusukat ng mga damit na binigay ni Heaven sa kanya.
Pagkatapos no'n ay nagpaalam lang si Heaven na ilalabas niya saglit si Cloud, pero bago sila makalabas ay kinausap muna ni Heaven si Ms. Patricia at saka inabot ang suitcase sa director.
"Ms. Patricia, iyan ang donation ko sa orphanage. Mula sa araw na ito ay kay Cloud ko na iaabot ang pera na kailangan niya sa pag-aaral niya. Kayo na lang ang bahala sa araw-araw na pangkain niya. Sisiguraduhin ko pa rin na buwanan ako magdo-donate sa inyo kaya sana sapat na iyan para sa ngayong buwan." seryosong sabi ni Heaven.
"Naku, hindi n'yo naman kailangan gawin 'to pero maraming salamat ma'am. Pwede na kayo lumabas ni Cloud, basta ibabalik mo lang siya bago ang curfew ng orphanage." seryosong sabi naman ng director.
Tumango lang si Heaven bago nagpasiyang bumalik kay Cloud. Lumabas lang silang magkapatid sa orphanage at sinakay lang ni Heaven ang kapatid niya sa loob ng sasakyan.
Binyahe sila ng driver ni Heaven sa pinakamalapit na restaurant sa orphanage. At dahil mukhang mamahalin do'n ay hindi maiwasan ni Cloud ang luminga-linga sa paligid.
"Wow naman, ate. Kaya mo bang bayaran kapag dito tayo kumain?" nakangiting tanong ni Cloud.
Hinawakan lang ni Heaven ang ulo ng kapatid niya saka marahang ginulo ang buhok ng binata.
"Oo naman, kaya sulitin mo na ang pagkain natin dito." nakangiting sagot naman ni Heaven.
Kaya naman pagkatapos no'n ay do'n na sila kumain sa restaurant. Masaya namang kumain ang magkapatid habang nag-uusap sila sa mga bagay-bagay.
Iyon ang pinakanami-miss ni Heaven. Ilang taon na rin kasi na magkahiwalay silang magkapatid. Hindi malaman ni Heaven kung anong gagawin para makuha ang kapatid niya sa orphanage.
Wala kasing magawa si Heaven no'ng namatay ang mga magulang nila. At dahil napakabata pa niya no'n ay walang ibang nagawa si Heaven kundi ang iwan ang kapatid niya sa orphanage.
Highschool lang ang nagawang tapusin ni Heaven at dahil do'n kaya naging female courtesan lang siya. Wala kasing ibang mahanap na trabaho si Heaven na magagawang bumuhay sa kanilang magkapatid.
Kaya kahit na buong sarili at kaluluwa na ni Heaven ang kailangan niyang i-alay sa trabaho niya ay binigay niya.
Ayaw kasi ni Heaven na mamatay silang magkapatid sa gutom kaya nagpursigi si Heaven na kunin ang loob ng mga customers niya.
Mabuti na lamang at mabuti rin sa kanya ang naging boss niya kaya ilang taon lang na nagtrabaho si Heaven sa Moonlit Jewel Club at naging mataas ang ranggo niya sa parlor.
Naiilang pa rin si Heaven na bigla na lang siyang binili ni Primo para maging asawa pero hindi naman nakikita ni Heaven na mahirap ang gagawin niya.
Wala naman kasing pinagkaiba ang pagbili ng lalaki sa kanya at ang paninilbihan niya sa parlor dahil sa ngayon ay kay Primo na lang magsisilbi si Heaven.
Kaya nga lang ay nahihirapan si Heaven na may mga taong sumusunod sa kanya para pagsilbihan siya dahil sa taong mapapangasawa niya.
Hindi pa rin mapigilan ng babae na mag-alinlangan dahil naiisip ni Heaven na baka sa isang iglap ay magbago ang isip ni Primo at bigla na lang siyang iwan.
Iyon naman kasi ang ayaw ni Heaven na mangyari. Natatakot siyang kapag wala na siyang makakapitan ay wala na rin siyang mababalikan.
Kaya kailangan ni Heaven na gawin ang lahat para maging mabuting asawa kay Primo. Dahil naiisip naman ni Heaven na binibigay naman ni Primo ang lahat para sa kanya kaya hindi pa rin siya masyadong mapalagay sa lalaki.
Hinihiling lang ni Heaven na sana ay maging maayos ang pagsasama nila ni Primo at hindi rin mapahamak si Heaven dahil kay Primo.
Ayaw kasi ni Heaven na matulad sa mga magulang nila kaya ginagawa niya ang lahat para mapabuti ang buhay ng kapatid niya kahit nahihirapan siya.
---