CHAPTER 3

2038 Words
Chapter 3: Moving HEAVEN'S P.O.V Nang matapos naming mag-usap ni Natalie ay saka naman ako natapos sa pag-iimpake ko. Pagkabaling ko sa kanya ay nakita ko namang seryoso pa ring nakatingin sa akin si Natalie. "Si Cloud ba, hindi mo ba tatawagan? Hindi mo man lang ba ipapaalam sa kapatid mo na aalis ka na sa trabaho mo?" tanong ni Natalie sa akin. Agad akong natigilan sa sinabi niya. Naalala ko na kailangan ko nga pala sabihan ang kapatid ko, para malaman niyang aalis na ako sa trabaho ko. "Hindi na siguro, Nat." "Huh? Bakit naman hindi? Paano kapag nagtanong sa'yo ang kapatid mo kapag nalaman niya?" "Hindi naman alam ng kapatid ko na ganitong klaseng trabaho ang pinapasikan ko sa lugar na 'to. Sinabi ko lang sa kanya na waitress ang trabaho ko para hindi siya magalit sa akin." paliwanag ko. Napakibit-balikat naman si Natalie. At bago pa ako makapagsalita ulit ay pareho kaming napalingon ni Natalie sa pinto ng kwarto namin. "Miss, we have to go now. Our boss is waiting for you to come." Agad namang napatingin sa akin si Natalie kaya naman tumango lang ako sa kanya. "Andyan na pala ang sundo ko. Oh siya, mauna na ako sa inyo, Nat. Tatawagan na lang kita kapag nagkataon ako ulit na makalabas sa bagong lugar na lilipatan ko. Babalitaan kaagad kita." sabi ko naman sa kanya. "Sige, mag-iingat ka. Balitaan mo na lang ako kapag nagka-free time ka, girl." sabi lang ni Nat sa akin. Binaba ko lang ang maleta ko sa sahig saka ko naglakad palapit sa pinto ng kwarto. Pagkalabas ko ng silid ay agad namang bumungad sa akin ang dalawang tauhan ni Mr. Armani na mga men-in-black. Kinuha lang sa akin ng isang tauhan ni Mr. Armani ang maleta ko bago ako sinundan pababa sa first floor. Nang makababa kami ng tuluyan ay nakita ko naman sa pintuan ng parlor si Ms. Maxine at si Mr. Armani na nag-uusap. "Finally, she's done!" Ms. Maxine said. Agad ko namang napansin ang mga mata nilang nagawi sa direksyon ko. Nakita ko rin na seryoso lang akong tinapunan ng tingin ng lalaki bago ito tumingin ulit kay Ms. Maxine. "Thank you for the deal. I will make sure to send you another donation from me." Mr. Armani said to Ms. Maxine. "Oh my gosh, thank you so much, sir! You need to figure out how much help you gave us! I wish you both well in your marriage." Ms. Maxine said happily. Kahit na hindi ko mapaniwalaan ang pinag-uusapan nilang dalawa ay nanatili lang akong tahimik habang nakatayo sa harapan nila. "You don't have to worry. I'll give you this much assistance for helping me. If not for you, I wouldn't have a chance to fulfill my grandfather's wish." Mr. Armani explained. Ngayon ko lang na-realize na kaya siguro pinilit ni Mr. Armani ang boss ko na ibenta ako, sa kadahilanang kailangan niya lang ako para tuparin ang hiling ng lolo nito sa kanya. "It's not that much, sir. I'm glad that I could be of help to you, and I hope you and Heaven get along with each other. I'm just gonna bid my goodbyes to Heaven." Ms. Maxine responded. Tumango lang si Mr. Armani bago ko napansin na lumapit sa akin ang boss ko. Hinawakan lang ako ni Ms. Maxine sa braso ko bago ako hinila sa hindi kalayuan sa pwesto nila Mr. Armani. "Heaven, salamat talaga sa pagpayag mo! Hindi lang ako ang matutulungan mo dahil pati ang salon ay natulungan mo rin dahil sa pagsasakripisyo mo. Mukhang mabait naman si Mr. Armani, huwag mo lang talaga gagawin ang mga ayaw niya para hindi ka mahirapan na pakisamahan siya. Ise-send ko na lang sa bank account mo 'yong kalahati ng pera na ibinayad niya sa akin, plus 'yong last na sahod mo sa akin." nakangiting sabi naman ni Ms. Maxine sa akin. Napatitig pa ako sa kanya ng ilang saglit bago ako napabuntong-hininga. "Ano pa nga bang magagawa ko? Nandito na tayo, alangan namang magreklamo pa ako. Basta siguraduhin n'yo lang na hindi n'yo na gagawin sa iba ang ginawa n'yo sa akin ah?" seryosong sabi ko kay Ms. Maxine. Tumango naman siya sa akin. "Pangako, Heaven. Pasensya ka na talaga... oh siya, umalis ka na at baka kanina pa naiinip si Mr. Armani." Nagyakap pa kami ni Ms. Maxine bago niya ako marahang tinapik sa likuran. At pagkatapos no'n ay bumalik na ako kila Mr. Armani. Tinanguan lang ni Mr. Armani si Ms. Maxine, habang yumuko naman si Ms. Maxine para mag-bow kay Mr. Armani, bago kami tuluyang lumabas ng parlor. Nang makarating kami sa labas ng bar ay agad naman kaming pinagbuksan ng pinto ng mga tauhan ni Mr. Armani para makasakay sa kotse. Napansin ko rin na isang Mercedes Benz na SUV ang kotseng sinakyan namin. Kasama rin namin sa kotse ang dalawang tauhan ni Mr. Armani. Sa palagay ko kasi ay nasa isang kotse ang iba pa niyang mga tauhan dahil marami-rami din sila kanina no'ng nasa parlor kami. Nang makasakay na kami sa kotse nang tuluyan ay agad namang pinaandar ito ng tauhan ni Mr. Armani. Bahagya pang nagdikit ang mga braso namin ni Mr. Armani pero nanatili lang ang tingin niya sa kanyang phone na kasalukuyan nitong tinitingnan. At dahil medyo malapit kami sa isa't-isa ay saka ko lang naalala na minsan ko na ring naamoy ang pabango niya na nanuot sa ilong ko. Naisip ko na siguro ay Versace Eros ang gamit ni Mr. Armani na pabango. Isa sa mga pabango na paborito ko ang amoy dahil naalala ko ang amoy no'n sa isang customer ko na nakasama ko no'n. Siguro kaya sinasabi sa akin ni Natalie kanina na si Mr. Armani ang customer na isa sa naging paborito ko ngunit 'di ko maalala ay dahil din sa pabango nito. Hindi ko namalayan na dahil na-enjoy ko ang amoy ng pabango ni Mr. Armani ay nakatulog na ako sa tabi niya. Sunod na namalayan kong nangyari ay nagising ako ng maramdaman kong marahan akong inalog ng katabi ko. Agad akong napaupo ng tuwid ng mapansin kong nakasandal na pala ako sa balikat ni Mr. Armani. At nang tingalain ko ang mukha nito ay nakita ko ang seryosong mukha nito na nakatingin sa akin. Nakita ko rin ang Adam's apple nito na baba-taas at ang makapal nitong kilay na magkasalubong. "Are you awake now, Signora? We've arrived already." he told me seriously. Napalunok ako nang ilang beses bago ako tumango sa kanya. Pagkatapos no'n ay kinatok niya ang pinto sa gilid niya at agad namang binuksan iyon ng tauhan niya. Kaya nang tumingin ako sa gilid ko ay nakabukas na rin ang pintuan sa side ko. Nang makababa kami pareho ni Mr. Armani ay naunan itong pumasok sa gate ng mansyon. Sumunod lang ako kung saang direksyon siya nagpunta dahil alam kong do'n din naman ang punta ko. Habang naglalakad kami papasok sa mansyon ay halos malula na ako sa kakatingala. Paano ba naman kasi? Napakalaki ng bahay ni Mr. Armani, sobra pa sa inaakala ko. Kaya hindi na ako magtataka kung paano niya ako nagawang bilhin. Hindi naman nagtagal ay nakapasok na kami sa loob ng mansyon at mas napanganga ako nang sobra, dahil nakita ko kung gaano kalinis at sobrang liwanag sa loob ng mansyon niya. Pakiramdam ko ay napakasarap tumira sa mansyon na 'to dahil araw-araw, puro kinang ang makikita ko sa paligid. "So, did you like the view?" Agad akong napabaling kay Mr. Armani ng marinig kong magsalita siya ng hindi ko namamalayan na huminto pala siya sa gilid ko. "Oo, sir. Ang ganda pala ng mansyon mo." hindi ko napigilang i-komento. Narinig ko namang mahina siyang natawa sa sinabi ko. Kaya naman napanganga at bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang reaksyon niya. Napakagwapo kasi nito nung makita ko itong ngumiti dahil sa pagtawa nito. Hindi ko maikakaila na bahagyang tumigil ang t***k ng puso ko dahil sa pagkabigla. "I'm glad to hear that because you will live with me now. After we get married, you're going to be the madam of this mansion." he explained. Napalunok ako nang ilang beses dahil nabigla ako sa sinabi niya. Alam ko naman na binili niya ako sa ganung dahilan pero hindi pa rin ako makapaniwalang seryoso talaga siya. "Sir, talaga bang seryoso na kayo diyan? Hindi ba magbabago ang isip n'yo? Kasi sa totoo lang alam ko naman na madali lang magpakasal sa inyo kasi kaya n'yo rin makipag-divorce anu mang oras n'yo gustuhin, pero iba ako. Hangga't maaari ay gusto ko maikasal sa taong mahal ko at tatanggapin ako. Iyong handa akong makasama hanggang sa pagtanda ko. Kaya baka naman mamaya ay nabibigla lang kayo. Pwede naman kasi ako magtrabaho sa inyo kung hindi n'yo naman talaga kailangan ng asawa eh." seryosong paliwanag ko kay Mr. Armani. Nakita ko namang sumeryoso ang mukha niya ng tumingin sa akin at in-examine pa ang reaksyon ko bago siya napabuntong-hininga. "I did all of this because I'm desperate to get married. It just so happens that I am interested in you, so I chose you. If I wanted a maid, I could hire one anytime. But I needed a wife right now, so I tried my best to explain everything to you. You don't have the right to tell me what I should do. I'll let you sign a contract with me if you're still unsure if you can marry me. But I promise you one thing: you will no longer have to do any work to get paid because I can give you anything you want. Let me know how much money you need monthly so I can get you your bank account with money in it. All I ask is to do your wife's duty; that's all and nothing else. Just behave yourself like a wife should. And always tell me what you'll do beforehand because I want you to enjoy your life outside too. Just don't forget to inform me every time. Is that enough explanation now?" he told me, looking annoyed. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Alam ko naman kasing seryoso siya. Sadyang hindi lang ako handa sa gusto niyang ipagawa. "Okay, sir. Naiintindihan ko na." mahinahong sagot ko sa kanya. "Great then! So, let me introduce you to my butler and secretary." he told me, and then a man-in-black approached us. "This is Lorenzo Moretti. He's my butler and my secretary. I assigned that role to him because he's my right-hand man. He's the person I trust the most, so I was hoping you could place your trust in him, too. If you need anything else, just let him know. He will assign a new room for you in this mansion. In the meantime, let's have a separate room because I have to expand our space after we get married. We will get married as soon as possible next week because I don't want to waste my time. I'll tell you when everything's ready. So it would be best if you rested for now." he added. Pagkatapos ipakilala sa akin ni Mr. Armani si Lorenzo ay agad namang nag-bow sa akin ang lalaki. "It's my pleasure to meet you, madam. Just follow me, and I'll bring you to your new room." Lorenzo told me. Ngumiti lang ako bago tumango. Bago pa man kami makaalis ni Lorenzo ay nagulat ako ng maramdaman kong hawakan ni Mr. Armani ang braso ko. "Before I forget, I need you to call me by my name. I don't want my fiance to treat me formally; I know you're thinking this is a business for me, but I'm sorry to tell you that this isn't a business matter. We'll sleep in the same bed, and I want you to get used to treating me casually or like your real husband." Mr. Armani informed me. Wala naman akong nagawa kundi ang tumango na lang. Dahil kahit ano man ang aking gawin ay kailangan ko pa rin masanay na itrato siya ng normal. Pagkatapos niya sabihin iyon ay agad naman kaming nagpatuloy ni Lorenzo sa paglalakad. May sariling elevator kasi ang mansyon ni Mr. Armani kaya do'n napili ni Lorenzo na sumakay kami. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD