Napayuko naman ako habang umiiyak. Hindi ko matignan si Kuya Caleb dahil alam ko na galit siya pero natatakot talaga ako at wala rito sila ate Laura kaya wala akong malapitan. “Ngayon ka lang nagkaroon ng ganyan?” Naiinis na tanong niya at dahan dahan akong tumango at pinunasan ang mga luha ko.
“Yaya!” Narinig ko na tawag niya nila ate Laura at hinila ko ang shirt niya para maagaw ang atensyon niya. Sa sobrang taas niya, hindi ako umaabot sa dibdib niya. Galit niya akong tinignan at sumulat ako sa notepad ko.
(May binili sila) Pinakita ko ito sa kanya at napahawak siya sa buhok niya.
“Bwesit naman na buhay to,” Galit niyang sabi at napayuko ako sa takot. Nakaramdam ulit ko ng pag agos ng dugo ko sa ari ko kaya napahawak ako sa kamay ni Kuya Caleb habang umiiyak. Napa buntong hininga naman ito. “Listen, ang nararamdaman mo ngayon ay normal lang sa pagka babae kaya huwag ka nang umiyak.” Naiinis na sabi niya at inalis ang kamay ko. Hinawakan ko ulit ang kamay niya.
“Naiintindihan mo ba ako? Normal lang ang dugo, may regla ka kaya tumigil kana.” Galit na sabi niya. Napahikbi na lang ako. “Namumuhay ako rito ng mapayapa, bwesit na bata.” Mahinang sabi niya at bumalik sa kwarto niya. Lumabas siya ulit pero nakasuot na ng jacket.
“Diyan ka lang,” Naiinis na sabi niya at umalis na ng tuluyan. Napaupo ako sa sahig at sumandig sa pader habang yakap ang mga tuhod ko. Hindi ako komportable sa dugo na umaagos sa ari ko. Iniwan ako ni Kuya Caleb na mag isa rito at kailangan kong hintayin sila ate Laura kasi wala akong alam rito.
Maya maya ay nakarinig ako ng mga yapak papunta rito at napatingin ako kay Kuya Caleb na may suot na sombrero at may dalang paper bag. Naiinis ito at namumula ang tenga. Napatingin siya sa akin at tinapon ang paper bag sa paa ko. “Oh, suotin mo yan.” Naiinis na sabi niya.
Kinuha ko ang paper bag at binuksan ito at nakita ko ang isang pack ng cotton na parang nakita ko na noon sa mga ate ko sa orphanage. Kinuha ko ang notepad ko at nagsulat.
(Hindi ko alam paano gamitin, Kuya) I tug his shirt at narinig ko na napaungol ito sa inis. Pinakita ko sa kanya ang notepad ko at napahawak siya sa buhok niya. Naiinis niyang kinuha ang mga pads at kumuha ng isa sa pack. Napahinto naman siya sa ginagawa niya.
“You know what? Screw you, hintayin mo na lang ang mga kasambahay. Huwag mo na akong kulitin. Naiintindihan mo? Sobra na ang pagpapahiya na ginawa mo sakin, alam mo bang hindi madaling bumili ng mga bwesit na yan?” Galit na sabi niya at tinapon ang pads sa sahig at malakas na sinara ang pinto. Napayuko naman ako at kinuha ang mga ito. Pumunta ako sa kwarto ko at kumuha ng bagong damit at underwear.
Pumunta ako sa banyo at hinugasan ang dugo na nasa ari ko, nanginginig ang kamay ko habang ginagawa ito. Normal lang ba talaga to? Bakit nakakatakot tignan ang dugo?
Kinuha ko ang isang pad at pinagmasdan ito, saan ko ito ilalagay? Sa panty ko ba? Sinuot ko ang panty ko at nilagay ang pad sa gitna. Napa buntong hininga naman ako at sinuot ang shorts ko. Pumunta ako sa kama at humiga. Kailangan ko pa ring magpasalamat kay Kuya Caleb dahil sa tulong niya.
Matapos ang ilang minuto, bumaba ako para tingnan kung nakauwi na ba sila ate Laura dahil masakit ang tiyan ko. Kailangan ko ng advice nila. Nang makarating na ako sa baba, nakita ko sila na naglilinis sa silid. Sumulat ako sa notepad ko.
(Ate Laura, may regla ako, pwede niyo po ba akong tulungan?) Lumapit ako sa kanila at pinakita ang sulat ko.
“First time mo may regla?” Tanong ni ate Laura at tumango ako.
“May napkin ako sa kwarto, kukunin ko.” Sabi niya at pumasok sa kwarto. Bumalik siya dala ang isang pamilyar na bagay. Katulad ito ng binili ni Kuya Caleb sakin.
(Binilhan na ako ni Kuya Caleb. Masakit ang tiyan ko) Pinakita ko sa kanila ang sinulat ko. Nagulat naman silang dalawa.
“Binilhan ka ni Senyorito Caleb?” Gulat na tanong ni ate Hazel at tumango naman ako. “Wow, first time.” Sabi ni ate Hazel.
“Hihingi tayo ng painkillers kay Senyorito Adonis mamaya makauwi siya. Mawawala rin ang sakit ng puson mo, normal lang yan.” Sabi ni Ate Laura at tumango ako at umupo sa sofa habang hawak ang tiyan ko.
Nakarinig ako ng busina ng kotse sa labas at maya maya, nakita kong pumasok si Papa. Napatingin siya sa akin at lumapit. “Violet, okay kalang?” Nag aalala na tanong niya.
“Senyorito, first time po nagkaroon si Violet ng regla at masakit ang tiyan niya. Pwede po makahingi ng painkillers?” Tanong ni ate Laura.
“Nasa cabinet sa kusina,” Sabi ni Papa at hinaplos ang ulo ko. “Dalaga na pala ang anak ko, huwag kang mag alala, ipapabili kita ng mga gamit para dyan.” Sabi ni Papa at napangiti naman ako at niyakap siya. Sobrang swerte ko talaga kay Papa, the best talaga siya.
“Violet, pagkatapos mong kumain mamaya, uminom ka ng gamot na ito.” Sabi ni Papa at binigay sa akin ang pack ng gamot, tumango naman ako habang nakayakap lang sa kanya.
Ilang oras ang lumipas, umalis muna ulit si Papa dahil may aasikasuhin siya sa business. Nakita ko na pumasok ang tatlo kong kuya galing sa paaralan. They smiled at me at agad akong intake ng yakap. Natawa naman ako.
“Awwwe, may regla ang princess namin. Here sis, makakatulong ito.” Sabi ni Kuya Francisco at binigay sa akin ang maraming pack ng chocolates. Napangiti Naman Ako at niyakap sila ulit.
“Violet, huwag kang parating kumilos, okay? You can watch the TV as long as you want.” Sabi ni Kuya Leonardo, tumango naman ako.
“By the way Violet, bibisita rito next week ang dalawang kapatid namin, si Kuya Abraham at Kuya Malthus. Medyo strict ang dalawang yun dahil matatanda na,” Natatawa na sabi ni Kuya Francisco. Tumango naman ako, kagaya rin ba ang ugali nila kay Kuya Caleb? Sana naman hindi.
“Guys I need to poop,” Sabi ni Kuya Fernando at inirapan lang Siya nila Kuya Francisco dahilan ng pagtawa ko.
“Si Kuya Abraham at Kuya Malthus ay mas matanda pa sa amin. Pero the oldest of the siblings is Kuya Caleb. May asawa na si Kuya Malthus and his wife is a witch kaya huwag mong pansinin ang asawa niya.” Sabi ni Kuya Leonardo. I nodded my head.
“Huwag mo namang takutin ang kapatid natin. Gusto mo bang manood ng palabas Violet?” Tanong ni Kuya Francisco. Napakagat labi naman ako, baka kasi magalit na naman si Kuya Caleb kaya umiling nalang ako. “Okay, basta sabihin mo lang kung anong kailangan mo, okay?’ Sabi ni Kuya Francisco and I smiled at him at tumango.
****
“Hey, prepare me some food at dalhin mo sa kwarto ko.” Narinig kong sabi ni Kuya Caleb. Agad akong tumango at pumunta sa kusina. Kami lang ngayon rito nila ate Laura sa bahay. Kumuha ako ng mga pagkain at nilagay sa tray. Naglagay rin ako ng juice at dahan dahan akong pumunta sa taas. Medyo nakabukas ang pinto niya pero kumatok pa rin ako.
Walang sumagot kaya dahan dahan kong binuksan ang pinto sa paa ko at nilagay ang tray sa mesa ni Kuya Caleb. Baka nandoon siya sa studio ngayon. Aalis na sana ako pero nagulat ako nang bumukas ang pinto ng banyo niya at nakita ko si Kuya Caleb na walang damit pang itaas at naka tuwalya lang. Napaatras naman ako dahil sa nakita ko at nabangga ang likod sa mesa dahilan ng pagkalaglag ng baso at nabasag ito sa sahig.
Napaiyak ako nang matapakan ko ang basag na baso. Agad napatakbo si Kuya patungo sa akin. “Tangina naman, bakit hindi ka nag iingat?!” Galit na tanong niya at binuhat ako. Nakasubsob ako sa matigas at basa niyang dibdib habang umiiyak.