Episode 3: Awkward

1531 Words
Binitawan ni Kuya Caleb ang braso ko nang makarating na kami sa kwarto niya. Sinara niya ang pinto at tinignan ako ng masama. Napayuko naman ako at napatingin sa mga paa ko. Puro kalat ang nasa loob ng kwarto niya. Maraming mga paint sa sahig at may mga wrappers at mga magazines na nagkalat. “Linisin mo lahat iyan,” malamig na sabi niya at pinunasan ko ang mga luha ko at tumango. Nagsimula na akong naglinis at kinuha ang mga basura na nagkalat sa sahig. Nakita ko si Kuya Caleb na humihiga sa kama habang nakapikit ang kanyang mga mata. Napaikot ang tingin ko malaking kwarto niya. Madilim ang kwarto niya at may mga painting na nakasabit sa pader. Itim ang kulay ng kanyang mga kurtina at kanyang bedsheets. Para akong nasa isang kwarto ng bampira. Nagpatuloy ako sa paglilinis at maingat akong naglinis baka magising si Kuya Caleb. Nang matapos na akong naglinis, napatingin ako kay Kuya Caleb. Sobrang gwapo niya at sigurado ako na ganito ang mukha ni Papa Adonis noong bata pa siya. Sa tingin ko nasa 27 plus na ang edad ni Kuya Caleb. Nagulat ako nang magising si Kuya Caleb at agad akong napayuko. “Tapos kana?” Malamig na tanong niya at dahan dahan akong tumango. Tinignan niya ang kwarto at bumalik ang tingin niya sa akin. “Umalis kana, at huwag na huwag kang magsusumbong sa ama ko.” Sabi niya at tumango ako at agad na lumabas at sinara ang pinto ng kwarto niya. Pumunta ako sa baba at nakarinig ako ng busina ng kotse sa labas at pumasok sina Kuya Leonardo, Francisco at Fernando na baka backpack. They smiled at me. “Hi, little sis! May pasalubong kami sayo.” Masayang sabi ni Kuya Francisco. Binigay niya sa akin ang isang box at masaya ko itong binuksan at nakita ko ang mga bilog na may mga kulay. “Donuts iyan, nakatikim kana ng donuts?” Tanong ni Kuya Fernando. I shook my head at kumuha siya ng isa at binigay sa akin. “Well then, this will be your first time. Tikman mo,” Sabi ni Kuya Fernando at tumango ako at tinikman ang donut at napa ungol ako sa sarap. Sobrang sarap nito! Narinig kong napatawa si Kuya Leonardo and shook his head. “Magbibihis muna ako,” Sabi ni Kuya Leonardo, and I nodded my head at umupo sa tabi ko sila Kuya. “Maglaro tayo, how about we ask questions about each other?” Tanong ni Kuya Fernando, at napangiti naman ako and I nodded my head at kinuha ang notepad ko. Excited ako sa larong ito, gusto ko rin kasi makilala ang mga kuya ko ng lubusan. “You can ask anything you want, sis.” Sabi ni Kuya Francisco. Sumulat ako sa notepad ko at pinakita sa kanila. (Age) Pinakita ko ito sa kanila. “I’m 19 years old,” Sabi ni Kuya Francisco. “And I’m 18,” Sabi ni Kuya Fernando. Napangiti naman ako at tumango. Sobrang gwapo ng mga Kuya ko. Si Kuya Fernando ay may kulay brown na buhok at green ang kulay ng kanyang mga mata. Mataas ang height nila at si Kuya Francisco naman ay may black curly hair at kayumanggi ang kulay ng kanyang mga mata. Siguro maraming nagkakagusto sa kanila doon sa paaralan nila. “How about you Violet? Ilang taon kana?” Tanong ni Kuya Francisco. (15) sinulat ko ito at pinakita sa kanila. They nodded their heads. (Ilang taon si Kuya Caleb?) Pinakita ko ito sa kanila. “Matanda na yun Violet,” Natatawa na sabi ni Kuya Fernando. “He’s 28 years old pero hindi siya umaalis sa bahay na ito, my father decided to give this house to him, and eventually, kapag nasa saktong edad na kami, kami ang aalis.” Sabi ni Kuya Fernando. Tumango naman ako, kay Kuya Caleb na pala itong bahay. (Anong pangalan ng babae niyong Kapatid?) Sinulat ko ito at pinakita sa kanila. Nagkatinginan naman ang dalawa and they looked at me with their sad eyes. Napayuko naman ako. Bakit ko ba kasi natanong ito? “Emory ang pangalan ng kapatid namin, she died because of a car accident at si Kuya Caleb ang nag drive sa panahon yun at siya lang ang nakaligtas kaya hanggang ngayon, the guilt is eating him up. Kaya Violet, don’t ever mention Emory in front of him.” Sabi ni Kuya Francisco at agad akong tumango. Nag change topic sila Kuya at nagpatuloy kami sa aming pagtatanong. Kasalukuyan kaming nagtatawanan at natahimik kami nang bumaba si Kuya Caleb habang masamang nakatingin sa amin. “Wala ba kayong ibang magawa kundi ang mag ingay sa bahay?” Galit na tanong nito. “Kuya naman, pinapasaya lang namin si Violet.” Sabi ni Kuya Fernando at napayuko naman ako habang iniiwasan ang tingin kay Kuya Caleb. “Doon kayo maglaro sa labas para hindi maingay sa loob,” He said coldly at agad na umalis. Napabuntong hininga naman sina Kuya. “Araw araw may regla si Kuya,” Sabi ni Kuya Francisco at natawa naman si Kuya Fernando. Bumukas ang pinto at bumugad ang mukha ni Papa Adonis. Agad akong tumayo at tumakbo patungo sa kanya at niyakap siya. I heard him laugh at hinaplos ang buhok ko. “Well, I miss you too, Violet.” Sabi ni Papa Adonis at napangiti naman ako. “Dad, Wala ba kaming hug?” Tanong ni Kuya Fernando at natawa naman si Papa. “Ayaw ko maghug ng matatanda.” Sabi ni Papa and they faked their gasp dahilan ng pagngiti ko. “What? Are you serious, Dad? Fresh na fresh pa kaya ang mga mukha namin.” Sabi ni Kuya Fernando and Papa rolled his eyes at tinawanan lang sila. Inirapan lang kami nila Kuya at sabay na pumunta sa taas. “Ang mga batang yun,” Natatawa na sabi ni Papa at tumingin sa akin. “Nakahanap na ako ng Doktor para sayo, Violet. Pupunta siya bukas para e check ka. Pag usapan natin soon ang tungkol sa pag aaral mo.” Sabi ni Papa at tumango naman ako habang nakangiti. Sumulat ako ng “Thank you” sa notepad ko at pinakita sa kanya. “You’re welcome, Violet.” Sabi niya. ***** Ito ang araw na pupunta ang Doktor dito sa bahay. Excited na ako dahil gusto ko na talagang makapagsalita ulit. Sinamahan ako ni Papa at hinintay namin ang Doktor. Nagpaalam narin sila Kuya dahil pupunta na sila sa paaralan. Nang makaratinga ang Doktor kinabahan naman ako. Binati ni Papa ang babaeng Doktor na nasa harap ko ngayon at nag usap sila at lumapit ang Doktor sa akin and checked my blood at heart rate. Tinanong rin ng Doktor ang edad ko at si Papa na ang sumagot. “Magbibigay ako ng medicines para sa ma improve ang speech niya at tsaka avoid her from experiencing her traumatic experience na dahilan ng mutism niya. Expose her sa masasayang environment. I will check on her every 2 months to see if there is an improvement. ” Sabi ng Doktor at tumango naman si Papa at nagpasalamat sa Doktor. Nang makaalis na ang Doktor at hinaplos ni Papa ang ulo ko. “Don’t worry Violet, you will be able to talk in the meantime. Okay?” Sabi ni Papa at napangiti naman ako at tumango. “I will buy these medicines, dito ka muna okay? Babalik kaagad ako.” Sabi ni Papa at tumango naman ako at umalis na siya. Pumunta ako nila ate Laura at umupo sa harap nila habang nagluluto sila. “Violet, okay lang ba, iwan ka muna namin rito? Nakalimutan Kasi namin magbili ng groceries.” Sabi ni Ate Laura at tumango naman ako. “Basta dito ka lang, huwag kang pumunta sa taas baka mapagalitan ka na naman ni Senyorito Caleb.” Sabi ng isang kasambahay na si ate Hazel at tumango ulit ako. Umalis na sila ate Laura at naiwan akong mag isa sa kusina. Napatayo ako nang bigla kong naramdaman na may umaagos na parang tubig sa ari ko. Tumakbo ako patungo sa banyo at tinignan kung ano ito. Pinahid ko ang kamay ko sa aking panty at nagulat ako nang makita kong may dugo. Napahikbi naman ako dahil hindi ko alam kung bakit may dugo na umaagos sa ari ko. Natatakot ako. Dahan dahan akong pumunta sa taas dahil sa sobrang takot, nanginginig ang mga kamay ko. Pumunta ako sa kwarto ni Kuya Caleb at kumatok. Iyak lang ako ng iyak dahil takot ako sa dugo at hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. “ANO?” Narinig ko ang galit niyang boses sa loob ng kwarto. Takot ako kay Kuya pero mas natatakot ako sa dugo na nasa panty at kamay ko. Kumatok ulit ako at nagbukas ang pinto at nakita ko ang galit na mukha ni Kuya. Napa hikbi naman ako at pinakita sa kanya ang duguan kong kamay. “Anong nangyari sa kamay mo?” Tanong niya. Tumalikod ako at tinuro nag dugo na nasa pwet ko. Narinig ko na napa buntong hininga siya. “What the f**k,” Narinig ko na sabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD