Episode 5: Feelings

1170 Words
Dahan dahan akong pinaupo ni Kuya Caleb sa kama niya at pumunta ulit sa banyo. Pinunasan ko ang aking mga luha habang nakatingin sa duguan kong paa. Bumalik si Kuya na may dalang puting box at lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang paa ko. Ginamot niya ang paa ko at pinagmasdan ko ang maamong mukha niya na naka focus sa paa ko. May tubig na umaagos sa dibdib niya galing sa kanyang basang buhok. Ang kanyang mata ay kulay berde gaya ni Papa Adonis. Dark brown ang kulay ng buhok niya at umiigting ang kanyang panga. Hinigpitan ko ang hawak ng bedsheet, bakit lumalakas ang kabog ng puso ko? Dahil ba ito sa sugat ko? Hindi ko namalayan na tapos na ang paggamot ni Kuya sa sugat ko. Napatingin siya sa akin at nagtagpo Ang aming mga mata. “Sa susunod, mag ingat ka naman!” Galit na sabi niya at tumayo. Nan Lakihan ang mga mata ko nang makaharap ko ang private area niya na natatakpan sa tuwalya.Tinakpan ko ang mga mata ko at uminit ang aking pisngi. “f**k,” Narinig ko na sabi niya at agad na hinawakan ang braso ko at pinatayo ako. Napa ungol ako sa sakit ng paa ko. “Lumabas ka,” Malamig na sabi niya at agad akong tumango at dahan dahan na lumakad patungo sa labas. Sinara ko ang pinto at pilit na kinalma ang mabilis na kabog ng aking puso. Bumaba ako at agad na umupo sa sofa, tinignan ko ang paa ko na nakabalot na ngayon ng band-aid. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. “Senyorita, okay ka lang? Bakit namumula ang pisngi mo?” Tanong ni ate Laura. Tinago ko ang paa ko para di niya makita ang band-aid. Umiling lang ako sa kanya at nag thumbs up. Napailing lang si Ate at nagpatuloy sa paglilinis. Iniba ko ang focus ng aking atensyon at sinubukang magsalita ngunit ungol lang ang lumalabas sa bibig ko. I sigh sadly at napayuko, bumalik na naman sa isip ko si Kuya Caleb at agad na uminit ang pisngi ko. Naisipan kong lumabas muna sa bahay at pumunta ako sa pool. Umupo ako sa gilid ng pool at hinawakan ang malamig na tubig. Gusto kong maligo ngunit hindi ako marunong lumangoy. Narinig Kong tumunog ang doorbell kaya dahan dahan akong tumayo para tingnan kung sino ito. Nakita ko ang isang magandang babae pero hindi ito iyong Nadia na nakita ko noon. Mataas rin siya at sobrang ganda. Kulay kayumanggi ang kanyang mataas at wavy na buhok at sexy ang kanyang katawan. Binuksan ko ang gate at ngumiti at hindi niya ako pinansin. Mas mabait si Nadia kaysa sa kanya. “Where’s Caleb?” Maarteng tanong niya. Tinuro ko Ang daliri ko sa loob at tinignan niya Ako ng masama. “Bingi kaba? Bakit hindi ka sumasagot?” Galit na tanong niya. Napayuko naman ako at nakarinig ako ng mga yapak papunta sa amin. Nakita ko si Kuya Caleb na nakatingin sa aming dalawa. “Babe,” Masayang sabi ng babae at niyakap si Kuya Caleb. “Who’s this kid? Nakakainis, Hindi sumasagot, sarap batukan.” Galit na sabi ng babae at nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Bakit kasi ang sama nila sa akin? Wala naman akong ginagawang masama. “Huy bobo, pag tinanong kita ulit, sumagot ka ha?” Galit na sabi niya sa akin at agad akong tumango at pinunasan ang mga luha ko. “What did you just say?” Narinig ko ang galit na boses ni Kuya Caleb. “Babe, nakakabastos kasi ang batang yan. Hindi niya ako sinasagot, ginagawa akong aso dahil sa pag turo turo niya.” Nakasimangot na sabi ng babae. “You know what Grace? Umuwi kana, I changed my mind. Maghahanap ako ng ibang model sa painting ko. I don’t need you. Get out!” Galit na sabi ni Kuya Caleb at napayuko ako sa takot. “Caleb, what’s wrong? Why are you like this?” Naguguluhan na tanong ni Grace at nakita ko na napahawak si Kuya sa buhok niya. Hindi ko rin alam kung bakit siya nagagalit kay Grace, galit si Kuya sa akin kaya Hindi naman niya ako ipagtatanggol diba? “I don’t like it when you insult the people here, kaya umalis kana.” Malamig na sabi ni Kuya at nakita ko ang luha na umaagos sa mga mata ni Grace at tinignan niya ako ng masama at agad na umalis. Sinubukan kong magsalita pero ungol lang ang lumalabas sa bibig ko. Napatingin si Kuya sa akin. “At ikaw naman, huwag kang basta bastang magbukas ng gate. Pahamak ka talaga sa buhay ko.” Galit na sabi niya at pumasok sa loob ng bahay. Nakayuko lang ako habang bumalik sa pool. Lahat nalang ng kilos ko ay ikinagalit ni Kuya Caleb. Kailan pa ba niya ako matatanggap? Malungkot ako habang nakatingin sa tubig. Hindi ko namalayan na may tumabi sa akin. “Bakit malungkot ang bunso namin?” Narinig ko ang boses nila Kuya Francisco at agad akong napangiti at napatingin sa kanilang dalawa ni Kuya Fernando. “Anong problema Violet? Sabihin mo lang sa amin.” Sabi ni Kuya France. Napayuko lang ako at tinignan ang mga kamay ko. “Ahh,” Sinubukan kong magsalita. “That’s it, Violet, you can do it.” Masayang sabi ni Kuya Fernando. “K-Ku,” Hindi ko matapos ang sasabihin ko at nakaramdam ako ng mga yakap sa katawan ko. Masaya ako na nakakapagsalita ako ng bagong words, sana naman tuloy tuloy na ito. “I’m so proud of you, little sis.” Masaya na sabi ni Kuya France at napangiti naman ako. “At dahil diyan, may donuts ang bunso namin!” Masayang sabi ni Kuya France at binigay sakin ang isang box ng donuts. I squealed in happiness at hinalikan ang mga pisngi nila. Paborito ko na kasi ngayon ang donuts. “How about maliligo tayo dito sa pool bukas? Since sabado, wala kaming klase.” Sabi ni Kuya Fern. Napayuko naman ako at kinuha ang notepad ko. Sasabihin ko sa kanila na hindi ako marunong mag langoy dahil hindi pa ako nakaligo ng swimming pool noon. Nakakalungkot ang buhay na wala kang experience. (Hindi marunong lumangoy) Pinakita ko ito sa kanila. “Don’t worry sis, tuturuan ka namin.” Sabi ni Kuya France at napangiti naman ako at tumango. Pumasok na kami sa loob at sinubukan kong maglakad ng maayos para hindi nila mahalata na may sugat ako sa paa. Ayaw kong mapagalitan si Kuya Caleb. Pumunta na ako sa kwarto ko at humiga sa kama at kumuha ng donuts. Napaungol ako sa sarap nang matikman ko ito. Maglipas ang ilang minuto, tumayo ako at binuksan ko ang closet ko at pumili ng mga damit. Nakakita ako ng mga bathing suit sa loob at agad akong napangiti. Magaganda ang mga ito, iba’t iba Ang kulay. Kinuha ko ang isang white na bathing suit, ito ang susuotin ko bukas kung maliligo kami nila Kuya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD