Episode 2: His Anger

1360 Words
Kasalukuyan kaming naglilinis kasama ang mga kasambahay. Expert ako sa paglilinis dahil ito ang trabaho namin sa orphanage noon. Hindi pa rin mawala sa isip ko si Kuya Caleb, bakit siya galit sa akin? At bakit masama ang ugali niya? Hindi ko mapigilang napaisip kung ano ang dahilan ng kanyang ugali. “Lagot talaga tayo kay Senyorito Adonis,” Naririnig kong nag uusap ang mga kasambahay at tumingin sila sa akin. Napayuko naman ako at nagpatuloy sa paglilinis. Nakarinig kami ng busina ng kotse sa labas at mga yapak na papunta sa loob. Nakita ko si Sir Adonis na pumapasok at napatingin siya sa akin at sa hawak kong basahan. “S-Senyorito,” Narinig ko ang boses ng isang kasambahay. “Bakit naglilinis si Violet?” Tanong ni Sir Adonis at agad akong lumapit sa kanya at hinawakan Ang kamay Niya. He smiled at me at kinuha ang basahan sa kamay ko. “Senyorito, sabi kasi ni Senyorito Caleb na maglilinis daw si, Senyorita Violet.” Kinakabahan na sabi ng kasambahay. Hindi ko pa alam ang mga pangalan nila at balik ko silang tanungin. Narinig ko na napa buntong hininga si Sir Adonis. “Sa susunod, huwag kayong papayag kapag sabihin niyang maglilinis si Violet, maliwanag ba?” Tanong ni Sir Adonis at agad na tumango ang mga kasambahay. Nagsulat naman ako at pinakita kay Sir Adonis. (Okay lang po, gusto ko pong tumulong) Pinakita ko ito sa kanya and he shook his head at hinaplos ang pisngi ko. “Violet, hindi mo na kailangang maglinis dahil anak na rin kita. I want to treat you like a princess, will you let me?” He asked softly at napakagat labi naman ako at dahan dahan na tumango. Napangiti si Sir Adonis at hinaplos ang buhok ko. Panahon na siguro para tawagin ko siyang Papa sa isip ko. Ngayon ko lang naramdaman ang pagmamahal ng isang ama, kahit hindi ko naman siya tunay na ama. “May pupuntahan ako, are you okay here? Nasa paaralan ang mga Kuya mo but don’t worry dahilan nasa studio or nasa kwarto parati ang Kuya Caleb mo kaya you don’t have to deal with him, basta huwag ka lang pumasok sa studio niya, okay?” Sabi ni Sir, I mean Papa Adonis. Tumango naman ako at hinalikan niya ang pisngi ko at tumingin sa mga kasambahay. “Call me if something happens, ” Sabi niya sa kanila at nagpaalam si Papa Adonis sa akin and tuluyan nang umalis. Napakagat labi ako at naisipang ko na mag ikot sa buong bahay. Napatingin ako sa mga magagandang paintings na nakasabit sa pader. Siguro sobrang mahal ang mga ito dahil sa quality. May nag agaw ng aking atensyon at ito ay painting ng isang batang babae na mukhang 5 or 6 years old pa. “Si Senyorito Caleb ang nag paint niyan,” Narinig kong sabi ng isang kasambahay. Wow, si Kuya Caleb ang nag paint nito? “Ako nga pala si Laura,” Sabi niya and I smiled at her. Kinuha ko ang notepad ko sa aking bulsa at sumulat. (Si Kuya Caleb po talaga ng painting nito?) Pinakita ko ito kay ate Laura at tumango naman siya. “Siya lahat nag paint ng mga painting dito sa bahay,” Sabi niya at tinignan Ang mga paintings. “Ang batang babae na nasa painting ay kapatid niya, ang nag iisang babae na anak ni Senyorito Adonis.” Nagulat ako sa sinabi ni ate Laura. May anak na babae si Papa Adonis? Bakit wala siya dito at bakit kinupkop niya ako? Sabi ni Papa Adonis, gusto niyang magkaanak ng babae, may anak naman siyang babae. Nasulat ako sa notepad ko at pinakita sa kanya. (Nasaan siya?) Narinig ko na napa buntong hininga siya. “Patay na siya Senyorita. Basta huwag ka lang magsalita tungkol sa kanya dahil malulungkot si Senyorito Adonis.” Sabi niya at napa buntong hininga naman Ako. Patay na ang anak na babae ni Papa Adonis? Bakit siya namatay? Gusto kong magtanong ulit ngunit bumalik na sa trabaho si Laura kaya hindi ko na natanong. I sigh at nilibot ang bahay habang nasa isip ko ang batang babae na nasa painting. Kaya ba kinupkop ako ni Papa Adonis dahil namatay ang anak niya? Hindi ko mapigilang malungkot para kay Papa. Sobrang sakit siguro ang nararamdaman niya. At tsaka, wala siyang asawa at nag iisa lang siya kasama ang mga anak niya. Kailangan kong iparamdam kay Papa Adonis na hindi siya nag iisa. Gagawin ko lahat para mapasaya ang Papa ko. Dapat maging masunurin ako parati at maging mabait. Gustuhin ko mang tumulong nila ate Laura, hindi pwede dahil malulungot si Papa Adonis kapag ginawa ko yon. Pumunta Ako sa taas at naglalakad lakad, sobrang laki ng bahay kaya malayo pa lalakarin para makapunta sa balcony. Gusto kong magpahangin doon. Napahinto ako ng makarinig ako ng ungol sa loob ng isang kwarto. Tiningnan ko ang pinto at may nakalagay na “Caleb’s Studio” kaya agad akong napaatras at tumakbo palayo at pumunta sa balcony. Umupo ako sa rocking chair at inamoy Ang simoy ng hangin. Napaisip ako kung bakit may ungol sa loob ng studio niya? May nangyari ba sa kanyang masama? Paano kung nasasaktan si Kuya Caleb? Naisipan kong bumalik ulit doon kaya pumunta ako sa harap ng pinto ng studio niya pero wala na akong ungol na naririnig. Nagulat ako ng bumukas ang pinto at bumugad ang mukha ng isang napakagandang babae na nakikita ko lang sa mga magazines. Para siyang isang model at sobrang taas niya, taga dibdib niya lang ako. “Wow, hindi ko alam na may batang kasambahay kayo, Caleb.” Narinig kong sabi niya at ngumiti sa akin. “Hi, Ako nga pala si Nadia,” Sabi niya at hinaplos ang ulo ko na parang bata. Nakita ko si Kuya Caleb na lumabas at nakatingin sa akin, nagdilim ang mukha niya sa galit and I whimpered in fear. “Sige na, Nadia. You can go now.” Sabi ni Kuya Caleb at tumango si ate Nadia at hinalikan si Kuya Caleb sa pisngi at umalis. Marahas na hinawakan ni Kuya Caleb ang kamay ko at napa ungol ako sa sakit. “Sinong nagsabi na pwede kang pumunta rito ha?” Galit na tanong niya at hindi ko mapigilang mapaiyak. Masakit kasi ang pagkakahawak niya sa aking braso at natatakot ako sa kanya dahil galit siya sa akin ngayon. “Hindi porket kinupkop ka ng ama ko, pwede ka nang maging senyorita rito.” Galit niyang sabi at binitawan ang braso ko na ngayon ay namumula. “Nako po, Senyorita!” Nag aalala na sabi ni Laura at tinignan ako ng masama ni Kuya Caleb. “Sa susunod, pagsabihan niyo yang hampas lupa kung saan siya nababagay,” Malamig na sabi ni Kuya Caleb at bumalik sa studio niya. Napahikbi naman ako dahil sa nangyari. Kailan ba ako matatanggap ni Kuya Caleb? Bakit galit na galit siya sa akin? “Okay ka lang Senyorita? Huwag kanang umiyak, ganyan talaga ugali ni Senyorito Caleb.” Sabi ni Laura at hinaplos ang buhok ko. “Huwag kanang lalapit sa studio niya Senyorita baka ano ng magawa niya sayo.” Sabi ni Laura at tumango naman ako at pinunasan ang mga luha ko. Sumunod ako sa kanya at umupo kung saan upuan habang pinanood Silang maglilinis. “Senyorita, gusto mo bang manood ng TV?” Tanong sa akin ni Laura at napangiti naman Ako at tumango. Binuksan ni Laura ang isang malaking TV at napatingin ako sa princess na palabas at Hindi ko mapigilang matuwa. Ngayon lang ulit ako nakapanood ng mga ganitong palabas. Nakarinig kami ng yapak na papunta rito at napayuko ako nang makita ko ang galit na naman na mukha ni Kuya Caleb. Agad niyang pinatay ang palabas. “Kailan niyo ba maiintindihan na hindi siya Senyorita rito?” Galit na sabi niya nila Laura at napayuko lang ang mga ito. “Maglilinis siya sa kwarto ko at kung sino man ang magsumbong sa ama ko, malalagot sa akin.” Galit na sabi ni Kuya Caleb at hinahawakan ang braso ko at kinaladkad ako sa taas papunta sa kwarto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD