Episode 1: Adopting Violet

1362 Words
Pinagmasdan ko ang isang malaking mansion na nasa harap ko. May swimming pool sa gilid at sobrang ganda ng view. Hindi parin ako makapaniwala na dito na ako titira. Nanggaling ako sa orphanage at ngayon lang ako nakakita ng ganito kaganda na bahay. Sino ba kasing mag aakala na may kukupkop sa akin? Napatingin ako sa taong nag adopt sa akin at ngayon ay ituturing kong ama. Siya si Mr. Adonis Carvalho, sobrang bait nitong tao at gusto niya raw magkaanak ng babae kaso puro lalaki ang mga anak niya kaya ako ang napili niya. Bumalik ang atensyon ko sa realidad nang nakapasok na kami sa loob, sobrang bango ng masarap na pagkain kaya tumunog ang tiyan ko dahil sa gutom. Uminit naman ang pisngi ko ng marinig ko na tumawa si Sir Adonis dahil rito. “Halika na anak, kumain kana.” Sabi niya at pumunta kami sa kusina. Nagulat ako nang makita ko ang sobrang rami at masasarap na pagkain sa harap ko. Ngayon lang ako nakakita ng ganito karaming pagkain. Hindi ko alam kung anong pangalan ng mga pagkain na ito dahil mukhang mamahalin ang mga ito. Pinaupo ako ni Sir Adonis sa upuan at napayuko naman ako sa hiya. “Huwag kang mahiya Violet, lahat ng pagmamay ari rito ay sayo na rin.” Masayang sabi ni Sir Adonis at may luha na pumatak sa aking mata dahil sa sinabi niya. Hindi ko kasi akalaing na may mag adopt sa akin na ganito kabait na tao. Kinuha ko ang notepad ko at sumulat ng “Salamat” at pinakita kay Sir Adonis at napangiti naman siya at niyakap ako. “Walang anuman, aking prinsesa.” Sabi niya dahilan ng pag ngiti ko. Nagsimula na akong kumain at Hindi ko mapigilang kumain na parang baboy dahil sa gutom. Narinig ko ang mahinang tawa ni Sir Adonis kaya namula naman ang pisngi ko. Ako nga pala si Violet Mendoza at mayroon akong traumatic mutism dahil biktima ako sa child abuse ng ina ko noon. Nagsimula ang traumatic mutism ko noong ako ay sampung taon pa lang at ngayon 15 years old na ako pero wala pa ring nagbabago sa aking pagsasalita at nangako si Sir Adonis sa akin na ipagamot niya ako sa doktor kaya sobrang saya ko dahil rito. “Yaya, pakitawag si Leonardo, Fernando at Francisco.” Narinig kong sabi ni Sir Adonis. May anim na anak na lalaki si Sir Adonis ngunit sabi niya, Hindi na raw tumira ang dalawa rito at apat na lang ang anak niya na nandito sa bahay. Kinabahan naman ako dahil hindi ko alam ang ugali ng mga anak ni Sir Adonis at dinadasal ko na sana mababait ang mga ito. “Opo, Sir.” Sabi ng Yaya at Pumunta sa taas. Maya maya ay nakarinig ako ng mga yapak na papunta dito at nagulat ako sa nakita ko. Ang ganitong mga lalaki ay nakikita ko lang sa telebisyon, pero ngayon ay personal na akong nakakita ng ganito ka gwapong mga lalaki. Ang dalawa ay mukhang kasing edad ko lang at ang isa naman ay medyo matanda pa sa isa. “Batiin ninyo ang bagong kapatid niyo. Siya si Violet” Sabi ni Sir Adonis. Ang lalaki na nakasuot ng red t-shirt ay lumapit sa akin at ngumiti. “Ako nga pala si Leonardo,” Sabi niya, mayroon siyang mala anghel na mukha at hindi siya nagmana sa ama niya, siguro sa ina ito nagmana dahil sa kanyang angelic features. Huminto ako sa pagkain at nahihiyang ngumiti sa kanila. Napatingin ako sa aking paa. Kinuha ko ang notepad ko at sumulat ng “Hi,” at pinakita sa kanila. Napatingin naman sila sa kanilang ama. “Dad, is she mute?” Tanong ni Kuya Leonardo who is in shock. “May traumatic mutism siya kaya don’t be harsh with her and be gentle with her.” Sabi ni Sir Adonis at napatingin naman ang dalawa sa akin. Lumapit ang dalawang lalaki sa akin habang ngumingiti at ngumiti rin ako sa kanila, medyo magkamukha sila ni Sir Adonis pero hindi gaano pero sobrang gwapo pa rin nila. Sila ang lalaking mukhang kasing edad ko lang. they lent their hand to me, at nahihiya kong hinawakan ang kamay nila. “Ako si Fernando.” Sabi niya at tumango naman ako at ngumiti sa kanya. “And I’m Francisco,” sabi ng isa. “Si Caleb, Hindi pa rin lumalabas sa studio?” Tanong ni Sir Adonis at umupo ang dalawa sa harap ko and shook their heads. “Nasa studio pa niya Dad, ewan ko kung kailan lalabas si Kuya,” Sabi ni Kuya Leonardo at tumango naman si Sir Adonis. Si Caleb siguro ang ang panganay nila. “Dad, I don’t think Caleb will be happy with this.” Sabi ni Kuya Leonardo. Napayuko naman ako. Bakit Hindi magiging Masaya si Kuya Caleb? Magagalit ba siya sa akin? “Wala na siyang magagawa, you treat Violet as your own sister.” Sabi ni Sir Adonis at tumango naman ang dalawa at nagsimulang kumain. Nagpatuloy na rin ako sa pagkain habang nasa isip ko si Kuya Caleb. Magiging kuya ko na ang mga ito kaya kailangan kong maging mabait at masunurin sa kanila. Nang matapos na kaming kumain, sinamahan ako ni Sir Adonis sa magiging kwarto ko at pumunta kami sa taas. Nagulat ako nang binuksan ni Sir Adonis ang kwarto, sobrang ganda ng kwarto may mga design at paintings sa loob at color purple ang mga cabinet at kurtina. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Hindi ko mapigilang yakapin si Sir Adonis and he smiled at hinaplos ang ulo ko. “Hahayaan muna kita rito, kumpleto na ang mga gamit mo. Tawagin mo lang ang kasambahay kapag may kailangan ka,” Sabi niya at tumango naman ako at tuluyan ng umalis si Sir Adonis at iniwan ako sa kwarto. Umikot ang tingin ko sa kwarto at pumunta ako sa bintana ay nakita ang magandang view sa baba. Napangiti naman Ako habang pinagmasdan ito. Pumunta ako sa cabinet at nanlakihan ang mga mata ko nang makita ang maraming mga magandang damit. Kumuha ako ng isang dress at sinuot ito. Tumingin ako sa salamin and I twirl around, I look like a different person. Humiga ako sa malambot na kama at napapikit naman ako dahil sa sarap ng nararamdaman ko. Para akong nakahiga sa langit dahil sa lambot ng kama. I smiled at napasubsob sa unan at hindi ko nalamayan na nakatulog na pala ako. *** Nagising ako dahil sa sinag ng araw at agad akong napabalikwas at pinagmasdan ang paligid. Nandito nga pala ako sa bahay nila Sir Adonis. Agad akong lumabas at sumilip at nakikita ko ang mga kasambahay na naglilinis kaya kumuha ako ng basahan at nagpunas sa sahig. “Nako po senyorita, huwag kayong maglinis, kami na bahala rito.” Naring kong sabi ng isang kasambahay. Sumulat ako sa notepad ko at sinulat na tutulong ako at pinakita ko ito sa kanila. Nagtiniginan naman sila sa isa’t isa at tinulungan akong tumayo. Bakit hindi nila ako pinatutulong? Hindi porket nakatira na ako rito, hindi na ako tutulong sa gawain. “Hindi po talaga pwede senyorita, baka mapagalitan kami ni Senyorito Adonis,” Sabi nila at napakagat labi Naman Ako. “Let her,” Nakarinig ako ng malalim na boses sa likod ko at agad akong napalingon kung kanino nanggaling ang boses at napaatras naman ako ng makita ko ang sobrang mataas na lalaki at build ang katawan. Gwapo ito at maamo ang mukha, kamukha niya si Sir Adonis pero mas mataas pa siya kay Sir Adonis, sobrang lakas ng awra niya at nakakatakot. “P-Pero Senyorito Caleb, Sabi ni Senyorito Adonis na- “Let her clean, hindi siya senyorita rito dahil hindi namin siya kadugo.” Malamig na sabi Niya sa mga kasambahay and I whimpered in fear. Tumango ang mga kasambahay at nagpatuloy sa paglinis. Dahan dahan kong kinuha ang basahan pero sinipa ito ni Kuya Caleb kaya napayuko naman ako. Kinuha ko ang basahan at tumulong na maglinis sa mga kasambahay at umalis na ng tuluyan si Kuya Caleb at iniwan kami. Natatakot ako sa ugali niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD