Chapter 07

1606 Words
CHRISTINE ----POV---- Tatlong araw simula nang lumabas ako sa ospital. Unti-unti na ring bumabalik ang aking alaala. Pero tanging si Mark lang talaga ang hindi ko maalala. Sabi kasi ng doktor ang selective amnesia raw ay iyong matagal ko ng kakilala o nakakasama ang tangi kong maaalala. Ibig sabihin, bago lang talaga kaming nagkakilala ni Mark. Sumasakit lang ang aking ulo sa tuwing iniisip ko kung bakit naging magkasintahan kaming dalawa. Nandito ako ngayon sa veranda ng kwarto kung saan ako pinatuloy ni Mark. Nakatanaw sa kanilang malawak na garden. Grabe ang laki ng bahay niya, parang mansyon sa laki. Ang ganda ng kulay ng pintura na pinaghalong blue at white, napaka-maaliwalas tingnan. Ang ganda rin ng mga malalaking chandelier na nakasabit sa kisame, at ang sahig na mas makintab pa sa aking mukha na nakakatakot tapakan at baka marumihan. Nasa ganoon akong pagmumuni-muni nang biglang may dalawang kamay na pumulupot sa aking baywang. Hindi ko na kailangan pang hulaan kung sino ito, dahil sa amoy pa lang ay kilalang kilala ko na."Kumusta ang pakiramdam mo babe? Kumikirot pa ba ang ulo mo?" tanong ni Mark habang nanatiling nakapulupot ang kanyang kamay sa aking baywang. "Ahm, okay na naman. Kumikirot lang sa tuwing iniisip kita," sagot ko. Bumaba ang tingin ko sa nakapulupot niyang braso sa akin. "Pwede bang paki-alis ng kamay mo? Masyadong kang abusado panay nakaw halik at yakap mo sa akin. Baka masanay na ako niyan?" sita ko sa kanya. Sa tuwing umaalis kasi siya patunong opisina ay bigla-bigla na lamang humahalik sa aking pisngi. Kung minsan yumayakap na lang siyang bigla na medyo nakasanayan ko na rin at nagugustuhan. Tumawa siya. "Bakit bawal bang yakapin ang girlfriend ko? At dapat lang na masanay ka na dahil paulit-ulit kong gagawin sa'yo 'to," aniya sabay halik sa aking pisngi. "Ikaw babe ha? Kaya pala minsan nakakagat ko ang aking dila kasi palagi mo pala akong iniisip," panunukso niya pa. "Sira!" sambit ko sa kanya sabay hampas ng mahina sa kanyang ulo. "Iniisip ko lang kung bakit ikaw lang ang hindi ko naalala. 'E lahat naman naalala ko na, ikaw lang ang tanging hindi ko maalala. Sabi ng doktor, selective amnesia, 'yung past mabilis kong maalala pero 'yung present ay may tendency na hindi. Ang ibig sabihin, bago pa lang yata tayo nagkakilala bago ako nabaril?" seryoso kong tanong. "Ang ibig sabihin, naging instant girlfriend/boyfriend tayo? Ganern?! Na pagkasabi mong gusto mo akong maging girlfriend tapos sinagot kita agad? Gano'n ba 'yun? O baka naman hindi talaga tayo totoong magkasintahan Mark?" dagdag ko na may halong pagdududa sa aking tono. Bigla siyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin at nag-iwas rin siya ng tingin. Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga. Alam kong may tinatago siya sa akin na dapat kung malaman. "Ikaw talaga babe, ang dami mong iniisip. Kaya tuloy sumasakit ang ulo mo. Ang mabuti pa mag almusal na tayo. Baka gutom lang 'yan," aya niya sa akin na hindi man lang sinasagot ang tanong ko. Pinaningkitan ko na lamang siya na aking mga mata sabay irap. Mag alas nuebe na pala ng umaga, kaya pala medyo nakaramdam na rin ako ng gutom. "Let's go downstairs. Ginawan kita ng crab soup para mabilis bumalik ang lakas mo at bumilis ang pag galing mo. Huwag ka na munang mag-isip na magpapakirot ng ulo mo. Basta girlfriend kita at boyfriend mo ako," aniya pa sabay halik niya sa aking pisngi. May kasama pang pagkindat na nagpapakilig sa akin. Magkahawak kamay kaming pumunta sa kusina. Naabutan namin doon si nanay Belen na naghahanda ng pagkain sa mesa. "Good morning, nanay Belen!" bati namin ni Mark sa matanda. "Ayy, nariyan na pala kayo mga anak. Tamang-tama kakatapos ko lang maghanda. Halika na kayo at makapag-almusal," aya niya sa amin ni Mark. Binalingan niya naman ako ng tingin. "Kumusta na ang sugat mo? Okay ka na ba? 'Yung ulo mo?" magkakasunod niyang tanong na may halong pag-aalala. "Okay naman na po ako. Nay. Maraming salamat po sa pagtanggap ninyo dito sa akin." "Hay naku, iha, wala 'yun. Basta magpagaling ka lang alam mo naman, basta mahal ng alaga ko at sa tingin ko'y masaya itong si Mark simula nang dumating ka sa buhay niya." "Nay Belen naman!" ingos ni Mark sa sinabi ni Nanay Belen. Bigla na lang niyang nabitawan ang hawak niyang kutsara. "Oh, 'di 'ba totoo naman ang sinasabi ko? Masaya nga ako na bumalik ang dating Mark na masayahin at palabiro simula nang dumating dito si Christine! At alam mo ba iha, ngayon lang yan dito tumira sa bahay niya. Dati kasi sa condo niya lang siya tumutuloy. Bihira lang siyang magpunta dito," pagkukwento pa ni Nanay Belen kaya halos hindi na maipinta ang mukha ni Mark. "Nay, kain na tayo," pagputol ni Mark sa patuloy na pagkukwento ni nanay Belen. Nakakatuwa silang pagmasdan. Kahit na hindi sila tunay na mag-ina ay sobrang close nila. Pero sa kwento ni Faith sa akin, si nanay Belen daw ang nag-alaga kay Mark simula nang bata pa lamang ito. At hanggang ngayon ay nandito pa rin siya para alagaan at gabayan si Mark. Busy daw kasi ang mga magulang ni Mark sa pagpapalago ng kanilang mga negosyo kaya hindi na siya nito naalagaan. Hindi ko pa naman nakilala ang mga magulang ni Mark dahil nasa amerika na raw sila naninirahan at paminsan-minsan lang daw sila kung umuwi dito sa Pilipinas. Kung may importanteng okasyon lang. Masaya ang aming naging agahan. Nabusog ako sa daming pagkain na nakahanda sa mesa na para bang may fiesta. Samantalang dalawa lang naman kaming kumain ni Mark. "Nay, alis muna kami ni Christine. Isasama ko siya sa opisina para hindi naman siya ma-bored dito sa bahay," paalam ni Mark kay nanay Belen. "Sige, iho. Mabuti pa nga at para malibang ka din doon iha. Baka mabilis mo rin maalala itong alaga ko," sabay ngiti ni nanay Belen sa akin. Nagpapasalamat talaga ako sa kanila dahil tinuring nila akong kapamilya at nararamdaman ko din na hindi ako pinapabayaan ni Mark na feeling ko'y totoong magkasintahan talaga kaming dalawa. "Lets go?" untag ni Mark sa akin na nakahawak na pala sa aking kamay at hindi ko man lang namalayan dahil sa aking pag iisip. "Tara na nang makarami," pabirong sabi ko sa kanya sabay ngiti. Habang papasok kami sa building kung saan ang kanyang opisina. Lahat ng nakakasalubong naming mga babae ay halos lumuwa ang kanilang mga mata habang nakatingin kay Mark. Pero ang mokong ay parang walang pakialam na pinagpapasalamat at pinagdidiwang ng aking kalooban. Ano kayo ngayon? Hanggang tingin lang kayo! Sa isip-isip ko. "Good morning, Sir! Good morning, Ma'am!" sabay-sabay nilang bati sa amin. "Good morning sa inyong lahat!" Ako na lang ang sumagot sa kanila dahil ang kasama ko'y tanging pagtango lamang ng kanyang ulo ang kanyang ginawa. Pagdating namin sa kanyang opisina ay may babaeng nakaupo sa gilid ng kanyang pinto papasok sa kanyang opisina. Ito marahil ang kanyang sekretarya. Agad itong tumayo nang makita kaming papalapit sa kanya. "Good morning, Sir, Ma'am!" bati niya sa amin. "Good morning!" sabay naming bati sa babae. "Miss Gallego, what's my schedule for today?" seryosong tanong ni Mark. "Sir you have a meeting at 11 am with Mr. Santos. And after that you have an appointment meeting to Engineer Kate Cruz," sagot ng kanyang sekretarya. Ngunit napansin ko ang biglang pagkunot ng kanyang noo. "Wait. Kate Cruz?" pag-uulit niya sa huling sinabi ng kayang secretary. Tumango naman ito."Yes, sir. Siya po ang kinuha ni Ma'am Claire bilang interior designer sa Marky's Mall. Sabi ni Ma'am Claire, ikaw na raw po muna ang kumausap sa kanya about po sa kontrata at sa mga gustong mong i-suggest na gusto mong i-design sa mall," paliwanag nito. "Okay. Thank you. After that, please cancel all my appointments kung meron pa. We're going home early, baka mapagod si Christine," huling utos niya dito. "Okay, sir." Pumasok na kami sa loob ng kanyang opisina. Sobrang namangha pa ako sa sobrang laki at linis ng opisina niya. Well arrange pa lahat ang kanyang gamit. Very manly scent ang amoy at ang kulay na pintura ay panlalaki talaga. Malaki pa nga ito sa bahay namin sa Iloilo! Hindi ko talaga maiwasan isipin kung bakit naging boyfriend ko ang isang CEO/ BUSINESSMAN na tulad niya habang ako'y isang hamak na estudyante pa lamang. Minsan iniisip ko, baka sinabi niya lamang na magkasintahan kami dahil kasama niya ako habang nabaril ako. Bumalik lang ako sa aking tamang wisyo nang biglang nagsalita si Mark mula sa kanyang upuan. Nakatutok pa rin ang kanyang mga mata sa kanyang computer. "Be ready, babe. We're going to the M&M restaurant to meet Mr. Santos," anunsyo niya. "Kailangan pa ba akong sumama? Hindi ba pwedeng dito na lang ako? Nakakahiya naman, baka sabihin nila binabantayan kita," tugon ko. "Okay ka lang ba dito?" alanganin niyang tanong. "Oo naman! Okay lang ako dito. Manonood na lang muna ako ng t.v habang hinihintay ka." Ang bongga kasi ng kanyang opisina, parang bahay na rin at halos kumpleto na lahat ang gamit. May mini kitchen din dito. "Okay. Promise mabilis lang ako. Babalik ako kaagad. Magdadala na lang ako ng lunch para dito na lang tayo kumain. Kung magutom ka, utusan mo na lang si Miss Gallego para madalhan ka niya ng pagkain," bilin niya. "Hindi mo ba siya isasama?" tanong ko. "Hindi na. Pag-uusapan lang naman namin kung kailan uumpisihan ang pag-construct ng extension sa resto bar namin," aniya. "Sige, alis na ako," paalam niya sabay halik sa aking pisngi. Hindi na ako nagulat dahil sanay na ako. Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa pinto. "Ingat!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD