Kahit masasakit ang binibitawan na salita ni Ninong hindi niya pa rin ako maitataboy palayo sa kanya. Balang araw pagsisihan ni Ninong ang mga ginagawa niyang pagtataboy sa akin; ang paulit-ulit na sinasabi ko tuwing nasasaktan ako sa ginagawa niya.
“Python your Dad called. Bakit hindi mo sinasagot ang tawag niya?”
“Nakalimotan mo ba Ninong na sinira mo ang phone ko last night nang hinatak mo ako nalaglag ang phone ko kaya nasira. Can I use your phone? Tatawagan ko lang si Daddy” Pagtataray ko sa kanya.
“Bakit hindi mo sinabi kagabi na nasira ang phone mo?
“Paano ko sasabihin kung nagsusungit ka? Puro ka sermon Daddy Cole daig mo pa si Daddy”
“Ilang beses ko bang sasabibin sa’yo Python na huwag ako tawaging Daddy” singhal na naman niya.
“Ilang beses ko din ba sasabihin sa’yo Ninong na tatawagin kitang Daddy dahil sabi mo parang anak mo na ako” Pangaasar ko sa kanya. Hindi nakapagsalita si Ninong kaya lihim akong napangiti. Kahit ayaw kung sumabay sa kanya ngayon sa pagpasok sa university wala na naman akong nagawa nang magsungit siya at sapilitan akong ipinasok sa sasakyan.
Hindi ko din maitindihan si Ninong parati akong tinataboy at sinasabihan na itigil ko ang paglapit lapit sa kanya pag ayaw ko naman sumabay sa kanya sa pagpasok sa university sapilitan niya naman akong pinasasabay sa kanya.
“Ninong Cole nasaan ang phone mo? tatawagan ko lang si Daddy” Hindi siya nagsalita at nang mapatingin ako sa bulsa ng pantalon niya. Agad kung ipinasok ang kamay ko sa loob ng bulsa ng pantalon ni Ninong. Nagmamaneho si Ninong kaya hindi niya magagawang hawakan ang kamay ko sa gagawin ko paghawak sa kanya.
“What are you doing Python Angeles?”
“Ninong Cole nagmamaneho ka kaya ako na ang kukuna ng phone mo sa bulsa ng pantalon mo” Sinadya kung hindi muna kunin ang telepono ni Ninong pinaabot ko hanggang sa pinakailalim nang bulsa. Nasanggi nang kamay ko ang nakabukol sa gitna ng mga hita ni Ninong Cole. Sinadya kung hawakan ang dulo nito.
“Fvck!” Malakas na mura ni Ninong. Agad kung kinuha ang phone niya. Tumingin ako sa labas ng bintana para hindi makita ni Ninong ang pagngiti ko.
“Anong password nang phone?” Hindi nagsalita si Ninong kaya humawak ako sa hita niya. Hinaplos haplos ko ang hita ni Ninong. Sunod-Sunod na paglunok ang ginawa ni Ninong Cole. Inalis niya ang kamay ko. Isang nagbabagang tingin ang pinukol niya sa akin.
“1215” sigaw niya.
Pareho ng code ng phone ni Daddy ang kay Ninong Cole. Alam ko ang code ni Daddy dahil yan ang month and day nang birthday ko.
“Bakit kaya ganon din ang kay Ninong?” malaking tanong sa isip ko. Nakaramdam ako na parang tinusok nang libo-libong karayom ang puso ko ng mabuksan ko ang phone ni Ninong. Ang ganda ng ngiti ni Ninong habang yakap si Professor Loraine na ginawang wallpaper. Biglang nasira ang araw ko. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakatitig sa phone niya. Hindi ko namalayan na nakarating na kami ng university. Hinagis ko ang phone sa hita ni Ninong. Nagsisi ako na pinakialaman ko pa ang phone niya.
Kung paghanga lang ang nararamdaman ko kay Ninong bakit nasasaktan ako ng ganito?” malaking katanungan sa isip ko. Agad akong bumaba sa sasakyan. Nang lingonin ko si Ninong nakatitig siya sa akin.
“Nakakainis ka talaga Ninong Cole. Bakit sa akin hindi mo magawang ngumiti?” bulong ko habang naglalakad ako papasok ng university. Hindi ko pinansin ang pagbati ni James kahit sinabayan niya ako sa paglalakad. Matigas talaga ang ulo ni James kahit ilang beses ko nang sabihin sa kanya na huwag ng lalapit sa akin.
“Ms. Angeles please follow me in my office” Napalingon ako sa likoran ko ng marinig ko ang baritonong boses ni Ninong Cole. Nagsasalubong ang kilay niya. Ninong has owned an office in the university dahil siya ang ang president ng university.
“May nagawa ka ba Python kaya pinasusunod ka sa office ni Professor Ortega?” bulong ni James sa akin. Masamang tiningnan ni Ninong si James na ipinagtaka ko.
“Ano na naman kaya ang problema ni Ninong? Baka pagagalitan niya ako sa paghagis nang telepono niya. Nakatingin lang ako kay Ninong. Ayaw ko muna sumunod sa kanya. Alam kung sermon na naman ang aabotin ko. Hindi pa nagsisimula ang klase ko puro sermon na agad si Ninong.
“Ms. Python Angeles, did you hear what I said? Follow me in my office now!” Muling sigaw ni Ninong Cole. Nginisian ko siya. Masama niya akong tiningnan nang hindi pa rin ako umalis sa kinatatayoan ko.
“Python sumunod ka na kay Proff. Ortega ibang klaseng magalit yan. Alam mo bang kinatatakotan yan si Proff?” Bulong na naman ni James sa akin. Nang sulyapan ko si Ninong matalim ang tingin niya kay James at sa akin. Umiigting ang panga niya at nakakuyom ang kamao niya.
“Bye Python ayaw kung madamay sa galit ni sir Ortega baka ibagsak niya pa ako” nagmamadaling umalis si James. Inilang hakbang lang ni Ninong Cole ang pagitan namin.
“Ang tigas talaga nang ulo mo”
Agad niya akong hinila. Mahigpit ang hawak niya sa palapulsohan ko. Masakit eto pero hindi ako nagreklamo. Hinayaan ko lang na hilain niya ako. Malalaki ang hakbang niya kaya nakakaladkad niya ako. Sa haba nang biyas ni Ninong isang hakbang niya dalawa o tatlo ang sa akin. Naka heels pa ako kaya medyo nanakit na ang paa ko sa pagkaladkad niya sa akin.
Nang makarating kami sa opisina niya agad niyang ne-lock ang pintoan. Pabalya niya akong tinulak paupo sa upoan sa harap nang mesa niya. Unang beses kung nakapasok sa opisina ni Ninong Cole. Inikot ko ang paningin ko sa loob. Maluwang eto at naka organized ang lahat. May aircon, may isang mataas na cabinet na punong puno nang mga libro. May mahabang sofa sa kaliwang parte nang maluwang na opisina ni Ninong. Sa harap nang mahabang sofa may coffee table na may nakapatong na glass vase na may fake flower. Sa mesa ni Ninong may naka-patong na gawa sa glass at naka engraved ang “President Cole Ortega”
Kagalang galang tingnan ni Ninong na nakaupo sa kanyang swivel chair. Ang magara niyang mesa ang pagitan namin. Masama pa rin ang tingin niya sa akin.
“Sesermonan mo na naman ba ako?” Nakipaglabanan ako nang titigan kay Ninong. Kung hindi pa tumunog ang kanyang telepono hindi niya aalisin ang masamang tingin niya sa akin.
“Good morning Babe. I’m at my office. Okay sabay tayong mag lunch later. I love you. Bye”
Para na naman tinusok ng karayom ang puso ko na marinig ang paglalambingan ni Ninong at nang nobya niyang bruha. Nakakainis na kailangan ko pang marinig ang ka sweetan nilang dalawa at marinig kung gaano kalambing si Ninong kay Loraine samantalang sa akin laging galit at masasakit na salita ang lagi kung naririnig. Ilang minutong katahimikan ang dumaan sa pagitan namin ni Ninong.
“Bakit mo ba ako pinasunod dito Ninong? Kung sesermonan mo na naman ako huwag mo na etuloy. Sinisira mo lang lalo ang araw ko” Agad akong tumayo ng hindi siya nag salita. Nag martsa ako palabas ng opisina niya.
“Pinapunta lang ako sa opisina niya para iparinig ang paglalambingan nila. Gusto talaga lagi akong saktan” bulong ko. Nang nasa harap na ako ng pintoan nakarinig ako nang katok. Agad ko etong binuksan. Pagkagulat ang rumehistro sa mukha ni Loraine nang ako ang nabungaran niya. Masama niya akong tiningnan at tinaasan nang kilay. Hindi ko siya binati. Nagmadali akong makalayo sa opisina ni Ninong.
Nang lumingon ako nakita ko pa ang masamang tingin ni Loraine bago niya isara ang pintoan. Lalo lang akong nakakaramdam nang panibugho sa mga naiisip ko na maaring may nangyayari na kila Ninong at Loraine sa likod nang nakasarang pintoan.
“Fúck! It’s so hurt! Bakit kailangan ko etong maramdaman?” Dumiretso ako sa labas nang university. Ayaw ko muna makita si Ninong.
“Mas mabuti pang umuwi na lang ako sa bahay at magpakalasing. Bakit kasi sa isang hawak at titig ni Ninong lumalambot ako at nawawala ang galit ko sa kanya?” Sunod-Sunod na malutong na mura ang pinakawalan ko bago ako pumasok sa taxi.
“I hate you Ninong”