Python POV Nasasaktan ako nang sobra sa kakaisip na maaaring may nangyayari kay Ninong at kay Loraine sa loob nang opisina nito. “Bakit kailangan kung maramdaman ang ganitong sakit. I’m beautiful. Maraming naghahangad na mapansin ko. Pero bakit kay ninong pa ako nagkakaganito?!” sigaw nang isip ko. Napahawak ako sa tapat nang dibdib ko. Bumuntong hininga ako para kahit papaano gumaan ang bigat na nararamdaman ko. Pagkababa ko nang taxi halos takbohin ko na ang gate nang bahay namin. Nang makapasok ako sa loob ng bahay agad kung hinagis ang mga gamit ko sa sahig. Wala akong telepono para matawagan si Daddy. Gumagaan ang pakiramdam ko tuwing nakakausap ko ang aking ama. Nasasabi ko sa kanya lahat. Ang ama ko lang ang nakakaunawa sa akin at nakakapagpagaan ng nararamdaman ko. Tinungo k