Chapter 2

2440 Words
"Okay then, ano oras ka available so I can fetch you up?" Muli ay natulala ako. Damn! Ba't ba ang hot nya? Wala pa nga siyang ginagawa kundi ang magsalita lamang ngunit bawat galaw ng mga labi niya nakakalag panga na. "Hey! Chezka? Are you listening?" Untag nito sa lumilipad kong diwa. Napalunok ako muli, napa kurap-kurap ako ng mga mata. Shuta! Parang tumulo pa laway ko ah! "Ha? Ano kamo?" Nahiya ako ng slight. Siguro, kung iba to nabatukan na ako. Masyado yata akong halata na patay na patay ako sa kanya. "Ano oras ka available para mamaya sa condo ko?" Tanong muli nito. "Ha? Okay lang ba after ng shift ko sa McBee? Mga 8 pm?" Saad ko sa kanya. "Sige, so I guess, doon na lang rin kita susunduin?" Muli ay tanong nito na ikinamangha ko muli. "Huh? Wag na!” Agad na tanggi ko, ano ako gold? At kailangan pa talagang sunduin? “Saan ba condo mo? Ako na pupunta." Tanong ko rito. "No! I insist! Susunduin na kita around 8 pm, okay?" "Class dismissed!" Naagaw ang atensyon naming dalawa ng marinig ang tinig ng aming instructor. "See you later Chezka!" ‘Di na ako nakapalag ng biglang tumayo ito at humakbang palabas ng classroom, iniwan niya akong nakatigagal, hindi makapaniwala sa nangyari. Hinawakan ko ang dibdib kay lakas ng t***k ng puso ko. Seryoso kaya siya o kaya'y trip lang nya? Pero kahit ano pa man sobra niyang pinalakas ang pintig ng puso ko. May dalawang subject pa ko bago ang shift ko mamaya sa McBee, nawa'y makapag concentrate pa rin ako at hindi palutang-lutang ngunit katulad ng inaasahan ko, dalawang beses akong tinawag ng instructor namin dahil nakatulala ako para pa rin akong dinuduyan sa hangin. Iniimagin ang maaaring mangyari sa loob ng condo nya mamaya ngunit kay bilis kong kinastigo ang sarili sa kaharutang naiisip. Nangangarap ako ng gising dahil alam kong napaka-imposibleng magkakagusto sa isang tulad ko ang ang isang Kevin Aidan Arevalo at kung pagbabasehan ang mga dini-date nitong mga babae ay sobrang layo ko, wala sa kalingkingan ng daliri sa mga ito. Nakatoka ako bilang cashier. Syempre, kailangan kong mag-focus mula sa pagkuha ng order ng mga customer, sa pagtanggap ng bayad hanggang sa pagsukli. Mahirap na at baka ma short, kaltas yun sa sweldo, sayang naman. Medyo maraming customer ngayong araw. Ganito talaga palagi lalo na at may pasok ang mga estudyante. Ni di ko namalayan ang oras. Ako na ang nag-serve sa sundae ng isang customer dahil medyo busy ang iba. Biglang kumati ang pisngi ko kaya kinamot ko ang bandang makati. "Thank you sir!" Kahit pagod na pagod na ko ay ‘di ko pa rin nakalimutang ngumiti sa mga customers. Parte kasi iyun ng trabaho ko. "You're welcome Ms.!" Saad naman nito. May pinindot ako sa screen ngunit may kasunod na sa pila. "Good evening sir! May I take you-" Bigla akong napatigil ng mapaangat ang tiningin ko sa sunod na customer ko. Damn! Ang presko nya! Nakapag palit na ulit ito ng damit and f**k! Ang bango pa niya. He was wearing a black leather Jacket with a white V-neck T-shirt inside. He also wore a stainless necklace. Naghuhurumintado na naman ang puso ko. Kasi naman eh! Ba't naman bigla-biglang sumusulpot! ‘Di ko mapigilang ma-conncious dahil baka kung ano na ang hitsura ko. "Yes, you may..." Ramdam ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi ng napagtanto ang sagot nito. Aaminin ko sobrang kinilig ako ngunit muli ay pinigilan ko ang aking sarili. "Di nga?" Ngunit yung bibig ko ang hindi ko napigilan, agad kong natuptup ang bibig sa wala sa sarili kong sagot. "Joke lang!" Agad na bawi ko sa sinabi. Nahihiya akong ngumiti. He amusedly smiled at me. Tinungkod nito ang isang kamay sa counter habang ang isa nama'y itinaas nito tungo sa pisngi ko, ‘di ako agad nakakilos, para akong na estatwa. Pinunas nito ang hintuturo sa pisngi ko. "May chocolate ka sa pisngi." He smiled again ngunit biglang nagambala ang mga alaga ko sa tiyan ng dinala nito sa bibig ang hintuturo at sinipsip. "You tasted so good." He winked at me. Napakapit ang dalawa kong kamay sa edge ng counter upang doon kumuha ng lakas dahil biglang nanlabot ang mga binti ko. Pakiramdam ko mahuhulog na ko sa kanya este matutumba! Tila hinigop nito ang buong lakas ko. "Samonte! Trabaho muna bago landi! Ang haba na ng pila!" Napatayo ako nang tuwid ng marinig ang sinabi ng manager ko. "Si Maam talaga, di naman!" "What's yours sir?" Tanong ko kay Kevin. "You." Tangina naman itong bebe ko! Lakas maka fall! Kinagat ko ang pangibabang labi upang pigilan ang sariling ngumiti. "Anong order mo sir." Tanong ko ulit. Specific na yun sana nama'y may matino na tong sagot. "Sorry. It's my first time here, ano bang masarap?" "Ako." Nanlaki ang mga mata ko ng muli'y diretsong sumagot ang dila ko. "I mean, ako tinatanong mo, sir? Lahat po sir masarap!" Natawa ito. "Okay! Give me everything on the menu, make it two pieces for every item." Saad nito. "Maubos mo lahat to?" Nanlaki ang mga mata kong tanong sa kanya. "Ubusin natin.Hintayin kita, let's eat together." Sagot nito sa tanong ko na muling nagpalaki ng mga mata ko. "Sir?" Kinklaro ko dahil baka ka ko nabibingi ako but the thoughts of us eating together, nakakasabi na nakakakilig. "It's Kevin. Just call me Kevin, Chez. We're classmates." "But I'm still working." "Who cares! Just call me Kevin." Kinuha nito ang ilang libo mula sa pitaka at ibinigay sa akin. Binilang ko ang perang inabot nya, sobra ito ng five thousand, inabot ko pabalik ito sa kanya ang sobra. "Sobra po." "Keep the change. Tip ko na sayo yan. I know you need it. You still have five minutes. I won't start unless sabayan mo ko. Okay?" Saad nito bago tumalikod at naghanap ng pwesto. Napaawang ang mga labi ko, ta-tanggi pa ba ako? ‘Di ko alam kung paano niya nalaman na kailangan ko ng pera pero tama siya napakalaking tulong na ng tip nya sa tuition ko. "Hoy girl! Manliligaw mo yun? Ang taray ha! Ang guapo!" Saad ng kaibigan kong si Jules. Kasabayan ko siya ng shift. Nasa locker room kami at kasalukuyang nagpapalit ng damit. "Hindi! Classmate ko lang yun, ka partner ko sa isang activity sa clase." pagtutuwid ko rito. "Seryoso nga? Ba't ang landi kung tumingin sayo?" "Ganun lang talaga yun!” "Ang landiin lahat ng babae?" "Oo! Depende na lang kung magpapadala ka, pero impossible naman kung nilalandi nya ko, kita ko mga dinidate nun. S,obrang gaganda at sesexy!" Li,him akong nasaktan sa sinabi. "Maganda ka naman kulang ka lang ng ayus! Saan nyo ba balak gawin yung activity?" "Sa condo nya-" Nagulat ako ng bilang napatili ito. Napatingin sa amin ang ibang ka shift nami. "Aaaaack! Seryoso? Landiin mo! Alam mo mga lalaki kahit ‘di kagandahan pumapatol yan basta makascore lang-" "No way! Di ako ganun ka desperada no! At isa pa may pangarap ako!" Saad ko rito. "Landi lang naman, wag kang magpapa buntis! Ano ka ba naman!" patuloy nito. "Ayoko!" but part of me doubted myself. "Ayaw mo ! Pero pumayag ka pumunta sa condo?" "School works pakay namin at tsaka libre wifi roon." Maya-maya ay lumabas na ko pero halus iligo ko na ang pabango ko sa katawan. Nakakahiya naman, napakapresko at ang bango pa ng kasama ko tapos ako amoy fried chicken. He was busy playing on his phone when I went near and sat in front of him. Napa-angat ang tingin nito sa akin. He smiled at me. Tinago nito ang cellphone sa bulsa. "Pasensya ka na natagalan ako.” Saad ko rito. "No, It's okay. Have a seat.” Ang rami ng inorder nya, tyak di namin mauubos lahat ng ito. Sinabayan ko siyang kumain. Inuna ko yung desert dahil natunaw na. ‘Di ko kinain yung free meal ko dahil of course mas gusto kong kumain kasama sya, kahit kanin lang inorder niya okay nako basta makasabay ko siya. Lihim akong napangiti, pangarap ko lang ito noon ngunit heto at natupad na. At isa pa Mas masarap ulamin yung kaharap ko. Mariin akong napapikit at pinilig ang ulo dahil sa kaharutan ng isip ko. "Okay ka lang? " He asked. "Ha? Ah Oo... " Nagpatuloy ako sa pagkain. Yung fried chicken lang ang kinain ko pagkatapos ng desert. Tinapos ko lang ang softdrinks ko, busog na agad ako. He only ate two burgers and fries. Pagkatapos nitong inumin ang softdrinks ay kumuha ito ng tissue at pinahiran ang sariling bibig. "Are you full?" Kapagkuwan tanong nya. Tumango lang ako. "Let's go then." Aya nito sa akin. "Ha? Pero ang rami pa nito.. " Pinasadahan ko ng tingin ang mga pagkaing ‘di pa nagagalaw, sayang naman kung iiwan lang namin. "It's alright, just leave it there- " "Pwede ko ipa balut? Okay lang?" Nakakahiya man ngunit nakakapanghinayang kasi. Tinignan nya ako. I was hoping he would say yes. "Hmm sure..." Napangiti ako. Dali-dali akong tumayo. Nanghingi ako sa mga ka crew ko ng pambalot. Dinamihan ko na dahil ang dami talaga ng in-order nya. Mabilis ang mga kilos ko habang isa-isang binalot ko ng brown paper bag na may logo ng fastfood chain ang mga pagkain. Napatingin ako sa kanya ng tulungan nya kong isilid ang mga ito sa paper bag. "May lakad ka pa ba? Sandali lang talaga ha?" Niyakap ko ang dalawang malaking paper bag. Sinubukan kong i-angat ngunit ang bigat pala kaya ibinalik ko ito sa lamesa. "Tulungan na kita." Saad nito sabay kuha sa isang paper bag. "Salamat." Nginitian ko sya. Nauna akong humakbang papunta sa pintuan ngunit bago pa man ako makalapit sa glass door ay nilagpasan nya ko. Inawang nya ang pinto. Hinarang niya ang sarili upang wag bumalik sa pag-close.Gumilid ito upang makadaan ako. "Thank you. " Saad ko muli sa kanya. Napakagwapo na nga, napaka-gentleman pa Lumapit ako sa mga batang lasangan. Isa-isa kong ibinigay sa kanila ang mga pagkain. Medyo nagkagulo pa dahil nga ‘di magkakapareho ang nakuha nila. "Akin to!" "Gusto ko nito!" "O, wag kaayong magaway bagkus magpasalamat kayo dahil nakatanggap kayo ng blessings" Saad ko sa mga bata. Buti naman at sumunod ang mga ito sa akin. "Salamat po ate!" Ngumiti ako, ginulo ko ang buhok sa cute na batang maliit. "Walang anu man po!" Galak kong tugon sa kanya. Unti-unting lumapit ang iba pa upang makahingi. Napalingon ako kay Kevin, napangiti ako ng isa-isa niyang dinistribute ang laman ng paper bag na dala niya ngunit ‘di nagkasya yung dala naming dalawa. May ibang ‘di nabigyan, nahabag ang puso kong pagmasdan ang mga hitsura nila. "Pasensya na mga bata-" "No! Wait for me here. Sandali lang to." Saad ni Kevin bago patakbong pumasok muli sa loob ng fast food chain. Napakunot noo ako pero hinintay ko pa rin sya. Medyo natagalan bago ito lumabas muli. Kay lapad ng ngiti ko ng kasunod nya ay mga kapwa ko crew ng McBee. May kanya-kanyang bitbit ang mga ito ng tray na may lamang maraming nakakahon na pagkain. They are all fried chickens. Tumulong na ko sa pag distribute. Kay lapad ng ngiti ko habang nagpatuloy sa pagbibigay ng mga pagkain. Kay raming binili ni Kevin. Tantya ko inubos nya lahat ng fried chicken na nakastock sa store. ‘Di lang mga bata yung nakapila, may mga matatanda na ring nakihingi ngunit binigyan pa rin ito ni Kevin. "Let's go?" Napatigil ako sa pamimigay ng ayain na ko ni Kevin umalis. Tumango na ako bilang tugon baka lang kasi may ibang lakad pa to. Nauna itong maglakad papunta sa pinag paradahan nya ng motor. Nang makalapit ay kinuha nito ang isang helmet. Buong akala ko'y isusuot nya to sa sarili nya ngunit laking gulat ko ng sa akin nya isinuot ito. Mabuti na lamang at may nakaharang na salamin at ‘di nya nikita ang pamumula ng pisngi ko. Kay lapit pa ng gwapo ang mukha. Kinabit nito ang lock ng suot kong helmet. Inayos pa nya ang pagkakalagay bago nito isinuoFirmg isa pang helmet. Sumakay ito. Sinusian at pinatunog ang magarang motorsiklo, nakamasid lamang ako sa kanya. Napalunok ako. Napaisip ko kung paano ba sumakay na ‘di mag-la-lapat ang katawan naming dalawa? ‘Di sa hindi ko gusto, sa katunayan pangarap ko lang ang makasakay sa motor nya ngunit heto ako abot kamay ko na muli ngunit nakakailang pala kapag nasa actual na. Itinayo nito ng tuwid ang motorsiklo, ang dalawang paa ay naka-sayad sa lupa, binabalase upang wag itong matumba. Ang dalawang kamay ay nasa magkabilang hand grip. He didn't wear his gloves today. Itinaas nito ang salamin ng suot nitong helmet ng ilang segundo ang lumipas ay nanatili pa rin akong nakatayo. "Chez, sakay ka na." Malumanay nyang saad. Nagitla ako. Tangina! Bakit ba ninerbyos ako sa tuwing na sa malapit sya? "Ha? Ah... sige... " Ang taas ng pagsampahan ko kaya kahit nanginginig ang mga kamay ko ay humawak pa rin ako sa kanyang balikat. Napapikit ako, ang tigas. Nilagay ko ang isang paa sa mataas na footrest at sumampa. Parang napapasong agad akong napabitaw sa paghawak sa kanyang balikat. Nilagay ko ang dalawang kamay sa likod ng inupuan ko. "Chez, mahuhulog ka nyan, kumapit ka ng maayos." "Nakakapit na." Mahina kong saad ngunit sakto lang upang marinig nya. Nilingon nya ko. Binitiwan nito ang hand grip, tila may hinahanap sa gawi ko. Ganun na lamang ang pagsipa ng puso ko nang kapain at abutin nang magkabila niyang kamay ang mga kamay ko. Sa unang pagkakataon naglapat ang mga kamay naming dalawa. Ganito pala ang pakiramdam mahawakan nya, nakakanginig ng laman, nakakabulabog ng puso, nakakahurumintado ng buong kalamnan. Ang lamig ng mga kamay nya or was it mine. Dinala nya ang mga palad ko sa ibabaw ng kanyang tiyan. Dahan-dahang lumapat ang katawan ko sa malapad nyang likuran, I was tempted to rest my head on his back but at least I got my chance to sniff him unlimited. I didn't have a choice but to hug him from behind, my heart was beating so fast and hard. f**k those abs! Firm and strong! We were in an open space but I'm sweating damn hard. "I just want you to be safe, Chez while you're with me..." saad ng baritono niyang boses na ikinalaglag ng puso ko. Now I know why those girls always ended up crying after being dumped by him. He always makes you feel special and well taken care of… But It's just his personality… Sweet and caring… The one who falls first. Will surely lose...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD