Brooooooom! Brooooom! Broooooom.
Heto na naman siya. Pinapakaba ang nanahimik kong puso. Ginugulo ang mga nilalang sa aking tiyan at ginagambala ang buo kong pagkatao wala naman itong ginagawa at nakatunghay lamang ako sa kanya.
Nakatayo ako ‘di kalayuan sa parking lot ng school. Hawak ko ang magkabilang strap ng dala kung backpack. Ang angas niyang tingnan habang pinaparada ang kanyang magarang bigbike. He was with his Ducati Panigale V4, sinearch ko pa talaga ang model ng magara nitong motor.
Walang ‘di napapatingin. Walang ’di napapalingon. Walang hindi mapapahanga sa taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. Ang lakas ng dating niya. Laging naaagaw nya ang atensyon ng lahat ng kababaihan sa campus at isa nako sa mga nakapila.
Sino ba ang hindi? He's Kevin Aidan Arevalo. The son of multi-billionaire Kristoff Arevalo. Kilalang-kilala sa larangan ng negosyo. Laging laman ng mga pahayagan, mapa-television man, mapa-radio o kaya’y mapa-newspaper.
Ang gwapo nya, malalim na mga mata, makapal na kilay, kay tangos ng ilong, at pamatay na ngiti. ‘Di nakakasawang tingnan. Ang tangkad pa nya at kay ganda ng built ng katawan. He got tattoos too but my most favorite was his full sleeve tattoo, ang astig lang, mas lalong nakakadagdag sa angas nito. He has a piercing on one of his eyebrows.
Sinusundan ko ang bawat galaw nito mula sa pa isa-isang tinanggal ang suot na gloves nito sa magkabilang kamay, bago dahan-dahang tinanggal ang suot nitong helmet, hindi nakaligtas sa mga mata ko kung paano nakakadagdag sa kagwapuhan nito ang pagulo ng mahaba nitong buhok sabay ayos nito gamit ang isang kamay. Mapapamura ka na lamang na sa simpleng gesture nito ang lakas makalaglag ng panga, pati panty. Nakakapang lambot ng tuhod at sa simpleng galaw nito kay lakas na ng tama sa'ming humahanga sa kanya.
Iniwan lang nito ang ginamit na mamahaling helmet sa kanyang bigbike bago nagsimulang humakbang papunta sa direksyon ko. s**t! Lihim na napamura ako ng magtama ang tingin naming dalawa. Why was he staring at me? Shocks! Nakaka-lusaw ang mga tigitig niya! Na para bang biglang nag-slowmo yong mundo ko habang papalapit ito sa kinaroroonan ko. Biglang naging kaming dalawa na lamang sa paligid. Wala akong ibang naririnig kundi ang lakas ng t***k ng puso ko habang hinihintay s'yang makalapit sa akin ngunit agad rin akong nabalik sa katinuan ng biglang umeksena ang isang maganda at sexy na babae.
Hinarangan nito ang maganda kong view. " Shannia... " Sambit nya sa pangalan nito, tinig pa lang nya nakakakilig na, napaka baritono, lalaking-lalaki.
"Do we really need to break up... " Humihikbi nitong saad. Nais ko mang magpatuloy sa paglalakad ngunit ‘di ko maiwasang makimarites. He smiled at the girl. Inilang hakbang nito ang babae. He stood up in front of her, towering her. Magaan na hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi, pinunasan ang luha nito gamit ang dalawang hinlalaki.
"Please stop crying, nasasaktan akong nakikita kang umiiyak." Napataas ang isang kilay ko. Ilang beses ko na bang narinig ang script nya everytime na may babaeng lumalapit dito at umiiyak dahil hiniwalayan nya. "Looked at me, " He sincerely said. Animo'y totoong-too. Tinitigan nito ang babae sa mga mata, kahit kabisado ko na ang linyahan nito ay pinakinggan ko pa rin ang sasabihin nitong pampalubag sa babaeng tiyak ay pinagsawaan na nya. "You're pretty. you're gorgeous, you’re talented, you’re smart, nasa iyo na yata ang lahat. Ang swerte ng lalaking mamahalin mo, napakaswerte ko at isa ako doon but we need to focus on our studies. Do you have dreams right? And so am I. Masyado pa tayong mga bata to settle down but if our path ever cross again in the future, who would have know baka tayo talaga ang nakatadhanang dalawa." Paniwalang-paniwala naman yung babae sa sinabi nito, ‘di nya alam pang-isang libo na sya sa mga nasabihan nito. "Can I have a little favor? " Patuloy ni Kevin, maraha namang tumango ang babae. "Can we still keep our past relationship as a secret? Please. I just want it to be special between you and me." I rolled my eyes when she smiled and nodded.
Pang-isang libo at isa, I counted.
"Can I hug you at least for the last time?" He continued. Damn! Sino bang babaeng patay na patay ang hindi maniniwala sa kanya? Eh, ako nga kahit ilang beses ko ng nasaksihan ang panggagago nya ay heto pa rin ako patuloy na hinahangaan ko pa rin sya.
Napangiti na ang babae. Nanlaki ang mga mata ko ng biglang napatingin sa aking gawi si Kevin, napakunot ang noo, agad akong napabawi ng tingin at malalaki ang mga hakbang na tinungo ko ang daan patungong classroom.
"We're going to have an activity. Feel free to choose your partner." Sa lahat ng ayaw ko ay yung groupings or by partner. Wala akong kaibigan, back subject ko lang to. I dropped this subject last year dahil ‘di na kinaya ng sched ko. I'm a working student, part time crew ako sa isang sikat na fast food chain sa hapon at call center agent naman sa hating gabi. Kulang-kulang ang tulog ko ngunit kailangan kong magbanat ng buto para makamit yung pangarap ko at ipagmalaki ako ng taong lagpas langit ang galit sa akin, ang tatay ko.
I only have myself, wala akong pamilya. Mali! May pamilya pala ako ngunit ‘di ako tinuturing na pamilya niya dahil ako ang kanyang sinisi kung bakit namatay si mama. Galing ako sa masayang pamilya. Mahal na mahal ako ng aking mama at papa ngunit isang aksidente ang nagpabago sa masaya kong buhay.
We were just done attending a mass nang magpumilit akong kumawala sa hawak ni mama dahil hinahabol ko ang mamang nagbebenta ng lobo. Nang ‘di ko napansin na patungo na pala ako sa kalsada, tinulak ako ni mama at sya yung nasagasaan ng malaking kotse. Simula ng pangyayaring iyon, araw-araw na akong sinisisi ni papa sa pagkawala ni mama. I was just seven years old at that time.
Kung noong buhay pa si Mama ay kailanman hindi ako napagbuhatan ng kamay ni papa ngunit noong nawala si mama kahit simpleng kamalian ko ay lagi na niya akong pinagbubuhatan ng kamay. Pinagtapos niya ako ng highschool ngunit ng tumanggi na itong pag aralin ako ng kolehiyo ay nakipagsapalaran na ako sa syudad. Kaya doble ang kayod ko sa pagtatrabaho ko ay para matustusan ang araw-araw na pangangailangan ko at ang pag aaral ko sa kolehiyo sa paaralang pinapangarap ko. Sa awa ng diyos ay nasa huling taon na ako ng kursong Civil Engineering. Huling taon ko na! Pasasaan ba at magbubunga din lahat ng paghihirap ko.
Iilan lang ang kaklase kong mga babae ngunit mas pinili ng mga itong makipagpartner sa mga lalaki. Kakasimula lang ng clase ngunit may activity na agad. Ni isa sa mga lalaki ay walang gustong makapartner ako, siguro dahil sa itsura ko. Mukha kasi akong siga. Kay laki ng kupasing t shirt ko habang nakabun ang mahaba at itim kong buhok, suot ko’y lawlaw na jeans at lumang converse na kung uulan ay tumatagos ang tubig sa loob nito.
Naghihintay lamang ako kung sino sa kanila ang walang mahanap na partner upang makapareha ko, walang choice kung baga ngunit yung total number ng class ay odd pala so expected sobra ng isa. Well, okay lang naman sa akin mag-isa, sanay na naman ako, mabuti na yun at walang inaalalang ka partner.
"Good afternoon Ms. Sineneng! I'm so sorry I'm late and I just got in today, I enrolled late-"
"It's so okay Mr. Arevalo! We just started! Go have a seat!" bakas ang ningning sa mga mata ng dalaga naming instructor habang nakatunghay sa bagong dating.
Damn! Narinig ko lang boses nya nag-panic na agad puso ko. This would be the first time na maging kaklase ko sya, ahead kasi ako ng isang sem sa kanya. Naestatwa ako ng piliin nya ang bakanteng silya sa tabi ko, wala rin naman itong choice dahil iyun lang din ang natitirang bakanteng silya sa loob ng classroom.
"Mr. Arevalo, choose your partner for our activity for today. Sino pa ba dito walang part-"
"Ms. ako!" Halus magkasabay-sabay ang lahat ng babaeng kaklase ko.
"Hoy! Partner tayo!" Saad naman ng kanina'y napili nilang mga ka partner.
"May ka partner ka na?" Pakiramdam ko nanayo lahat ng balahibo ko ng biglang bumulong ito. Tangina!
Kay bilis ng t***k ng puso ko, totoo ba to? Ako talaga kinakausap nya?
"Miss, do you already have a partner?" Dahan-dahan akong napalingon sa kanya, nagtama ang mga mata naming dalawa at ako nga yung tinatanong nya. He was looking straight at me, hinihintay ang sagot ko. Bigla itong ngumiti, naman eh! Ngiti nya yung kahinaan ko. I was hypnotized, kusang umiling yung ulo ko. He bit his lower lip, bahagyang yumuko upang itago ang muling pagngiti nito. "Ang cute mo talaga." Kusang napaawang ang mga labi ko sa sinabi nya. Sinabihan nya ko ng cute? Ang sarap mangisay sa kilig. Lumingon ito sa harapan. Napaayos na rin ako ng upo. "Ms. Sineneng, It's Ms. Samonte po."
Napalingon ako sa kanya, napakunoot ang noo ko, damn! How did he know my name?
Hindi namin natapos ang activity ngunit kailangan ipasa sa susunod na meeting. I was so amazed dahil’ di lang pala to puro papogi may utak rin. Matalino akong tao ngunit ngayong katabi ko sya hirap paganahin ng utak ko kasi siya lang ang naging laman nito, daman! Lagi pa nya akong nahuhuling nakatingin sa kanya at imbes na kastiguhin ako ay nginingitian niya lamang ako. Tila naaaliw sa nakikita niyang reaksyon ko.
"Ako nalang tatapus nito." Alok ko sa kanya.
"No! By partner nga ‘diba? Let's finish this together." Saad niya.
"Okay lang naman, ang dami mo nang naiambag, at least let me do my part." Nagpupumilit ako. Sobrang nakakahiya kasi.
"In my place or yours?" Imbes ay biglang tanong nito. Napatigil ako bigla. Napatingin muli ako sa kanyang mga mata. May in my place na agad?
"We need to finish this so we can pass it on to the next meeting. So, you choose to where we can finish it." Nanatili akong nakatitig sa kanya. Nilagay nito ang dalawang siko sa armchair at dahan-dahang inilapit ang mukha sa akin. "Sa condo ko o nang sayo?" Mahina nitong saad. Bumaba ang tingin ko sa mga labi nito, pakiramdam ko nilalandi niya ko. Wala sa sariling napalunok ako, bakit iba ang pagbigkas nito sa sinabi na para bang may ibang kahulugan.
"Sayo." Biglang naibigkas ng mga labi ko, nanatiling nakatitig sa mga labi niya.
Gusto ko mang kastiguhin ang sarili ngunit huli na para bawiin ang sinabi.