Chapter 3

2284 Words
Kay higpit ng kapit ng mga kamay ko sa kanyang tiyan. Sa porma ng motor nito ay ‘di maiwasang maglapat ang katawan naming dalawa, ang dibdib ko sa malapad nyang likuran, ang mga braso ko sa kanyang katawan. ‘Di ko na kailangan pang mag effort para makatyansing, tadhana na ang kusang gumalaw. Sinamantala ko na ang pagkakataong amoyin sya hanggang sa mag sawa ako! Mas hinigpitan ko pa nga ang yakap ko sa kanya, hinilig ko ang ulo sa ibabaw ng likod nya, kay sarap manatili dito ng habang buhay. Kay lapad ng pagkakangiti ng labi ko, sabay pikit habang dinadama ang sarap ng pagkakalapit ng katawan naming dalawa. Kay sarap sa pakiramdam! Ganito pala ang feeling ng mga babaeng nagkakaroon ng pagkakataong makaangkas sa motor nya? Binabagtas na namin ngayon ang daan papunta sa kanyang condo. Ang angas nyang magpatakbo, lakas makadagdag ng pogi points. Yung mga swabi nyang galawan sa tuwing nagoovertake sa mga nauunang sasakyan sa talagang nakakapigil hininga. Sumasabay ang katawan ko sa bawat pag kambyo nya pakanan man o pakaliwa. Napapikit ako sa tuwing Ganun pama'y di ako nakaramdam ng takot bagkos ay nageenjoy pa ko. Maya-maya ay pumasok kami sa spiral na daanan pataas ng building ng kanyang condo unit. ‘Di ko mabilang kung nakailang floors kami, ang astig dahil may sarili itong parking space. Huminto kami sa harap ng itim na parang malaking bakal na gate. May pinindot lang ito sa bitbit nitong parang car key at biglang tumaas ang roll up door. Akalain mo roll up door pala iyon ng garahe nito. Agad na tumambad sa harapin namin ang ilang nakahelerang magagarang sasakyan at isa pang bigbike. May malaking bakante sa gitna kaya doon nya dinala ang motorsiklo. Nakadalawang rev ito kasabay ang malakas na ingay bago nito pinatay ang makina. Hinintay muna nya akong makababa, bago nito pinatayo ang side stand sa sahig na semento. Kinapa ko ang lock ng suot kong helmet upang tanggalin ito mula sa akin ngunit nahirapan akong i-unlock iyon. Bumaba ito sa kanyang bigbike, nilapitan nya ako, suot-suot pa rin nito ang helmet nya. Heto na naman yung puso ko, nagsisimula na namang maghuhirumintado. Yumuko ito at kinapa ang lock ng helmet, walang kahirap-hirap na in-unlock at hinubad nya to mula sa akin. Sinunod nya ang kanya. Tumingala ito at mahinang ginalaw ang ulo upang umayos sa pagkakabagsak ang malambot nitong buhok. ‘Di pa ito nakuntento, pinasada pa ang mga daliri sa buhok nitong nagulo na. Nilagay niya ang dalawang helmet sa babasaging lalagyan nito na may nakahelerang iba't ibang design na sa tingin pa lang ay alam mo ng mamahalin. Nauna siyang maglakad, tinungo nito ang isang pintuan, hindi pa rin humihinto sa pag takbo ang puso ko, mas bumilis pa nga ang pagtibok nito. Ba't ba iba ang pakiramdam ko sa isiping kami lamang dalawa at sa loob pa mismo ng condo unit nya? Haist! Ano ba ang iniisip ko! Ang harut! As if naman papatulan ako ng isang Kevin Aidan Arevalo! Ganun pama'y ‘di ko pa rin maiwasang pagpawisan kahit naka aircon naman yung garahe nya. Oo ganun sya kayaman! Pati kotse at motor naka air conditioning. Tiga sana all na lang talaga ako sa kanya. Sobrang perfect niya at nang buhay meron siya. Napa-isip tuloy ako kung may maipipintas pa ba sa kanya. Nakasunod lamang ako sa kanyang likuran. May pinindot itong numero sa gilid at nang mag-beep ay saka lamang niya tinulak ang pintuan papasok ng silid. Nanatili akong nakatayo sa gilid ng pintuan. "Come in Chezka." Napatingin ako sa kanya nang tawagin nya pangalan ko, nakangiti ito sa akin, napalunok ako, yung puso ko kay lakas ng sipa talaga. “Sandali.” saad ko bago ako umupo para tanggalin ang suot kong sapatos, nakakahiya at baka madumihan ang makintab nitong sahig. Napasinghap ako ng mabilis itong umupo sabay hawak sa makabilang braso ko at giniya ako patayo. “You don’t need to do that. It’s okay!” kay lapit ng mukha niya sa akin, ang bango ng hininga niya, halos magkadikit na rin ang katawan naming dalawa, napatulala na naman ako habang nakatitig sa magaganda niyang mga mata. “Chezka?” untag niya sa akin, saka lamang ako bumalik sa aking katinuan. Nag-init ang magkabilang pisngi ko kasabay ang pagtaas ng magkabilang gilid ng kanyang labi. Napa-atras ako, nabitawan nito ang magkabila kong braso. “Come inside.” Nahihiyang humakbang ako papasok ng kanyang unit. Pinauna nya kong makapasok, ang bango talaga nya, sarap nyang yakapin, lihim na lamang akong napapikit habang siningot ko ang hangin na may halong pabango nya ng mapadaan ako sa kanyang harapan. Ang lapit nya lang, nakakatuksong yakapin ulit ngunit kapag nasa malapit naman siya, nakukunsyus ako bigla. Agad naman itong sumunod sa likuran ko. Narinig ko ang pag sarado ng pintuan nya. Wag kuya... Joke lang! Pero kung totoohanin ako pang magkukusa, char! Ang harot ko talaga. Buhay na yung ilaw sa loob, kaya kita ko ang ganda at ang linis ng kanyang paligid. Nakakabighani ang disenyo ng unit nya, modernong-moderno. Kombinasyon na puti, itim at gray ang kulay ng pintura at mga kagamitan sa paligid. Di mo maikakailang lalaki talaga ang nagmamay-ari. "Have a seat! Kukunin ko lang yung laptop ko sa study room." nginitian ko lamang sya bago ito tumalikod at tinungo ang sinabing kwarto. Umupo ako sa malapad nyang couch, marahan pa akong lumubog dahil sa lambot nito. PInatalon-talon ko ang pag-upo sa malambot niyang couch, napangiti muli ako. Napalinga-linga pa rin ako sa kabuohan ng kanyang lugar. Kay sarap sa mata, dati, sa pinterest ko lang to nakikita ngunit ngayon hawak kamay ko pa. Habang hinihintay sya ay nilabas ko ang yellow pad mula sa dala kung backpack na sinulatan namin kanina para sa activity namin kay Ms. Sineneng. Ipinatong ko sa ibabaw ng center table nya. Nilabas ko rin ang ballpen ko at ang cellphone upang ipagpatuloy ang pag re-research. I was so busy transferring my thoughts from what I've read on my phone to the yellow pad nang mapatigil ako dahil sa taong nakatayo ngayon sa harapan ko. Unang nakaagaw ng pansin ko ang mga hita nito, dahan-dahang umangat ang tingin ko hanggang sa mapadako ang mga mata ko sa umbok ng suot nyang boxer shorts. Napalunok ako, ang laki, I mean ang hirap lumunok. Alam kong hindi magandang tingnan para sa isang babae ang tumitig sa ipinagbabawal na parte na iyon ng lalaki ngunit ‘di ko talaga maawat ang sariling mapatitig dito lalo na't abot kamay ko na. Damn! Virgin pa ko ngunit napakahalay na ng imahinasyon ko. Nanlaki ang mga mata ko ng yumuko si Kevin bigla upang ilagay sa lamesa ang bitbit nitong laptop. Tinitigan nya ko sa mga mata, mariin, ‘di ako makakilos, habang nakikipag titigan sa kulay asul niyang mga mata. Kay lapit nya mula, dalawang pulgada marahil. Kay lakas ng talbog ng puso ko na naman, gustuhin ko mang magbawi ng tingin ngunit ‘di ko magawa. Kay sarap nyang titigan talaga. Bumaba ang mga mata ko ng dahan-dahan nitong kagatin ang pangibabang labi kasabay ang pagtaas ng gilid nito. Wala sa sariling napaawang ang mga labi ko. "Masyado yatang nagustuhan ng mga mata mo ang nakita, ni kumurap ‘di mo magawa." Ngumisi ito ng pilyo. " Wag mo ng ulit gagawin yun, nangangagat to pag tinititigan." Biglang gumapang ang init sa magkabila kong pisngi. s**t! Nakakahiya! "Masakit ba mangagat yan!" Damn! Ba't ba may sariling isip ang dila ko kung ano-anong sinasabi. "Masakit pag first time. Gusto mong i try? " napalunok muli ako. Yung puso ko nagwawala na! Yung alaga ko sa tyan nabulabog bigla! "Joke lang!" Biglang bawi nya. ‘Di ko alam kong ba’t nakaramdam ako ng dismaya. "But jokes are half meant." napaismid ako, tinawanan nito ang reaction ko. Tumayo ito, lumipat sa tabi ko, umusog ako upang wag magdikit mga braso naming dalawa, dahil hindi talaga ako makakapag-concentrate mabuti sa tuwing may mga bahagi ng katawan namin ang magkakadikit ngunit kahit pa nga, magkalapit lang kaming dalawa, kahit ang masilayan lang siya ng mga mata ko o kaya’y maamoy ko ang pabango niy, nawawala na ako sa sarili, ganito pang magkatabi kaming dalawa at kaming lang sa lugar na ito. Nasa harapan lang ang tingin ko, sumisipa lalo yung puso ko. Yumuko ako, tiningnan ko ang screen ng phone ko nagpapanggap na nagbabasa ngunit wala talaga doon ang isip ko. Pinilit kong mag-concentrate ng maayos ngunit ang hirap kasi, ang lapit-lapit nya. Tapos, he was only wearing a sando and boxer shorts. "Umpisahan na natin.” Napalunok ako ng marinig ang sinabi nya. "A-ng a-lin?" kandautal kong tanong, mabuti na yong sigurado tayo kung pareho ba kami ng iniisip. Naramdaman ko ang mga titig nya, pinipigilan ko ang sariling lingunin siya. "Ikaw, ano bang gusto mong umpisahan?" naman kasi! Ba't naman may ganyang tanong na naman, eh! Ang bobo ko pa naman sumagot sa mga ganyan. "Yung ac-ti-vi-ty na lang." mahina kung saad. "Parang ‘di ka naman sigurado sa tanong mo, parang mas gusto mong umpisahan ang unang nasa isip mo." sunod-sunod ang paglunok ko, alam kaya nito ang laman ng isang bahagi ng utak ko. Gusto kong isipin na inaakit niya ako pero may bahagi ng isip ko na mali ang pagkaka-intindi ko. “Wala naman akong ibang iniisip.” “Ako rin…” sagot niya. “Yung activity lang diba?” panigurado ko, nanatili pa rin ang tingin ko sa harapan, ramdam ko pa rin ang maririin niyang mga titig sa tabi ko. “‘Di ko naman iniiisp yung activity.” “Kung ganun, ano?” “Ikaw… Ikaw lang…” napalingon ako bigla ngunit agad ring napa-atras ang ulo ko ng muntikan ng mag-abot ang labi naming dalawa, kay bilis kong binaling ang mukha sa harapan. “S-imulan na natin.” pagiiba ko ng usapan, dahil baka kung saan pa mapunta ang ikaw-ikaw na yan. “Yung activity ba?” “Oo, yun na muna.” nakagat ko ang pang-ibabang labi sa lumabas sa bibig ko. Narinig kong mahina itong natawa. “Okay… bilisan na natin para yung iba naman gawin natin.” ‘Di ko alam ngunit kinilig ako sa banat niyang iyon. Alam kong sinasakyan niya lang ang pagkalutang ko. ‘Di ko na siya sinagot pa at bumalik ako sa pagre-research kahit ang hirap pagalawin ng utak ko ngayon dahil okyupado ng gwapong katabi ko na mariin pa ring nakatitig sa akin. Sandaling nanaig ang katahimikan, sa gilid ng mga mata ko nakita kung nakatitig na to sa monitor ng kanyang laptop. Maya-maya ay narinig ko na itong nagtitipa sa keyboard. Medyo nakahinga na ako ng maluwag ng sa tingin ko'y nasa activity na nito ang pansin. "Chezka look at this thought." Napalingon ako sa kanya, he slid his laptop near me. Binasa ko ang tinutukoy nito. Napatango-tango ako. "Ano sa tingin mo?" "Yeah... pwedeng-pwede.. Sige isulat ko." Ideya nya lahat ng sagot, ako lang yung taga sulat. Napaka-ideal man nya talaga. Ang bilis ng utak nya. Napakatalino na nga, napakagwapo pa. Sana lahat biniyayaan ng lahat na magandang katangian. Higit kumulang isang oras ay nasagot na namin lahat. Kailangan na lang itipa ito sa word at iprint. Ako na rin ang nag volunteer magtype may isa't kahalating oras pa ko para sa shift ko bilang call center agent. "Do you like coffee? Ipagtitimpla kita. " Napatigil ako sa pagtipa, nakakatukso ngunit mas nanaig yung hiya ko. "Wag na! Malapit na rin naman to matapos." Tanggi ko at pinagpatuloy ang pagtitipa sa laptop niya. Binalik ko ang atensyon rito. "No! I insist!" Tumayo ito at tinungo ang kitchen niya. Sinundan ko sya ng tingin ngunit ‘di sinasadyang napahagod ang mat ko sa kabuohan ng likod niya hanggang sa mapadako ang mga mata ko sa umbok ng likod nito. Ang unfair ng world mas malaki pa pwet nya kaysa sa akin. "Chezka, I can see you... " Bigla akong napabawi ng tingin. Uminit ulit magkabila kong pisngi! Lihim na kinastigo ang sarili. Malapit na ko matapos ng nakaramdam ako ng p*******t ng likod. Nag-una ako at sandaling minasahe ang balikat ko at leeg. Maya-maya'y naramdaman ko na ang presenya ni Kevin sa likuran ko. Mula sa likod ay dahan-dahan nitong nilapat ang umuusok na tasa sa ibabaw ng lamesa sa gilid ng laptop niya. Nanindig ang mga balahibo ko sa batok ng maramdan ko ang mga kamay ni Kevin sa magkabilang balikat ko. I put down my hands. "Kevin..." "Relax, you're gonna love it." He's right. Ang sarap nya! I mean ang sarap nyang magmasahe! Unti-unti kong sinandal ang likuran sa sandalan ng couch. Napapikit ang mga mata ko ng kusa habang inienjoy ang masahe nya. It felt so relaxing. "How does it feel? Hmmm… " "Ang sarap..." Parang gusto ko na lamang matulog… "I told you so..." saad niya at nagpatuloy sa pagmasahe sa akin. Maya-maya ay huminto ito. Umikot ito sa couch at muling tumabi sa akin. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko at nakasandal ang likuran ko sa couch. Sandali kong ninamnam ang kaluwalhatiang dulot ng pagmamasahe nya, ang sarap talaga, para akong lumulutang sa cloud nine lalo na at untimate crush ko pa yung nagbigay sa akin ng masahe, damn! Ang swerte ko lang! Ngunit bigla na lamang akong nakaramdam ng pagka-ilang ng maramdaman ko ulit ang paninitig nya. Kinabahan ako bigla ng maramdaman ko ang mainit na hininga niya malapit sa pisngi ko. "Have you ever been kissed?" Dahan-dahan akong napadilat ng mga mata, ang lapit na nga nya and he was intently staring at me. Napalunok ako, legit talaga yung kaba ko ngunit agad din akong napapikit muli ng tinawid nito ang pagitan ng mga labi naming dalawa...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD