Chapter 1- (Rex)

2249 Words
Two years later... ITALY "Boss..." Allejo showed him the different types of gun that they are going to smuggle. Rex smiled by looking at the different guns in front of him. Parang batang nakakita ng mga laruan. He picked a caliber 45 and check if it's loaded. He get a bullet and load it to the gun then points the barrel to one of his father's men and shoot him. Agad itong bumagsak na may tama ng bala sa gitna ng noo. "Woah! What the f*ck!" Gulat na sabi ni Allejo. Natatawa naman si Rex sa reaksyon ng kaibigan. He considered Allejo his friend more than an assistant. Loyal ito sa pamilya nila. He'd been tested many times without his knowing at hindi ito pumalya, never itong pumalya. "Just cut his head and send it to Agostis. It will inform them that I don't like them spying on me." Napailing na lamang si Allejo sa utos niya at iniisip na tila naghahamon talaga si Rex ng gulo sa pamilya ng mga Agosti, sa pamilya ng babaeng nakatakda nitong pakasalan. "Julianna will not like what you are implying, Rex." Mahinahong paalala ni Marcus sa kaniya, ang leader ng mga henchmen ng ama niyang si Don Gabriel. "That's what I really want, Marcus. I want war with them and I don't give a f*ck to what Julianna might like or not..." Napailing na rin si Marcus sa mga sinasabi niya. Si Julianna ang nag-iisang heredera ng mga Agosti. Nang misteryosong nagkasakit at mamatay ang mga nakatatandang kapatid nito ay ito na ang naiwang tagapagmana. When Julianna was eighteen, her father, the mafia boss of the Agosti’s clan died in his bed, rumor said that it was sleep paralysis that killed the previous mafia boss of the Agostis at namatay naman ng magkasunod ang mga nakatatandang mga kapatid nito pagkatapos lamang nito mag-celebrate ng debut noon. Ang nakatakdang pagpapakasal ng dalawang tagapagmana ng dalawang mabibigat na angkan ng mga mafia ay para matigil ang kaguluhan at para magkaisa sa mas malawak na imperyong mafia ang mga angkan nila na parehong ilang henerasyon na namamayagpag sa Europa. Julianna really wants to marry him but he has no interest in her but he admits that he is truly interested in controlling Agosti’s power. Nakita niya na parang may gusto pang sabihin sa kaniya si Marcus pero hindi na nito itinuloy nang makitang papasok na sa area nila ang ama niya na si Don Gabriel. BALEWALA NA DINAANAN LANG NG TINGIN ni Don Gabriel ang bangkay na sinisimulan nang iligpit ng mga tauhan ng anak niya. Siguradong may bago na naman nabiktima ang anak niya na nabistong umeespiya para sa ibang organisasyon. "Stop killing our men, Rex," he said in his low voice but the amusement in his tone was very obvious. He knows his son, he is not just killing anyone without any reasons. "I want to go to the Philippines," his son said out of nowhere, nakangiti na nakatingin sa kaniya. Napatingin lamang siya sa anak at sa ilang ulit na nitong sinasabi sa kaniya na gustong pagpunta sa Pilipinas. . He doesn't understand what is happening to his son. Simula nang magising ito mula sa comatose two years ago ay waring may nag-iba dito at palagi nitong kinukulit siya sa plano nitong pagpunta sa bansang Pilipinas. He gave his son a stern look. Rex used to be an easy-go-lucky type. Palaging masayahin. Mabarkada. Iresponsable. Palagi ito nasasangkot sa kaguluhan but everything seems changed after his comatose. Nagbago ang ugali nito at kung mayroon na lang itong natitirang ugali sa katulad na ugali nito noong bago ito na-coma ay ang ugali nito na kapag may gusto ay gagawin at ang pagiging mahilig nito sa pagta-travel. Nagtataka na talaga siya sa anak lalo na at minsan ay naririnig niya itong nagsasalita ng lengguwahe na matagal na panahon na niyang hindi naririnig. Lengguwaheng Pilipino. Ang lengguwahe ng ina nito. Si Miranda. "Papa..." tawag nito sa atensyon niya. "Of all the countries in the world, why Philippines?" tanong niya. Alam niya na gusto nito hanapin ang ina pero hindi ito ganoon noon, mahilig ito mag-travel pero hindi ito minsan man nagnais na pumunta sa lugar kung nasaan ang ina nito. "I want to find my mother and have a vacation too. I want to see her and ask her why she left me," sabi ng anak sa kaniya. Don Gabriel just look at his son. Natigilan. Sinenyasan na niya ang mga tauhan na iwan sila ng anak. Hindi niya gustong marinig ng mga ito ang pinag-uusapan nilang personal lalo na kung tungkol sa ina nito na mula noon pa man na pinoprotektahan na niya. Nang nakalabas na ang lahat ay muli niyang tiningnan si Rex. Hindi niya kailanman inisip na hahanapin ng anak ang ina nito. Rex grew up with him. Hindi ito nagtatanong tungkol sa ina nito. Hindi ito naghahanap. Pinalaki niya ito at nasanay na wala itong ina. May mga pagkakataon na may sakit ito noong bata pa at naghahanap ng ina pero sa paulit-ulit niyang paliwanag na hindi niya alam kung nasaan na ang ina nito ay nakasanayan na ni Rex na wala itong maaasahan. "I will let you go to the Philippines if that's what you really want but I don't understand the killing marathon you are doing with our men." "They are traitors, Papa. They work for Agostis." Napailing si Don Gabriel. May punto naman ang anak. Lagi nitong sinasabi sa kaniya na huwag silang basta magtitiwala lalo na at hindi pa nito maalala kung sino ang nag-traydor dito at naging dahilan ng pagka-comatose ng halos apat na taon. "After the arrangement with the Agostis be settled then I will let you go to find your mother." Pinal na sabi niya at lumakad na palabas ng bodega kung saan sila naroroon. "I AM NOT GOING TO MARRY THAT AGOSTI WOMAN," mahina niyang sabi pero nakaabot sa pandinig ni Don Gabriel. Agad itong napahinto at lumingon sa kaniya. "Just get to know her again, you used to like her too before. But if you still won't like her after trying to like her, then I surely will give you my word that I will let you do what you want to do and let you go wherever you wanna go." "You know that they are just into your organization, that woman Julianna is a viper!" "I am so glad that after you wake up, you start to become wary of women. I don't know what happened but I am thankful for the circumstances that happened. I will be rest assured that I will leave the organization to a son that will make it prosper more. You become responsible after almost four years of sleeping." Napangiti siya sa sinabi ng ama. Palagi nitong sinasabi na malaki ang naging pagbabago niya. Totoo naman. Talagang nagbago siya. "Stop saying about your retirement. I am not ready. Yet." Naiintindihan niya si Don Gabriel sa nais nito. Matagal na nitong plano ang mag-retiro at sa nakikita nito na tuluyan na niya na kayang manahin ang organisasyon ay gusto na nito ituloy ang plano. Pero ang totoo ay hindi siya handa, hindi dahil mahina siya kung hindi dahil alam niya na hindi siya karapat-dapat dahil hindi naman talaga siya ang anak nito. Siya si Rex Alfonzo at hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kaniya kung bakit siya nagising na nasa katauhan ni Rex Pellegrini. "I am retiring. I am planning to find your mother too but I am afraid that she doesn’t want me anymore in her life…" malungkot na sabi niya. Hindi siya umimik, muling naalala ang larawan ng magandang babae na naka-display sa study ni Don Gabriel. Iyon raw ang kaniyang ina. Sa ibaba ng larawan ay may nakasulat na pangalan. Miranda Alfonzo Pellegrini. Napangiti siya ng maalala ito. Ang Tita Miranda niya na bunsong kapatid ng daddy niya ang ina ng katauhan na niya ngayon. "Rex," Don Gabriel said, "you need to be careful. There are many people who want you to be dead. Until now, we have no idea who tried to kill you and that was the cause of your comatose. I don't want them to succeed and overpower us." Napaisip siya sa sinabi ng ama ng katauhan niya. Tama ito, hindi na siya dapat basta magtiwala. May mga taong gustong patayin siya at dapat niya malaman kung sino ang mga iyon para sa ikatatahimik ni Don Gabriel at sa ikatatahimik na rin ng buhay niya dahil kailangan niya maghiganti sa mga tao na gumawa ng masama sa dati niyang pagkatao. Three months later... NAIA, METRO MANILA, PHILIPPINES Nagkakagulo ang mga taga-media habang inaawat ng mga security guards ng airport. May inaabangan silang paparating. Si Allejo Serra, sikat na Italian car racer. "Why are there paparazzi here?" mailap ang mga matang sabi ni Rex. Pasimple niyang isinuot ang sunglasses at hinila patakip sa mukha ang beret na suot. Naiinis sa kasamang si Allejo, mukhang ito na naman ang dahilan kaya may mga paparazzi sa paligid nila. He wanted to be simple even nothing on him could be simple. From his height of six foot and three inches to his muscular built na hindi maitago ng suot niyang white shirt and denim pants. He then gave Allejo a look and by looking at his assistant ay mas lalo siyang nainis, sobrang agaw-pansin talaga ang itsura nito. "I look like a god, what do you expect?" Natatawang sabi ng kasama niyang si Allejo. Ito ang napili niyang isama dahil magkalapit ang edad nilang dalawa at sa dalawang taon niyang kasama ito bilang bodyguard at assistant ay nakasundo niya ang ugali nito maliban pa sa pinagkakatiwalaan niya ito. "F*ck! I don't want to caught any attention. I just came here for a purpose and to know what happened to my–" he cut off immediately. Walang alam ang mga ito sa tunay niyang katauhan. Para sa mga ito ay siya si Rex Pellegrini, ang prinsipe ng angkan ng mga Pellegrini. Walang kamalay-malay ang mga ito na ang totoong siya ay si Rex Alfonzo, ang lalaking tangang umibig kay Martha at niloko. A nobody kumpara sa katauhan na mayroon siya ngayon. Pahirapan ang naging pagpapaalam niya sa ama na si Don Gabriel. Hindi siya nito halos payagan pumunta ng Pilipinas. Ang tanging idinahilan niya ay gusto niya makilala ang ina at ang gusto niya muna magbakasyon bago tuluyang tanggapin ang legacy ng ama. Nakakatawang isipin ang pagkakataon. Tandang-tanda niya ang mga huling pangyayari bago siya nagising na nasa katawan ni Rex Pellegrini. He was in an accident. May bumanggang truck sa kotse niya habang iniiwasan niyang mabangga ang isang sasakyan. His car as he remembered had been wrecked and he wants to know what happen to his body, to his old body. When he woke up ay nasa isang magarang kwarto siya. He couldn't understand what happen. Hanggang sa banggitin ni Don Gabriel ang pangalan niya, tinawag siya nitong Rex. Nagtataka kung paano siya kilala ng mga ito when doctors tried to ask him so many questions. Napailing na lang siya. Wala siyang maunawaan. He observed first and he learned that he was sleeping for three years and nine months already. He was in comatose. Iyon ang paliwanag sa kaniya. Comatose? Paanong nangyari na na-comatose ako? Dahil ba sa aksidente? Pero... He was about to asked them kung nasaan ang pamilya niya nang tanungin siya ng doctor na nasa tabi niya kung naalala niya pa ba ang mga nangyari. Naguguluhan pa rin siyang umiling then he heard the doctor said na maaring sa tatlong taong mahigit niyang natulog ay nagka-amnesia siya. Hindi siya umimik, he let them believe that. Mas mabuting hindi na lamang siya magsalita lalo na at wala siyang naiintindihan sa nangyayari. Lumapit ang may edad na lalaki sa kaniya at nakikita niya na may namumuong luha sa mga mata nito. Nagtataka siya lalo na noong tawagin siya nitong "mio figlio." Figlio? Narinig niya na ang salitang iyon dati sa Tita Miranda niya, kung tama ang pagkakatanda niya ay Italian word iyon ng anak na lalaki, "son" sa wikang Ingles. Bakit siya tinatawag na anak ng lalaking ito? He stay silent then the doctor said na kailangan niya muna dumaan sa ibang mga test para malaman kung okay na ba talaga siya. For almost three months ay para siyang prinsipeng pinagsisilbihan. He had no idea at first kung anong uri ng pamilya mayroon si Rex Pellegrini. Isa lang ang alam niya, siya ay si Rex Alfonzo, 25 years old at isang Pilipino. Hindi niya maunawaan kung bakit siya napunta sa pamilya ng mga Italian. One night, after six months mula nang magising siya sa katawan ni Rex Pellegrini ay sinubukan niya mamasyal sa malawak na bakuran na pagmamay-ari ng mga Pellegrini. He was walking when he heard gun shots. Pasimple niyang binaybay ang daan papunta sa isang bodega at doon niya nasaksihan kung anong uri ng pamilya ang mayroon siya ngayon. Don Gabriel was holding his gun habang nag-uutos sa mga tauhan nito na linisin ang mga kalat na ginawa. Mga kalat? Don Gabriel was referring to two dead bodies na nasa paanan nito. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng tuwa imbes na takot. Mukhang napunta ang kaluluwa niya sa katawan ni Rex Pellegrini para maisakatuparan niya ang mga plano niyang paghihiganti. Obviously, Pellegrini family is powerful. Mababawi niya na ang lahat ng ninakaw sa kaniya nila Basti at Martha at sisiguraduhin niya maiaayos niya ang buhay ng kapatid niyang si Isabel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD