"SORRY, GUYS... I WILL BE HAVING A PRESSCON FOR YOUR QUESTIONS. SEE YOU THERE!" sabi ni Allejo na dahilan kaya nabalik sa kasalukuyan ang isip niya. Nagpapaalam na ito sa mga babaeng pilit na lumalapit para makapa-picture sana rito.
Napatingin siya kay Allejo at nakita niya ang tumatawang anyo nito habang iniiwasan ang nagkakagulong mga tagahanga at mga taga-media. He silently groaned sa naramdamang inis. Mukhang ang iniisip niyang tahimik na pagdating sa Pilipinas ay tuluyan nang nasira. Sinenyasan niya ang dalawang bodyguards na sumusunod sa kanila ni Allejo. Agad ang mga ito lumapit kay Allejo at pasimple itong hinila papunta sa sasakyan nila.
Kumakaway na lamang si Allejo sa mga taga-media at mga fans. Naghihiyawan naman ang mga babaeng tagahanga nito na lalong nagpailing kay Rex. Mukhang tatawag agad ang ama at magpapadala pa ng maraming tao kapag napanood ang balita tungkol kay Allejo.
"And I thought that Filipinas love BTS and KPops only..." Natatawa na sabi ni Allejo sa kaniya nang makapasok na sa sasakyan.
"And I never thought you would love getting attention."
"I don't want attention but never thought that Filipinas are beautiful."
"Yeah..." Rex bored voice was obvious. Iyon na lamang ang nasabi niya para matapos na ang usapan nila ni Allejo.
Ilang minuto ang lumipas at patuloy pa rin sa pag-drive ang sumundo sa kanila sa airport nang iabot ng isa niyang bodyguard na si Stefano ang phone nito sa kaniya.
Rex frowned pero pinanood naman ang nasa balita. It was a news about Allejo. Agad niyang ibinalik ang phone ng bodyguard niya at inis na tinitigan ang nakangising si Allejo.
"What?" Nang-iinis pa nitong sabi.
"Wait till my father learn about this. You fool!" Inis at napapailing niya na lang na sabi na sinagot lamang ni Allejo ng tawang malakas at pagtapik sa likod ni Flavio, ang isa pa niyang bodyguard na nakaupo sa front seat.
"NARITO NA ANG LAHAT NG KAILANGAN MO. "
Tingin lamang ang ibinigay niya sa lalaking nakaupo katapat niya. The man was a private investigator na binabayaran niya para malaman ang lahat tungkol kay Basti at Martha. Two weeks na sila sa Pilipinas at hindi siya nagsasayang ng panahon. His father allowed them for three months of vacation only. Ang imbestigador na kaharap ay rekomendado sa kaniya ng isa sa mga kontak ng organisasyon nila dito sa Pilipinas.
"Narito naman ang mga kuhang larawan ni Isabel Alfonzo. She was turning nineteen sa katapusan ng buwan. Ang sabi ay may party na binubuo para sa kaniya ang business partners na sila Basti Mercado at ang hipag niyang si Martha Alfonzo."
He clenched his teeth. Hindi niya maunawaan kung bakit waring itinuturing na prinsesa ang kapatid niya ng mga ulupong na iyon. Ano ang pinaplano nila kay Isabel?
"Nand'yan rin pala ang documents na nagpapatunay na sa edad na twenty-one ni Isabel Alfonzo bago lang niya puwedeng makuha ang mga mana niya sa mga magulang. Mananatili ang kuya niya as her guardian pero dahil missing ang kuya niya ay ang hipag niya ang tumatayong guardian niya ngayon."
Napakunot-noo siya roon. Wala siyang iniwan noon na dokumento na nagsasabi na kapag nawala siya ay si Martha ang mangangalaga sa kapatid niya. He hates her more. Kung anumang manipulasyon ang ginagawa ni Martha ay sisiguraduhin niyang malapit na itong matapos.
"Their address in Cebu, sino na ang nakatira doon?" Rex asked after mabasa ang address kung saan na nakatira ang kapatid at dating asawa, the address was their old house in Manila. Ang bahay ng mga magulang ng mommy nila ni Isabel.
“Dito sa Manila nag-aaral si Isabel at doon siya umuuwi sa bahay na minana niya sa mga magulang. Ang kasama niya roon nakatira ay si Martha. Ang bahay naman nila sa Cebu ay caretaker na lang ang tumatao pero madalas na umuuwi pa rin si Martha roon. Usually ay laging nasa travel talaga pa-Cebu at sa iba pang mga lugar dito sa Pilipinas at ibang bansa si Martha at Basti. Ngayon lang sila nagtagal sa pag-stay dito sa Manila dahil sa birthday ni Isabel na pinaghahandaan nila.”
"You said that Isabel’s brother is missing. Do you have any information about what happened to him?" pagtatantya niyang tanong dito habang ang puso niya ay binabalot ng kaba sa maaring sabihin nito na nalalaman.
Kibit-balikat ang isinagot ng imbestigador sa kaniya bago sinabing, "no one knows... The only information I got about Rex Alfonzo ay naaksidente ito. Walang sinabi kung ano ang nangyari after the accident. Ang sabi lang ay nasangkot sa aksidente. Wala namang report na namatay. I dig about death certificate pero wala mahanap sa PSA na death certificate so everybody assumed na buhay pa at nawawala lang si Rex Alfonzo."
His frown gone deeper. Kung namatay siya ay bakit hindi nailibing ang katawan niya. Kung buhay naman siya ay bakit nasa katawan ni Rex Pellegrini ang kaluluwa niya. There is something wrong. Something absurd.
Ilang sandali ang lumipas at nagpaalam na ang imbestigador sa kaniya. Paalis na ang imbestigador nang lumapit naman sa kaniya si Allejo.
"What was that all about?"
"I am looking for certain people." He answered and looked at the pictures of Martha and Basti na nasa loob na ng brown envelope. Muli niyang tiningnan ang mga iyon isa-isa at ibabalik na sana niya ang mga larawan nang kumunot ang noo niya sa huling larawan na hindi niya napansin kanina.
Muli niya itong tiningnan at ang mga mata niya ay nakatutok sa isang babae na kasunod na naglalakad ni Martha, nakapwesto ito sa may likuran ni Martha at waring may nililingon. Na-curious siya sa babae at sa kaugnayan nito sa mga pinapahanap niya, dinampot niya ang phone na ipinatong niya sa coffee table at muling tinawagan ang numero ng private investigator na kausap niya kanina.
"Who was the woman behind Martha and Basti?" Curiosity was all in his voice sa tanong na ibinungad niya nang sagutin ng kausap na imbestigador ang tawag niya.
The investigator answered him and he ended the call for his eyes brightened as he smirked dahil sa narinig na impormasyon.The woman is Martha's younger sister. Napangiti siya sa tumatakbong plano sa isip niya. Mukhang nahanap na niya ang kahinaan ni Martha, mukhang alam na niya ang paraan para makaganti rito.
"I want this woman," aniya kay Allejo na itinuturo ang kapatid ni Martha na nasa larawan.
"You want the woman? Do you want me to send her flowers?"
"I want her. Plan for her a*******n and bring her to me."
NAPALUNOK SI ALLEJO SA SINABI NI REX SA KANIYA. Napaisip siya sa kung anong pumasok sa utak ng boss niya na mas itinuturing niyang kaibigan kaysa ano pa man. They are in Philippines at foreigner sila sa bansang ito. Iniisip niya na hindi pa nga nila kabisado ang lugar pero ang magiting na si Rex Pellegrini ay inuutusan na siyang mangidnap ng isang babae.
He picked the photo na inilapag ni Rex sa mesa kanina para maituro sa kaniya ang babaeng gusto nitong makuha, he looked again at the image of the woman. Not bad. Inisip na maganda pala kaya pasado sa taste ng boss niya.
"I'm not interested in her, Allejo. I just want her to pay for her sister's debt,” narinig niyang turan ni Rex at kung bakit nito kailangan sabihin sa kaniya ang dahilan sa pinapagawa nito ay naging dahilan para mapangisi siya habang nakatingin dito.
Ang totoo ay naguguluhan talaga siya sa nakikitang pagiging tila balisa ni Rex mula nang dumating sila ng Pilipinas. Palagi itong busy at kinakausap tuwina ang imbestigador na kausap nito.
Naguguluhan man ay wala itong magawa kung hindi ang sang-ayunan na lang siya. Napatango na lamang ito.
"When do you want me to initiate the k********g?" Allejo asked, mas okay na ang malaman agad para mapaghandaan.
"After this girl's birthday celebration. You first need to do something so we could be invited on this girl's birthday on the 30th of this month."
Allejo looked at the picture of another woman. It was a stolen shot of a beautiful woman.
Girl?
She looked like a teenager but the term girl is inappropriate for the lady in the picture. The lady looks hot as hell.
"WHO IS SHE?" tanong ni Allejo sa kaniya.
"Isabel Alfonzo, my si--" he cut it immediately. Nadadala na naman siya ng damdamin niya. Hindi niya puwedeng guluhin ang mga plano niya. Maguguluhan lang ang lahat. Wala rin maniniwala sa kaniya na hindi siya si Rex Pellegrini kung hindi si Rex Alfonzo.
"Your what?"
"Do you need to ask more before you do the job?"
Kibit-balikat ang isinagot ni Allejo sa kaniya. Naiinis man siya sa kakulitan nito minsan ay mas gusto niya pa rin itong kasama kaysa kay Marcus na lagi siyang tinitingnan ng may pagdududa. Naunawaan naman niya si Marcus, masyado itong loyal kay Don Gabriel at kahit pa yata siya na anak ng don ay paghihinalaan.
"Can you do the job or do I need to ask my father to send me his henchmen here to replace you?"
"Any henchman of Don Gabriel will be okay as long as it's not Marcus," natatawang sabi ni Allejo na naging dahilan para matawa rin siya. Pareho lang sila ng iniisip, Marcus loyalty is only for the king of the organization at hanggang hindi niya tinatanggap ang pamana ng ama ay kay Don Gabriel lang ito magiging tapat.
Hindi naman nagsalita pa si Allejo. Dinampot muli at tiningnan ang larawan ni Isabel. Nakangiting tumingin sa kaniya at ibinalik ang tingin sa larawan ni Isabel. Siguradong nakaisip na ito ng paraan kung paano lalapitan ang kapatid niya.
"Stop looking at her like you want her. You touch her and I'll kill you."
"Relax, Rex. I won't touch her. If you want her then she will be yours."
Napailing na lang siya sa sinabi ni Allejo. It is better to not say anything. He just need to revenge para kay Isabel. Babawiin niya ang lahat ng ninakaw ni Martha at Basti para kay Isabel. He maybe could no longer live as Isabel's older brother but he will surely do everything he can as a Pellegrini para muling maiayos ang buhay ng kapatid niya.
"IZZY..."
"Stop calling me Izzy. We are not family and you are not my friend," Isabel said bitchily kay Martha na dahilan naman para lapitan siya nito at hawakan sa magkabilang pisngi.
"Stop acting b***h in front of me. Ako pa rin ang naiwang tagapangalaga mo kaya ako pa rin ang magdedesisyon sa mga galaw mo," gigil na sabi ni Martha bago bitawan ang mukha niya.
Hindi na umimik si Isabel after Martha said that to her. Dalawang taon na lang ang hihintayin niya para tuluyan na siyang makalaya sa pangangalaga ng babaeng ito. Sukang-suka na siya sa ginagawa nitong pagpapanggap na mabuting tao sa harap ng mga kakilala nila. Gustuhin niya man sa Tita Miranda niya siya makitira ay hindi puwede dahil gagawa lang ng eskandalo ang Martha na ito kapag ginawa niya muling tumakas at pumunta roon.
Naalala niya ang kuya niya. Walang nakakaalam kung nasaan na ito. After that night, iyong huling gabing kausap niya ito sa telepono ay may tumawag sa kaniya na mga pulis. Nasangkot sa aksidente ang kuya niya pero tanging kotse lang nito ang nakita. Wala ang katawan ng kuya niya. Wala silang alam kung buhay pa ba ito o patay na. His body is missing.
Kasabay ng pagkawala nito ay ang pagsugod ni Martha sa kanila ni Miranda. Kailangan niya raw sumama rito dahil ito raw ang guardian niya. Hindi niya gusto ang mga nangyayari pero wala siyang magawa. May mga kasama pa itong mga pulis at taga-DSWD. She was only seventeen that time at may mga dala itong dokumento na may pirma ng kuya niya na nagsasabing ito ang magiging guardian niya kapag wala ang kuya niya.
She tried not to cry. Ayaw niya magpakita ng kahinaan sa babaeng ito. She was about to say something pero naunahan siya magsalita ni Mira.
"Ate, ako na ang bahala makipag-usap kay Isabel."
Napalingon siya kay Mira, mabuti at dumating ito. That was Mira, Martha's younger sister na hindi niya alam kung paano naging magkapatid dahil magkaibang-magkaiba sila ng ugali. Martha is a total w***e while Mira is so sweet and kind. Matanda lamang ito ng isang taon sa kaniya.
Inis na umalis na lamang si Martha sa harap nila at napabuntong-hininga na lamang si Mira sa harap niya.
"Pasensya ka na kay ate. Ayoko rin ng ginagawa niya pero hindi ko naman siya puwede kontrahin at sasaktan lang rin niya ako."
"Bakit hindi ka lumalaban? Hindi naman palibhasa ate mo siya ay may karapatan na siyang manakit sa'yo basta trip niya lang."
"Shhh..." Agad nitong tinakpan ang bibig niya.
Agad naman siyang tumahimik. Hindi nga pala siya dapat nagsasalita laban kay Martha sa bahay na ito. Ang lahat ng tao na nasa paligid nila ay loyal kay Martha at Basti. Tanging si Mira lang ang kakampi niya dito at kahit ito ay walang kakayahan lumaban kay Martha.
"Tiis ka na lang muna, Izzy. Sooner or later ay makakaalis ka na rin dito. I am still praying na bumalik na ang kuya mo para maging maayos na ang kalagayan mo."
"Si kuya? Ni wala nga nakakaalam kung nasaan na siya. Isa lang ang totoo, ayoko na umasa pa sa kaniya. He was the reason kung bakit ako hawak sa leeg ni Martha. I don't want to say this but sometimes, I blamed kuya for all the mistakes he made."
"Malapit na ang birthday mo, malay mo at sa birthday mo ay magkita na kayo ulit ng kuya mo. I didn't have a chance to met your brother before dahil nasa ibang bansa pa ako itinatago ni ate Martha, but I believe that your brother is a good man. He will surely has his reasons kung bakit hindi pa siya nakakabalik."
"Don't you think that he could be dead?"
"I will tell you a secret..." Mira was about to tell her something pero nagbago ang isip, "sa school na lang tayo ulit mag-usap. Not here."
Napatango naman siya. Kung anuman ang sasabihin nito ay makapaghihintay. Bukas ay Lunes at may pasok sila. That was the only thing na gusto niya sa kalagayan niya habang nasa poder ni Martha. Nag-aaral siya sa eskwelahan kung saan nag-aaral si Mira. Sa school ay malaya silang nakapag-uusap.