PROLOGO

2158 Words
August 11, 2015 (10:00 A. M.) PELLEGRINI'S MANOR, ITALY "How's my son?" Ang tanong ni Don Gabriel Pellegrini sa doktor na mula pa sa America. Noong nakaraang linggo lang ito dumating para dumagdag sa grupo ng mga doktor na umaasikaso sa anak niya. "Your son's still not responding. For the whole week, I studied everything about his health condition. By looking at him, it is indeed miraculous that he's still breathing." Don Gabriel's alert men just stay focus sa isi-signal ng amo nila. They knew their boss, kapag may hindi ito nagustuhan sa narinig ay siguradong may ipapa-trabaho sa kanila at ang sinabi ng bagong doktor na milagro na lang ang dahilan kung bakit humihinga pa ang nag-iisang anak ng amo nila ay siguradong hindi nito nagugustuhan. Tinitigan ng don ang anak. Nalulungkot. Ang nakahigang anak na tatlong taon mahigit nang comatose ay ang nag-iisa niyang anak, ang nag-iisa niyang tagapagmana. Don Gabriel closed his eyes and let a deep breath out. When are you going to wake up, Rex? "Don Gabriel, hai un ospite." Hindi niya nilingon ang pabulong na nagsalita sa likod niya. Si Marcus iyon, ang kanang-kamay niya. Ipinapaalam sa kaniya na may bisitang dumating. Kung sino man ang dumating ay maghihintay ito sa kaniya. Sa mga oras na iyon ay mas gusto niya samahan ang anak. Ang kung ano man na negosyo ang dahilan ng pagbisita sa kaniya ay dapat alam na ang rules niya. Siya si Don Gabriel Pellegrini, ang tinatawag na Mafia King ng organisasyon na simula sa pabagsak na sana ay pinaghirapan niyang patatagin mula ng mamana niya sa kaniyang ama, at ngayon ay nakatingin siya sa kaisa-isa niyang tagapagmana, si Rex. Sinulyapan niya ang doktor na kausap at pagkatapos ay muling ibinalik ang tingin sa anak na may kung anu-anong aparatong nakakabit sa katawan. Nasa mukha ng doktor ang pag-aalinlangan, iniisip marahil na iuutos niyang ipapatay ito dahil sa nasabi na milagro na lang ang makakagising sa anak niya. Gano'n naman talaga ang pagkakakilala sa kaniya ng marami, isang malupit na pinuno ng angkan ng mga Pellegrini. Sumenyas siya kay Marcus, ang leader ng mga henchmen niya, at agad itong lumapit sa kaniya. Bumulong siya rito gamit ang wikang Italian, he told him na ito ang humarap muna sa bisitang dumating. Wala siya panahon makipag-usap sa kung sino man sa ngayon. Agad naman itong tumango at agad na umalis sa harap niya. Muli niyang nilapitan ang doktor ng anak at binulungan... "Do everything you can for my son, Dr, Collins… and I will surely give everything you want,” pangako niya rito. Dr. Collins eyes brightens, kung sa pangako ng don o sa takot na magkamali ay ito na lang ang nakakaalam. Ang tanging nagawa na lang nito ay ang tumango bilang tugon sa mga binitiwan niyang mga salita. August 11, 2015 (10:15 P. M.) CEBU CITY, PHILIPPINES Sunud-sunod ang ginagawang pag-tungga ng alak ni Rex Alfonzo habang nagmamaneho. He was really devastated. Wala na siyang pera, wala na siyang kompanya. Ninakaw lahat sa kaniya ng pinagkakatiwalaan niyang mga tao. Si Martha. Si Basti. "Don"t marry Martha, Rex! I saw her with random men. Pera lang ang habol niya sa'yo!" He remembered what Isabel told him bago ang kasal nila ni Martha. Dapat ay naniwala siya rito. Puro dapat. "I saw her with Basti. Magkasama sila sa Radisson Blu. Are you still trusting her?" He knew it. Or it is better to say, he felt it. Ramdam niya na mayroong iba pero gusto niya malaman kung sino. He asked Basti to investigate for him pero iyon ang hindi niya naisip, ang pagdudahan ang best friend niya. Napakatanga niya. Napakabobo. "Pare, your wife loves you so much. Huwag ka naniniwala sa mga taong naiinggit sa relasyon niyo. Pumunta kami sa Radisson Blu dahil gusto ka niya sorpresahin para sa sixth monthsary niyo. Ayan! Nasabi ko na tuloy!" tumatawang sabi ni Basti sa kaniya nang tanungin niya ito tungkol sa sinabi ng kapatid niyang si Isabel. Napatiim-bagang siya nang maalala ang mga sinabi ni Basti. Napakabobo niya at nagtiwala siya sa mga iyon. Napakabobo niya, kabobohan na sinamantala ng mga ganid na sina Basti at Martha. "Basti and Martha are already together since then. Niloloko ka nila. See it for yourself!" Isabel uttered angrily kasabay ng pag-itsa sa kaniya ng brown envelope. He doesn't want to believe her. Alam niyang galit si Isabel kay Martha kaya lahat ginagawa nito para siraan ang asawa niya. Wala siyang plano tingnan ang laman ng envelope pero ang paghagis ni Isabel ng envelope na hindi niya sinalo ang dahilan kaya nagkalat ang laman nito sa sahig. No one wants to pick it up. Nakakalat lang ang mga laman ng envelope sa sahig. He didn't want to look at all. Ayaw na niya intindihin pa sana ang mga kapritso at iniisip na kalokohan ng bunso at spoiled na kapatid. "Hah!" Isabel scoffed upon saying that. Naiinis na dinampot ang mga larawan na nakakalat. Nailing na lamang siya sa inaasal ng kapatid. Isabel was always spoiled by him. Nang maagang mamatay ang mga magulang nila ay siya na ang tumayong ama at ina kay Isabel. He was only eighteen nang mamatay sa aksidente ang parents nila while Isabel was only ten. He spoiled her, lahat ng puwedeng magpapasaya dito ay binibigay niya. She was spoiled yet a very sweet and loving sister. Nagbago lang ang samahan nila nang ipakilala niya rito si Martha at lalong lumala nang pakasalan niya si Martha. "I'm just gonna clean up this mess at nakakahiya sa janitors kung sila pa ang magliligpit sa mga kalat na ito. Nakakahiya na makita nila ang kalandian ng asawa mo!" After saying that ay umalis na ito sa opisina niya but she intentionally left the pictures in his table para makita niya. He saw it. Napapikit siya sa sakit na naramdaman. Pictures tell it all. Si Martha at Basti, naghahalikan sa gilid ng pool. Si Martha at Basti obviously making out sa loob ng kotse. Marami pang larawan. Mga nakakasukang larawan ng dalawang taong pinagkatiwalaan niya. He swiped the tears na hindi niya napansin na pumatak mula sa mga mata niya dahil sa mga naalala. He heard his phone ringing, ang nasa caller ID ay si Isabel. Obviously, ang kapatid niya lang naman talaga yata ang nag-aalala sa kaniya. Alangan naman tawagan pa siya ng asawa niya o ng best friend niya. The phone stops ringing but after a minute ay muli itong nag-ring. Last week niya pa nalaman ang lahat mula sa imbestigador na kinontak niya para malaman ang lahat ng kalokohan nila Martha at Basti. He worked instantly para ipa-annul ang kasal nila ni Martha but he never thought na wala na pala siyang pera. All of his money and investment ay nalipat na sa pangalan ni Martha. Nagawaan na pala ng dalawa ng paraan ang pagkamkam sa mga pinaghirapan niya. Ang kung ano man na minana nila ng kapatid sa yumaong mga magulang nila ay mabuti na lang at noon niya pa nagawaan ng paraan para maisalin sa pangalan ng kapatid niya ang seventy-five percent ng mga iyon. Twenty-five percent lang ang napunta para sa kaniya na hindi niya iniisip noon na paghahanda sa kung ano man na haharapin. Ginawa niya ang paglipat sa pangalan ni Isabel ng karamihan sa ari-arian nila dahil matatag na rin ang real estate business niya. Mabuti na lang at noon ay gumana ang sentido kumon niya kung hindi ay baka pati ang mga iyon ay nakuha na ni Martha. Kung hindi a siguradong madedehado pati ang kapatid niya. Mga manlokoko. Umigting ang panga niya sa naisip na panloloko nina Martha at Basti sa kaniya at iniisip kung paano mababawi ang lahat sa mga ito. Dahil sa hinaharap na problema ay muli niyang naisip ang kapatid, iniisip kung paano na si Isabel. Oo at may sariling pera si Isabel but she was only seventeen. Isabel's own money na makukuha nito lamang sa edad na eighteen. Isang taon pa ang kailangan hintayin ni Isabel para sa sarili nitong pera. Paano niya sasabihin kay Isabel na kailangan na nitong tumayo sa sariling mga paa dahil wala siyang kwentang kuya, na ang twenty-five percent ng pinaghirapan ng mga magulang nila ay napunta na kay Martha sa katangahan niya. "Rex! Where are you? Puntahan mo ako dito kay Tita Miranda. I am staying with her. Pinalayas ako ng walanghiya mong asawa!" Isabel angrily said sa kabilang linya nang sagutin niya ang tawag nito. "Rex, ano ba?!" Isabel started crying after saying that, "wala na ba tayo magagawa para mabawi ang bahay?" He heard their Tita Miranda in the background, inaalo ang kapatid niya na sigeng iyak. Si Miranda ay bunsong kapatid ng daddy nila. Nag-iisang kapatid ito ng kanilang ama at matandang dalaga, ang mga kasama nito sa bahay ay mga ilang katutubo na inampon nito at pinapag-aral. "Kuya..." His eyes widened sa itinawag nito sa kaniya, mula nang pakasalan niya si Martha ay ngayon lang siya ulit tinawag ni Isabel ng kuya. His sister hated him since pinakasalan niya si Martha at simula noon ay kahit ang pagtawag ng kuya na kinalakihan na nito ay hindi na niya muling narinig, until the moment. "You cannot let this happen, kuya..." "I'm sorry, Izzy... Promise, babawiin ko lahat sa kanila." He was blinded with his tears when he said that and then he didn't saw it coming. Isang kotse ang muntik niyang mabangga but his reflexes turn the steering wheel para makaiwas but instead makaiwas ay isang truck ang sumalpok sa kotse niya. Sa muli niyang pagdilat ay malabo na ang lahat ng nakikita niya. "Izzy, I'm sorry..." Iyon na ang huli niyang nasabi at tuluyan na siyang nawalan ng malay. August 11, 2015 (11:45 P. M.) ITALY "Gabriel..." Hindi niya tiningnan ang taong pumasok sa study niya. Patuloy lang siya sa pagpirma. "We need to talk about your retirement, Gabriel." "Non vado in pensione, Simeon." Mahinahon pero madiin niyang sabi dito. Ipinapaalam dito na wala siyang plano mag-retiro. "You should retire, Gabriel. You cannot do anything to the organization anymore. For the last three years, you have done nothing but to monitor your good-for-nothing comatose son." Iyon ang nagpatigil sa ginagawa niyang pagpirma. He couldn't let anyone insult his son kahit kapatid niya pa. "Leave!" Iyon lang ang sinabi niya at agad na umalis ang kapatid na si Simeon kasunod ang mga tauhan nito. He was about to return on what he was doing nang marinig na nagkakagulo ang mga nurses at mga doctors sa kwarto ng anak niya. His adrenaline arise at nagmamadali na pinuntahan ang kwarto ng anak. Kinakabahan. "Don Gabriel, please stay here outside,” Dr. Collins said to him nervously. Galit na kinuha naman niya ang baril sa sinturera ng pantalon ng tauhan niya at itinutok sa doktor na pinipigilan siya. Agad ang pamumutla sa mukha ng doktor at napalunok na lamang ito sa kaba. Inis na pumasok siya sa kwarto ng anak then he saw his only son na naghihingalo. He was obviously losing his breath. Ang pulse ng anak niya ay unti-unti na nagfa-flat line. "What happen?!" Galit na tanong niya sa mga doktor pero walang sumasagot sa kaniya dahil sa takot. Patuloy ang mga doktor sa pag-monitor kay Rex. May tumitingin sa mata ni Rex, may sumasaksak ng gamot kay Rex, may isa na sinimulan na ang CPR sa anak niya. Gusto niya pagbabarilin ang mga doktor na wala ng magawa para sa anak niya pero para saan pa. Unti-unti, Rex heartbeat was gone. He stops breathing. Ilang minuto pa ang lumipas na pilit gumagawa ng paraan ang mga doktor. Nakikita ni Don Gabriel ang takot sa mukha ng mga doktor ng tingnan siya. Hindi nila magawang umiling. He walked towards his son's bed at awang-awa sa anak na wala ng buhay sa harap niya. He touched his son's handsome face. Ang mukhang pinagkakaguluhan ng mga babae noon na ngayon ay namayat sa tatlong taong pagka-comatose. "Rest now, Rex..." He hold his son's left hand, pinisil ang kamay ng anak na alam niyang mamaya lang ay lalamig na. Ilang segundo siyang tahimik na nagluksa sa tabi ng anak. Kung naririto lang sana ang ina ni Rex ay may kasama sana siya sa pagluluksa sa pagkawala ng anak nila. He was about to left his son at para kausapin ang aasikaso sa katawan ni Rex nang maramdaman niyang gumalaw ang daliri nito. His finger was literally moving. Moving? "Call Dr. Collins!" He instructed the nurse na kahit ito ay naguguluhan sa nakikitang unti-unting paggalaw ng katawan ni Rex Pellegrini. "Rex..." tanging nasabi ni Don Gabriel. Ang pag-asang nawala ay tuluyan nang bumalik. Nagmamadali naman ang mga doktor na ineksamin ang katawan ng binatang umuungol na nakapikit. Ang nga nurses ay sinimulan naman ibalik ang mga aparato para sa pag-monitor sa vitals ng binata. Patuloy si Rex sa pag-ungol at maya-maya ay nagsalita na ito. Mga katagang kahit si Don Gabriel ay hindi maintindihan. "Ba... Babalik...ako... Babali...kan...ko...kayo, Mar...tha...Bas...ti..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD