HINDI alam ni Paola kung masama lang ba talaga ang gising niya kaya iritado ang pakiramdam niya. Hindi na siya nanaginip ng masama simula nang sumailalim siya sa therapy kaya imposible na iyon ang dahilan. Marahas siyang napabuntong hininga. Napadako ang tingin niya sa family picture na nasa ibabaw ng book shelf. Tumayo siya para tingnan iyon nang malapitan. Kasalukuyan siyang nasa loob ng opisina ni Dr. Julio Nikolas Dominguez – ang kanyang psychologist. Matama niya itong hinihintay doon para sa kanilang therapy session. Joaq introduced her with his brother right after the truth wqs revealed to her. Naging totoo ito sa sinabi na tutulungan siya nito na maka-cope up sa kimasadlakang anxiety depression. Iyon na ang ikatlong session niya sa doctor. Unti unti, nakikita na niya ang pagbabago