HINDI pa rin maalis ang ngiti sa mga labi ni Joaq kahit papasok na siya sa condominium building na pag-aari niya. Binati siya ng mga staff na nasa reception area na tinugon naman niya. Diretso niyang tinungo ang elevator na mag-a-akyat sa kanya sa suite. Nang makarating sa pinakahuling palapag ay agad siyang lumabas at tinalunton ang sariling suite. Doon nakita niyang nakatayo ang babaeng buong buhay niya yatang hinintay. It was her mom, Estelle Bermejo-Dominguez. She’s still sophisticated and youthful. Hindi na sila nagugulat na napapagkamalan itong kapatid nila kaysa ina. She’s only sixteen when she gave birth to his kuya Niko. Eighteen naman ito nang siya ang ipagbuntis at ipanganak. May sumilay na ngiti sa mga labi nito nang makita siya. Nasipat niya ang orasan, pasado alas diyes na