Sabina PARANG namamaga ang aking labi dahil sa kakahalik ni Atty. Hades sa akin. Sa lahat ng pagkakataon na makikita niya, hinahalikan niya talaga ako. Ako naman itong sinusuklian ang halik niya. Syempre, hindi ako magpapatalo, ‘no! Alam niyang magaling siyang humalik kaya kailangan ko ring pakitaan na magaling ako. Papasok na kami sa opisina at nag-park lamang sa basement parking ng building si Attorney. Sabay na sana kaming papasok sa loob ng opisina nang may maalala ako. Tumigil ako sa paglalakad. Nakuha ko ang atensyon ni Attorney at kaagad siyang tumingin sa akin. Tumaas ang kilay niya na animo’y nagtataka sa pagtigil ko. “Hindi po ata maganda na makita tayong sabay na pumasok.” Nagkakasabay naman kami noon sa elevator ni Attorney, pero iyon ay hindi sinasadyang pagkakataon. Ngay