Sabina NANG imulat ko ang aking mga mata, ang pamilyar na bango ni Attorney ang bumati sa aking ilong. Napangiti ako dahil akala ko ay napapaginipan ko lamang si Atty. Salvatore. Madalas kasi ay ganoon ako. Halos gabi-gabi ko na atang napapaginipan ito. Hindi na ako magtataka kung bakit hulog na hulog na ako rito. Nakangiti pa ako hanggang sa maglaho ito nang mapansin ko na hindi pamilyar ang kinaroroonan kong lugar. Hindi ito ang kuwarto ko. Napabalikwas ako at iginala kaagad ang tingin sa silid na kinaroroonan ko. The room is dark, suited for someone like…Atty. Hades Salvatore. “Awake?” Napapitlag ako nang marinig ko ang boses niya. Nakahilig siya sa may frame ng pintuan at nakahalukipkip habang pinagmamasdan ako. Hindi ko alam kung bakit awtomatiko kong hinawakan ang kumot at dina